18/05/2026
ππ§π ππ’π π‘π, ππ§π ππ¨π©π: ππ§π ππ₯ππ¬ ππ’ππ² ππ¨π₯ππ¬ ππππ ππππ πππ§ππ₯ππ₯π’π π‘π πππ¦π¨π«π’ππ₯ ππ«π¨π π«ππ¦
Pinangunahan ng Angeles City Primary HIV Care Clinic β Bale AngeleΓ±o sa suporta ni Mayor Carmelo βJonβ Lazatin II ang pagdaraos ng 2026 AIDS Candlelight Memorial Program na may temang βOne Light, One Hope: We Remember, We Rise, We Leadβ sa Reproductive Health and Wellness Center sa Balibago, Angeles City.
Layunin ng aktibidad na alalahanin ang mga buhay na naapektuhan ng HIV/AIDS, palakasin ang kamalayan ng komunidad, at hikayatin ang pagkakaisa laban sa stigma at diskriminasyon.
Naging bahagi ng programa ang banal na misa, inspirational messages, reflection, solidarity messages, at candle lighting ceremony bilang simbolo ng pag-asa, pagmamahal, at suporta para sa mga indibidwal at pamilyang naapektuhan ng HIV/AIDS.
Nagpahayag din ng suporta at pakikiisa ang ibaβt ibang kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, youth sector, at community organizations upang higit pang mapalawak ang adbokasiya para sa awareness, prevention, at tamang kaalaman tungkol sa HIV.
Patuloy na hinihikayat ang mga AngeleΓ±o na maging bukas sa tamang impormasyon, magpakita ng malasakit sa kapwa, at suportahan ang mga programang naglalayong mapanatili ang isang ligtas, maalam, at malusog na komunidad para sa lahat.