Victoria Village Barangay, Baguio City

Victoria Village Barangay, Baguio City this page talk about the schedule of meeting sport and others

You are all invited Come one come all ๐Ÿ™
05/09/2026

You are all invited
Come one come all ๐Ÿ™

Victoria Village Gimong Meeting๐Ÿ™
04/09/2026

Victoria Village Gimong Meeting๐Ÿ™

Barangay Kalinisan Day (BarKaDa) week 35 & Denguerra Thursday
03/09/2026

Barangay Kalinisan Day (BarKaDa) week 35 & Denguerra Thursday


๐Ÿ“ข ON-GOING PROJECTS 1๏ธโƒฃ Improvement & Construction of Septic Tank at Child Development Center funded under Local Develom...
03/09/2026

๐Ÿ“ข ON-GOING PROJECTS

1๏ธโƒฃ Improvement & Construction of Septic Tank at Child Development Center funded under Local Develomaent Fund (LDF)
2๏ธโƒฃ Improvement of Basketball Court funded under Local Development Fund (LDF) 2025.

Ang mga proyektong ito ay bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kalidad ng edukasyon at kalusugan ng ating mga kabataan, gayundin ang pagpapaganda ng ating pasilidad para sa sports at recreation.

Maraming salamat po sa patuloy na suporta at pag-unawa habang isinasagawa ang mga proyektong ito.

Para sa ikauunlad ng ating Barangay!

Sangguniang Barangay ng Victoria Village

*MARAMING MARAMING SALAMAT PO, BENECO!* ๐Ÿ’ก๐Ÿ™Taos-puso po ang pasasalamat ng buong *Barangay Victoria Village* sa ating *ma...
02/09/2026

*MARAMING MARAMING SALAMAT PO, BENECO!* ๐Ÿ’ก๐Ÿ™

Taos-puso po ang pasasalamat ng buong *Barangay Victoria Village* sa ating *masisipag at maaasahang personnel ng Beneco - Benguet Electric Cooperative sa mabilis na pagtugon at pag-restore ng kuryente sa aming lugar.

Matapos ang halos *30 oras na walang kuryente*, muli na po tayong nagkaroon ng ilaw sa ating mga tahanan.

Alam po namin ang hirap, puyat, at sakripisyo ng inyong trabaho lalo na sa ganitong masamang panahon. *Saludo po kami sa inyong walang sawang dedikasyon at serbisyo sa komunidad!*

Mabuhay po kayo at maraming salamat muli!

30/08/2026

MAGANDANG UMAGA PO SA LAHAT*

MAHALAGANG PAALALA

Pakiusap po sa lahat na paki-check ang mga lugar na malapit sa inyong area. Kung may mapapansin kayong lupa na may bitak, gumuguho, o posibleng pagmulan ng landslide, agad po itong i-report para sa agarang aksyon.

Nakatanggap din po tayo ng ulat na may mga mapagsamantalang kawatan na sinasamantala ang ganitong panahon at sitwasyon.

Kaya po hinihikayat namin ang lahat na maging alerto at mapagmatyag.
Siguraduhing naka-lock ang mga pinto at bintana, at magtulungan po tayo sa pagbabantay sa ating komunidad.

Ang kaligtasan ng bawat isa ay ating pangunahing prayoridad.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-iingat. ๐Ÿ’š

LIVELIHOOD TRAINING: RUG MAKING & SOAP MAKING*Matagumpay naisagawa ang Livelihood Training on Rug Making at Soap Making ...
29/08/2026

LIVELIHOOD TRAINING: RUG MAKING & SOAP MAKING*

Matagumpay naisagawa ang Livelihood Training on Rug Making at Soap Making sa pakikipagtulungan ng ating Solo Parent Organization na pinamumunuan ni Ginoong Ricky Rivas at Gng. Kristine Sandoval kasama ang mga masisipag na officers and members nito.

Ang Solo Parent Organization ng Gibraltar Barangay ang nagsilbing mga trainor at nagbahagi ng kanilang kaalaman at talento sa ating mga kabarangay.

Dinaluhan ito ng ating mga Women at PWD Members kasama din ang mga Barangay Officials

BENEPISYO NG LIVELIHOOD TRAINING

1. Dagdag Kabuhayan - Magkakaroon ng panibagong pagkakitaan ang mga kalahok sa pamamagitan ng pagtitinda ng rug at soap.
2. Kasanayan at Kaalaman - Natutunan ang practical skills sa paggawa ng produkto na pwedeng gawing negosyo.
3. Pagtitipid sa Gastos - Ang mga produktong nagawa ay magagamit sa sariling tahanan.
4. Nakakatulong sa Kalikasan - Sa pamamagitan ng *Reuse at Recycle* ng mga lumang tela at materyales sa paggawa ng rug, nababawasan ang basura at natutulungan nating mapangalagaan ang ating kapaligiran.
5. Pagpapalakas ng Samahan - Nabuo ang pagkakaisa at pagtutulungan ng Solo Parent, Women at PWD sector.
6. Pagiging Produktibo - Nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging self-reliant at independent.

Ang Sangguniang Barangay ay taos-pusong nagpapasalamat sa Solo Parent Organization ng Gibraltar Barangay sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa paglilingkod, at sa lahat ng dumalo at nakikiisa sa programang ito.

Nawa'y maipagpatuloy at ma-apply natin ang mga natutunan para sa ikabubuti ng ating pamilya, kabuhayan, at kalikasan.

Maraming salamat po! ๐Ÿ’š

BARANGAY KALINISAN DAY (BarKaDa) WEEK 35 & DENGUERRA THURSDAYSa pangunguna ni Punong Barangay Roger Balicha, katuwang si...
28/08/2026

BARANGAY KALINISAN DAY (BarKaDa) WEEK 35 & DENGUERRA THURSDAY

Sa pangunguna ni Punong Barangay Roger Balicha, katuwang sina SK Chairwoman Faith Carrera, mga BPATs sa pamumuno ni Chief Tanod Manuel Reynaldo, at mga masisipag na volunteers, matagumpay naisagawa ang sabayang paglilinis ng mga daluyang tubig at pag-alis ng mga debris na maaaring maging sanhi ng pagbara nito.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa Purok 1, 2 at 3, Naguillian Road bilang bahagi ng ating preventive measure para sa nalalapit na pag-ulan dulot ng hanging habagat at bilang suporta sa Denguerra Thursday campaign ng barangay upang maiwasan ang pagdami ng lamok na nagdudulot ng dengue.

PAALALA SA LAHAT NG KABARANGAY:
Nakikiusap po kami lalo na sa mga motorista at nagpa-park sa kahabaan ng Naguillian Road na huwag pong magtapon ng basura sa gilid ng kalsada.

"Itapon po natin ang basura sa tamang lugar."
Ang kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran ay responsibilidad ng bawat isa.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na kooperasyon at pakikiisa para sa isang malinis, ligtas, at dengue-free na Barangay Victoria Village!


๐˜ฝ๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™†๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ (BarKaDa) โ€”Week 34 & ๐˜ฟ๐™š๐™ฃ๐™œ๐™ช๐™š๐™ง๐™ง๐™– ๐™๐™๐™ช๐™ง๐™จ๐™™๐™–๐™ฎ๐™†๐™–๐™ข๐™ž ๐™ฅ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™ ๐™ž๐™ ๐™ž๐™ช๐™จ๐™–๐™ฅ ๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™ง๐™š๐™จ๐™ž๐™™๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™š ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–...
26/08/2026

๐˜ฝ๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™†๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ (BarKaDa) โ€”Week 34 & ๐˜ฟ๐™š๐™ฃ๐™œ๐™ช๐™š๐™ง๐™ง๐™– ๐™๐™๐™ช๐™ง๐™จ๐™™๐™–๐™ฎ

๐™†๐™–๐™ข๐™ž ๐™ฅ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™ ๐™ž๐™ ๐™ž๐™ช๐™จ๐™–๐™ฅ ๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™ง๐™š๐™จ๐™ž๐™™๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™š ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ข๐™–๐™ ๐™ž๐™ž๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™ ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™–๐™ฎ๐™ช๐™จ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ. ๐™ˆ๐™–๐™–๐™ง๐™ž ๐™ฅ๐™ค ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™—๐™–๐™ก ๐™จ๐™– ๐™™๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™ž๐™—๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ ๐™–๐™–๐™ฎ๐™–-๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฃ ๐™ช๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ก๐™ž ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™–๐™ฎ๐™ค๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™ก๐™ž๐™œ๐™ฉ๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™™๐™–๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ก๐™–๐™ก๐™–๐™ ๐™–๐™™. ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™ž๐™ง๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™™๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ก๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ, ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™–, ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™™๐™– ๐™ก๐™–๐™ก๐™ค ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™œ-๐™ช๐™ก๐™–๐™ฃ.

๐Ÿ“Œ๐™†๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ ๐˜ผ๐™†๐™Š ๐™จ๐™– ๐™†๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‰๐™„๐™Ž๐˜ผ๐™‰๐Ÿ‘Š

Barangay Anti-Drug Abuse Council and Barangay Peace & Order Committee MeetingAktibong dumalo ang BCPO Police Station 1 a...
26/08/2026

Barangay Anti-Drug Abuse Council and Barangay Peace & Order Committee Meeting

Aktibong dumalo ang BCPO Police Station 1 at volunteers sa mga pagpupulong ng *BADAC at BPOC* ng ating barangay.

Layunin ng mga pagpupulong na ito na palakasin ang koordinasyon ng kapulisan at komunidad para masugpo ang iligal na droga, mapanatili ang peace and order, at maitaguyod ang isang ligtas at mapayapang pamayanan.

Mabuhay ang ating mga kapulisan at mga volunteers sa patuloy na paglilingkod! ๐Ÿ’ช๐Ÿ‘ฎ๐Ÿ’š

Address

1 VICTORIA VILLAGE
Baguio City
2600

Telephone

6654134

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Victoria Village Barangay, Baguio City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share