30/05/2026
๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ: ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐จ๐ ๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฅ ๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก?
Marami ang nagtatanong: "Nag-fill up na ako ng form at nakuhanan na ng biometrics, pero bakit may hearing pa?" Akala ng iba, for formality lang, pero napakahalaga ng hakbang na ito!
๐ก Ito ang mga Dapat Mong Tandaan:
โข ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ฎ๐ธ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป: Tungkulin ng ERB na tiyakin na tanging kwalipikadong aplikante lamang ang magiging rehistradong botante, at walang hindi kwalipikado o kulang sa kwalipikasyon, ang mapapabilang sa talaan ng mga botante sa inyong barangay.
โข ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐ฟ๐ถ ๐๐ฎ ๐๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป: Sa pamamagitan ng proseso ng approval o disapproval ng mga aplikasyon, sinisiguro ng ERB na ang lahat ng nagnanais maging botante ay tumutugon sa mga kwalipikasyon na itinatakda ng batas, tulad ng EDAD at SAPAT NA TAGAL NG PANINIRAHAN SA BARANGAY, upang makaboto sa November 2, 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Election.
โข ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐๐บ๐๐๐ผ๐น: Bukas sa publiko ang hearing upang maging transparent ang listahan. Dito binibigyan ng pagkakataon ang komunidad na makita ang mga bagong rehistro at diringgin kung may legal na reklamong inihain laban sa isang aplikasyon.
โ ๏ธ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐: Ang ERB Hearing ay hindi hadlang sa iyong pagboto. Ito ay proteksyon para sa iyong karapatan upang masiguradong "Isang Botante, Isang Boto" at hindi madungisan o madoble ang boses mo sa araw ng halalan!
โน๏ธ Patuloy na subaybayan ang mga susunod na kabanata ng ating ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ! Manatiling nakatutok sa ating page para sa mga susunod na anunsyo.
#