29/09/2026
𝐒𝐄𝐏𝐓𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Sa pangunguna ng ating PUP Cabiao Campus, matagumpay na isinagawa ang “Seminar on Empowering Students for a Safer and Healthier Future” na may temang “Kalinga at Proteksyon”, na naglalayong bigyang-kaalaman, gabay, at proteksyon ang mga estudyante upang mas maging ligtas, malusog, at handa sa iba’t ibang hamon na maaari nilang harapin.
Bahagi ng seminar ang mga talakayan tungkol sa mental health, Violence Against Women and Children (VAWC), at legal na batayan at proseso sa pagresponde sa mga insidente ng karahasan at iba pang kaugnay na usapin.
Ang naging unang ay si Dr. Diosdado N. Falguisana, Guidance Counselor III ng
Juan R. Liwag Memorial High School. Tinalakay ni Dr. Falguisana ang kahalagahan ng pangangalaga sa mental health ng mga kabataan. Binigyang-diin ang pagkilala sa mga senyales ng stress, anxiety, emotional struggles, at iba pang hamon sa kalusugang pangkaisipan, gayundin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng support system at paghingi ng tulong sa mga taong mapagkakatiwalaan at mga propesyonal kung kinakailangan.
Kasunod nito, ang ating VAWC Officer na si Ma’am Dyna M. Dayao ng MSWDO Cabiao ay nagbahagi naman ng mahahalagang kaalaman tungkol sa Violence Against Women and Children (VAWC), kabilang ang iba’t ibang uri ng pang-aabuso, mga karapatan ng mga biktima, at mga paraan kung paano makakakuha ng tulong at proteksyon. Layunin ng talakayang ito na mas maging mulat ang mga estudyante sa kanilang mga karapatan at sa kahalagahan ng agarang paghingi ng tulong sa oras ng pangangailangan.
At sa pang huli, Tinalakay naman ng ating ni Police Executive Master Sergeant Famela Pajarillaga ng PNP Cabiao ang mga legal na batayan at proseso na may kaugnayan sa mga insidente ng karahasan, pang-aabuso, at iba pang usaping maaaring harapin ng mga kabataan. Ipinaliwanag din ang kahalagahan ng pag-alam sa kanilang mga karapatan, tamang proseso ng pag-uulat, at mga nararapat na hakbang upang matiyak ang kanilang kaligtasan at proteksyon.
Sa pamamagitan ng seminar na ito, patuloy na isinusulong ang kahalagahan ng kaalaman, kamalayan, at pagkakaisa sa pagbuo ng isang ligtas at malusog na kapaligiran para sa bawat estudyante.
Sapagkat sa isang paaralang may kalinga at proteksyon, bawat kabataan ay mas nagiging handa, may kumpiyansa, at may kaalaman upang pangalagaan ang sarili at ang kapwa.