03/10/2026
Magandang araw Bayan ng Culion! Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayon umaga, araw ng Linggo, October 04, 2026
SYNOPSIS: Ang Trough ng Typhoon {CHOI-WAN} ang nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.
PAGTAYA:
Ang Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Leyte, and Southern Leyte ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at mga pagkulog at pagkidlat dahil sa Trough ng TC Choi-Wan.
Ang nalalabing bahagi ng Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulo-pulong pag-ulan o pagkulog at pagkidlat dahil sa Localized Thunderstorms.
Ang Visayas, Occidental Mindoro at Palawan kasama ang Kalayaan Islands ay makararanas ng mahina hanggang katamtamang hangin mula Hilagang-Silangan hanggang Hilagang-Kanluran, na may bahagya hanggang katamtamang pag-alon ng karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE"
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (smart)
Source:
DOST-PAGASA
PAGASA Visayas PRSD