03/09/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐ง๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐ก๐ฌ
๐ฆ๐ฒ๐ฝ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฌ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Isinagawa noong Setyembre 1, 2026 ang Tradisyunal na Seremonya ng Pagtataas ng Watawat bilang pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa ating pambansang simbolo, alinsunod sa Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines at Civil Service Commission Memorandum Circular No. 19, s. 2012.
Pinangunahan ang seremonya ng ating Municipal Mayor, Hon. Richard R. Herrera, kasama ang ating Municipal Vice Mayor, Hon. Jenifer F. Adier, Municipal Administrator Mr. Arnold Benedel T. Maderaje, at mga Sangguniang Bayan Members na sina Hon. Noli T. Mondragon at Hon. Czar John M. Lapides.
Dumalo rin sa seremonya ang mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Dumaran, mga pinuno ng ibaโt ibang tanggapan, mga kinatawan mula sa ibaโt ibang National Government Agencies (NGAs), at mga uniformed personnel.
Sa kanyang mensahe, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang ating Municipal Mayor sa lahat ng dumalo, gayundin sa patuloy na dedikasyon, malasakit, at pagsusumikap ng bawat lingkod-bayan sa paghahatid ng tapat, mahusay, at maaasahang serbisyo publiko para sa ating mga kababayan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at koordinasyon ng bawat tanggapan sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin, at ang patuloy na paglilingkod nang may malasakit at ngiti.
Nagbahagi rin ng Salita ng Diyos si Pastor Gaudencio Manocsol, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng katapatan sa Diyos at pagiging tapat sa mga tungkuling ipinagkatiwala sa bawat isa.
Nagbigay naman ng mensahe ang ating Municipal Vice Mayor Hon. Jenifer F. Adier, na binigyang-diin ang patuloy na commitment ng Legislative Branch na suportahan ang Executive Branch sa pamamagitan ng mga ordinansa at resolusyon na makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa ikauunlad ng bayan. Ibinahagi rin niya ang mga nakalinyang aktibidad ng Legislative Branch kaugnay ng PCL Month Celebration.
Ang seremonya ay pinangasiwaan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) bilang Conducting Office para sa buwan ng Setyembre.