Imus Projects & Updates

Directions

Imus Projects & Updates Samahan niyo kaming subaybayan ang pag-unlad ng ating lungsod!

Dito, makikita ang mga latest na update sa mga proyekto at iba pang mahalagang balita para sa komunidad ng Imus.

28/10/2026
Narito po ang opisyal na iskedyul ng pangongolekta ng basura sa bawat barangay sa Lungsod ng Imus.Para sa iba pang mga a...
28/10/2026

Narito po ang opisyal na iskedyul ng pangongolekta ng basura sa bawat barangay sa Lungsod ng Imus.

Para sa iba pang mga anunsyo at update, mangyaring manatiling nakatutok sa mga opisyal na page ng 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐈𝐦𝐮𝐬, 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐥𝐞𝐱 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐧𝐜𝐮𝐥𝐚, at 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐦𝐚𝐧 𝐀𝐉 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐧𝐜𝐮𝐥𝐚.

Maraming salamat po!

27/10/2026
27/10/2026

𝐈𝐦𝐮𝐬 𝐌𝐞𝐠𝐚 𝐉𝐨𝐛 𝐅𝐚𝐢𝐫, 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚!

Imuseño, bukas na ang isa sa pinakamalaking job matching activity sa lungsod!

Inaanyayahan ng Imus Public Employment Service Office (PESO) ang lahat ng job seekers sa MEGA JOB FAIR 2026 na maghahandog ng maraming oportunidad mula sa iba't ibang lokal at international employers sa darating na Miyerkules, Oktubre 28, 2026, 10:00 A.M hanggang 3:00 P.M, sa City of Imus Sports Complex.

Narito ang mga trabahong maaaring naghihintay sa inyo:

✅ 200 Nurse Vacancies Bound for the United States
✅ Mga bakanteng posisyon sa UK, Canada, Finland, Belgium, Saudi Arabia, Qatar, at iba pang bansa
✅ Iba't ibang oportunidad para sa skilled, professional, at entry-level applicants

Magdala ng mga kopya ng inyong resume o CV, ballpen, at interview skills upang mas mapadali ang inyong aplikasyon.

Para sa buong detalye, i-click ang link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1JhiXxAH9K/

Maaari ding mag-pre-register sa pamamagitan ng link na ito: https://tinyurl.com/PreRegPESO

Narito naman kumpletong listahan ng mga available na trabaho: https://tinyurl.com/VacanciesPESO

Tara na, Imuseño! Ang susunod mong oportunidad ay maaaring naghihintay na sa iyo!

22/10/2026

𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐓𝐈𝐂𝐊𝐄𝐓𝐒 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓, 𝐈𝐌𝐔𝐒𝐄𝐍̃𝐎𝐒! 🎟️🏐

G na ba kayong manood ng live volleyball action? Baka kayo na ang isa sa mga makapanood nang LIBRE sa Shakey’s Super League Unity Cup ngayong Linggo!

Hatid sa inyo ng Shakey's at ng City Government of Imus, may 𝟏𝟓𝟎 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐓𝐈𝐂𝐊𝐄𝐓𝐒 tayong ipamimigay sa 50 lucky winners para sama-sama nating suportahan ang ating mga volleyball players sa Imus City Sports Complex sa October 25, 2026!

𝐏𝐀𝐀𝐍𝐎 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐋𝐎?

✅ 𝐅𝐎𝐋𝐋𝐎𝐖
I-Like at i-Follow ang ating official page AJ Advincula.

✅ 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐇𝐀𝐑𝐄
I-tag ang 2 friends mo sa comment section at i-share ang post na ito.

✅ 𝐖𝐈𝐍!
50 lucky winners ang mapipili, at bawat isa ay makatatanggap ng tig-tatlong tickets!

Kaya ano pang hinihintay ninyo? I-tag na ang inyong volleyball buddies at sama-sama tayong manood at mag-cheer!

Good luck, Imuseños! Kita-kits! 💙


20/10/2026

𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗗𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗠𝗨𝗦𝗜𝗞𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔! 🚴🏻‍♂️

Imuseño! Ihanda na ang inyong mga bisikleta dahil narito na ang LIBRENG RIDE handog ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, katuwang ang Sun Life!

Limitado lamang po ang slots para sa cycling event na ito. Kaya kung nais ninyong sumali, mangyaring sagutan ang mga kinakailangang impormasyon sa QR code o link sa ibaba. ⬇️

https://forms.gle/HBCSHh5iatQ8Tyiv5
https://forms.gle/HBCSHh5iatQ8Tyiv5
https://forms.gle/HBCSHh5iatQ8Tyiv5

Maraming sorpresa at pakulo ang naghihintay sa inyo sa darating na November 08, Linggo, sa Ayala Malls Vermosa Sports Hub!

Kaya’t ano pang hinihintay ninyo, Imuseño? Ihanda ang inyong mga bisikleta at sama-sama tayong pumadyak!

20/10/2026

𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐈𝐌𝐔𝐒𝐄𝐍̃𝐎

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel bunsod ng sigalot sa Gitnang Silangan, pansamantalang maaapektuhan ang iskedyul ng pangongolekta ng basura sa Lungsod ng Imus. Mula sa halagang mahigit ₱58 kada litro noong panahon ng procurement, umabot na ito sa mahigit ₱100 kada litro, na may direktang epekto sa gastusin sa operasyon ng mga garbage collection truck ng kontratista.

Kaya bilang tugon sa kasalukuyang krisis sa presyo ng diesel at epekto nito sa gastusin sa operasyon, pansamantalang babaguhin ang iskedyul ng pangongolekta ng basura mula sa dalawang beses kada linggo tungo sa isang beses kada linggo hanggang sa susunod na abiso.

Kaugnay nito, hinihikayat ang bawat Imuseño na isagawa ang wastong paghihiwalay ng basura o waste segregation, pagre-recycle, at pagbabawas ng mga basurang itinatapon upang makatulong na mapanatili ang kalinisan ng mga tahanan at komunidad.

Paumanhin sa abalang dulot nito at nakikiusap sa inyong pang-unawa, disiplina, at patuloy na pakikiisa habang hinaharap ang hamong ito.

Abangan ang opisyal na anunsyo para sa panibagong iskedyul ng hakot ng basura.

Maraming salamat po!

Address

Malagasang 1-C
Imus
4103

Opening Hours

Monday 8am - 5:30pm
Tuesday 8am - 5:30pm
Wednesday 8am - 5:30pm
Thursday 8am - 5:30pm
Friday 8am - 5:30pm
Saturday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Imus Projects & Updates posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services