26/07/2026
๐๐๐๐จ๐ฃ๐๐ง ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก, ๐๐๐๐จ๐ฃ๐๐ง ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ก!
BASAHIN | ๐๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ฆ๐ด๐ช๐ฃ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฃ๐ด๐ถ๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐บ๐ฐ๐ด ๐ด๐ข ๐๐๐๐ 2026 ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ณ๐ฅ๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ข๐ณ๐ค๐ฐ๐ด ๐๐ณ.
Sa darating na Hulyo 27, muling haharap si Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino para sa kanyang ikalimang State of the Nation Address. Muli na naman nating maririnig ang mga pangakong pag-unlad, paglago, at pagbabago mula sa isang administrasyong pilit itinatago ang tunay na kalagayan ng bansa.
Ngunit para sa kabataan, malinaw ang tunay na estado ng bayan.
Ang tunay na SONA ay nasa mga estudyanteng nagsisikap makapagtapos habang pinoproblema ang gastusin sa pag-aaral. Nasa mga pamilyang kinakapos sa araw-araw na pangangailangan. Nasa mga kabataang naghahanap ng oportunidad ngunit humaharap sa kawalan ng trabaho, mababang sahod, at walang kasiguraduhan sa kinabukasan.
Bilang mga Kabsuhenyos, hindi natin nakikita ang pag-unlad na ipinapangako sa loob ng mga talumpati. Ang nakikita natin ay isang sistemang patuloy na nagpapabigat sa buhay ng mamamayan at nagkakait sa kabataan ng isang ligtas at makatarungang kinabukasan.
Sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., patuloy na lumalala ang krisis sa trabaho at kabuhayan. Ayon sa datos, umabot sa 4.8% ang unemployment rate nitong Mayo 2026, katumbas ng humigit-kumulang 2.50 milyong Pilipinong walang trabaho. Pinakamasakit dito ang pagkawala ng daan-daang libong trabaho sa sektor ng agrikultura at iba pang pangunahing industriya.
Habang sinasabing lumalago ang ekonomiya, nananatiling tanong ng kabataan: para kanino ang pag-unlad kung marami pa rin ang walang disenteng trabaho, hindi makapag-aral nang maayos, at nangangamba kung may naghihintay bang oportunidad pagkatapos ng pagtatapos?
Ang krisis na ito ay hindi hiwalay sa patuloy na kapabayaan at maling prayoridad ng pamahalaan. Habang kinukulang ang suporta para sa edukasyon at serbisyong panlipunan, patuloy namang nawawala ang bilyon-bilyong pondo ng bayan dahil sa korapsyon at pandarambong.
Ang mga anomalya sa flood control projects ay malinaw na halimbawa kung paano ninanakaw ang pondong dapat sanaโy nagsisilbi sa kapakanan ng mamamayan. Sa halip na mapunta sa proteksyon ng mga komunidad laban sa sakuna at pagbabago ng klima, ang kaban ng bayan ay nagiging kasangkapan ng pansariling interes ng mga nasa kapangyarihan.
Kaya naninindigan tayo na ang lahat ng sangkot sa korapsyon at pandarambong ay dapat managot! Walang dapat maging ligtas sa pananagutan, anuman ang apelyido, posisyon, o impluwensya!
Kasama rito ang paniningil para sa hustisya at pananagutan sa mga usaping kinakaharap ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan, kabilang ang impeachment ni Sara Duterte. Ang anumang pag-abuso sa kapangyarihan at pagtataksil sa tiwala ng mamamayan ay dapat harapin nang walang pagtatangi.
Bilang kabataan, hindi tayo maaaring manahimik habang ang mga pondong dapat sanaโy para sa ating kinabukasan ay nawawala sa kamay ng mga naghahari. Sa loob naman ng mga pampublikong pamantasan tulad ng CvSU, ramdam ang epekto ng sistemang hindi sapat ang pagpapahalaga sa edukasyon. Ang 50M Budget Cut sa CvSU System, limitadong pasilidad, at patuloy na pagtaas ng gastusin sa pag-aaral ay dagdag na pasanin sa mga estudyante at kanilang pamilya! Ang anumang pagbawas sa suporta para sa mga pampublikong unibersidad ay hindi lamang numero sa badyet. Ito ay katumbas ng nabawasang oportunidad, serbisyong hindi naibibigay, at mga pangarap na lalong nahihirapang abutin.
Ang edukasyon ay hindi negosyo, ITO AY KARAPATAN.
Ngunit habang ipinagkakait ang sapat na suporta sa kabataan at mamamayan, patuloy namang itinutulak ng administrasyong Marcos Jr. ang mga patakarang naglalapit sa bansa sa interes ng dayuhang kapangyarihan.
Sa pamamagitan ng mga kasunduang tulad ng Pax Silica at iba pang inisyatiba kasama ang Estados Unidos, inilalagay sa panganib ang ating likas na yaman, soberanya, at kapakanan ng mga komunidad upang pagsilbihan ang interes militar at pang-ekonomiya ng imperyalistang US.
Hindi kaunlaran ang paggamit sa ating bansa bilang lunsaran ng tensyon at tunggalian ng mga dayuhan. Hindi seguridad ang pagiging bahagi ng mga paghahandang nagtutulak sa posibilidad ng gera.
Ang kabataan ay hindi dapat ihanda para mamuhay sa isang lipunang puno ng kahirapan, takot, at kawalan ng oportunidad. Ang kabataan ay nararapat magkaroon ng edukasyon, disenteng trabaho, ligtas na komunidad, at kinabukasang hindi nakatali sa interes ng iilan.
Kaya sa harap ng huwad na SONA ni Marcos Jr., maninindigan TAYO na ang kabataan ay hindi mananatiling tahimik!
๐ง๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ฑ.
๐ง๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐น.
๐ง๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐น๐ผ๐.
Nagbabadya na ang HAGUPIT ng kabataan at sambayanan!
Inaanyayahan natin ang lahat ng Kabsuhenyo na makiisa sa ๐ฆ๐ข๐ก๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐ฎ ๐ค๐๐ฒ๐๐ผ๐ป ๐๐ถ๐๐ ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐๐น๐๐ผ ๐ฎ๐ณ! Sama-sama nating dalhin ang boses ng kabataan at ipakita na ang ating henerasyon ay hindi papayag na manatiling tahimik habang ninanakaw ang ating kinabukasan.
Ang tunay na estado ng bayan ay hindi matatagpuan sa mga pangako ng mga nasa kapangyarihan. Matatagpuan ito sa pagkilos ng mamamayan. CvSU, Kilos Na!
๐๐ฆ๐๐ข๐๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐๐๐๐๐ก๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ฌ๐๐๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐ข๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐จ๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐ก, ๐๐ง ๐๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ก! ๐ ๐๐ฅ๐๐ข๐ฆ ๐๐ง ๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ง๐ ๐ฃ๐๐ง๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก! โ๐ผ๐ฅ
๐ป JOIN THE SONA NG BAYAN 2026 CvSU DELEGATION GC: https://m.me/j/AbaAmTJ_Yd1EdgL1/?send_source=gc%3Acopy_invite_link_c