16/06/2026
๐ข ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐!
Applicant Profiling and Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS)
Para sa Unang 100 Interesadong Indibidwal!
๐ Hunyo 18, 2026 | 9:00 AM
Ikaw ba ay isang repatriated Overseas Filipino Worker (OFW) o isang indibidwal na nagnanais subukan ang oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa nang ligtas at legal?
Kung oo, inaanyayahan ka naming lumahok sa Applicant Profiling and Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) ng Department of Migrant Workers (DMW) Region IV-A sa Hunyo 18, 2026 sa DMW Regional Office IV-A, Andenson Building III, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna.
Sa aktibidad na ito, susuriin ang iyong kwalipikasyon, kasanayan, karanasan, at employment profile bilang paghahanda para sa overseas employment.
Higit pa rito, magkakaroon ka ng pagkakataong malaman kung handa ka na bang magtrabaho sa ibang bansa sa kasalukuyan, kung anu-anong mga kwalipikasyon o kakayahan pa ang kailangan mong paunlarin, at kung ang pagiging OFW ay angkop na landas para sa iyo sa yugtong ito ng iyong buhay at karera.
โ
Job matching
โ
Pagkilala sa iyong kahandaan para sa overseas employment
โ
Pagtukoy sa mga kasanayan o kwalipikasyong kailangan pang mapalakas
โ
Pagkakataong maitugma ang iyong kwalipikasyon sa mga pangangailangan ng mga lisensyado at lehitimong recruitment agency
โ
Gabay tungo sa ligtas, legal, at maayos na proseso ng pag-aaplay sa ibang bansa
โ
Pagkakataong makakuha ng PEOS Certificate
๐ Limitado lamang sa unang 100 aplikanteng makakakumpleto ng online registration ang mga slot. Ang mga aplikanteng makakakuha ng slot ay kokontakin sa pamamagitan ng email.
๐ Mag-register na dito:
https://forms.gle/VGXPcpwgUB7eqaLS7
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Simulan ang iyong paghahanda tungo sa ligtas, legal, at responsableng overseas employment.