01/09/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐
Aktibong dumalo ang mga personnel ng Bureau of Fire Protection โ Lian Fire Station sa isinagawang Seminar on Arson Laws, na naglalayong mapalawak at mapalalim ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa mga batas, proseso, at legal na aspeto ng mga insidenteng may kaugnayan sa arson o sinadyang pagsunog.
Sa pamamagitan ng seminar na ito, higit na napalalakas ang kakayahan ng mga personnel sa wastong imbestigasyon, pagdodokumento ng ebidensya, paghahanda ng kaukulang dokumento, at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya sa paghawak ng mga kasong may kaugnayan sa sunog.
Patuloy ang BFP Lian Fire Station sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga tauhan upang higit na maging handa, mahusay, at propesyonal sa pagtupad ng tungkulin para sa kaligtasan at kapakanan ng komunidad. ๐จโ๐๐
Isinagawa ito bilang suporta sa adbokasiya at pamumuno nina ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐, Panrehiyong Direktor ng Kawanihan ng Pamatay Sunog ng Rehiyon 4A; ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐, Provincial Fire Marshal ng Probinsya ng Batangas; at ๐๐
๐๐ ๐
๐๐ฅ๐จ๐ง๐ข๐ ๐๐ฆ๐จ๐ซ ๐ ๐๐๐ซ๐๐๐ฅ๐จ๐ง, Acting Municipal Fire Marshal ng Istasyon ng Bumbero ng Bayan ng Lian.
Sa oras ng sunog o anumang uri ng emerhensiya, hinihikayat ang publiko na agad tumawag o magpadala ng text sa mga sumusunod na hotline:
Mobile Hotline: 0962-763-3811
Globe Landline: (043) 233-1732
Inaanyayahan namin kayong bisitahin at sundan ang aming mga social media account.
Instagram: https://www.instagram.com/bfplian/
TikTok: https://www.tiktok.com/.BfpLianFS
Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas sa sunog, handa, at matatag na komunidad.