PNP Libmanan Municipal Police Station

Directions

PNP Libmanan Municipal Police Station This is the Official page of Libmanan Municipal Police Station.

PRESS RELEASE AUTHORITY: PLTCOL JEFFREY S ATTUNAGAActing Chief of Police Date: October 28, 2026BUY-BUST OPERATION SA LIB...
28/10/2026

PRESS RELEASE
AUTHORITY: PLTCOL JEFFREY S ATTUNAGA
Acting Chief of Police
Date: October 28, 2026
BUY-BUST OPERATION SA LIBMANAN, NASAMSAM ANG HIGIT 3.28 GRAMO.
LIBMANAN, CAMARINES SUR — Isang 43-anyos na lalaki ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Libmanan Municipal Police Station sa ganap na 5:36 ng hapon nitong Oktubre 28, 2026 sa Brgy. Tarum, Libmanan, Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si alyas “Tigre,” 43-anyos, may asawa, welder, at residente ng Brgy. Cararayan, Naga City. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Libmanan MPS.
Pinangunahan sa nasabing operasyon ni PLTCOL JEFFREY S. ATTUNAGA, ACOP, at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA ROV, ang mga tauhan ng Libmanan Municipal Police Station ay nagsagawa ng Anti-Illegal Drugs Operation (Buy-Bust Operation) sa ilalim ng TIP No. B-2026-467-PRO5-CS-LIBMANANMPS.
Sa isinagawang buy-bust operation, nakabili ang poseur-buyer, kasama ang confidential informant (CI), ay matagumpay na nakabili mula sa suspek ng dalawang (2) piraso ng heat-sealed na transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na substansiya na hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng sampung libong piso (₱10,000.00). Ginamit sa transaksiyon ang isang (1) tunay na limandaang pisong papel na may serial number na AR3236338 bilang buy-bust money, kasama ang siyam (9) na pekeng tig-iisang libong pisong papel at isang (1) pekeng limandaang pisong papel bilang boodle money.
Bukod dito, sa isinagawang paghahalughog sa katawan ng suspek, narekober mula sa kaniyang pag-iingat at kontrol ang mga sumusunod na kagamitan at ebidensiya:
a. Isang (1) yunit ng kulay asul na Realme cellular phone na may TM SIM card;
b. Isang (1) pirasong kulay asul at kayumangging pouch na may nakakabit na pilak na palamuting hugis buwaya;
c. Isang (1) tunay na limandaang pisong papel na may serial number na AR3236338;
d. Siyam (9) na piraso ng pekeng tig-iisang libong pisong papel bilang boodle money;
e. Isang (1) piraso ng pekeng isang daang pisong papel bilang boodle money; at
f. Isang (1) identification card na lisensiya sa pagmamaneho na may pangalang Casilao, Leon Viñas.
Ang lahat ng nakumpiskang substansiyang hinihinalang shabu ay may kabuuang bigat na 3.28 gramo, batay sa gross weight, at may tinatayang halagang ₱22,305.00 sa ilegal na bentahan.
Isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng mga insulating witness, isang halal na opisyal ng barangay at media representative.
Matapos ang operasyon, agad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at nananatili siyang nasa kustodiya ng Libmanan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso.
Ang lahat ng nakumpiskang ebidensya ay minarkahan at isinailalim sa kaukulang proseso para sa dokumentasyon at pagsusuri.
Ang suspek ay itinuturing na inosente hangga’t hindi napapatunayang nagkasala sa hukuman.
"𝙈𝙖𝙜𝙩𝙪𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙥𝙤 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙆𝙤𝙢𝙪𝙣𝙞𝙙𝙖𝙙, 𝙈𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙆𝙖𝙨𝙪𝙧𝙤𝙜 𝘾𝙤𝙥𝙨 𝙇𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙆𝙧𝙞𝙢𝙚𝙣"
#𝙎𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣𝙜𝙈𝙖𝙗𝙞𝙡𝙞𝙨𝙏𝙖𝙥𝙖𝙩𝘼𝙩𝙉𝙖𝙧𝙖𝙧𝙖𝙢𝙙𝙖𝙢𝙖𝙣
#𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜𝙋𝙉𝙋𝙥𝙖𝙧𝙖𝙎𝙖𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨
#𝙏𝙤𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚𝙖𝙣𝙙𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙘𝙩 See less

28/10/2026

At about 6:22 PM on October 28, 2026, personnel of Libmanan MPS conducted foot patrol at Brgy. San Isidro, Libmanan, Camarines Sur to enhance police visibility, promote public safety, and ensure peace and order in the area.

See less

28/10/2026
28/10/2026

PCOL DOTIMAS HIGHLIGHTS TOURISM SECURITY THROUGH TOPCOP PINNING CEREMONY

NAGA CITY, Camarines Sur — PCOL TYRONE RAZON DOTIMAS, Provincial Director of the Camarines Sur Police Provincial Office, attended the Closing Ceremony, Awarding of Certificates, and Pinning Ceremony of the Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) Program held on October 27, 2026, at Avenue Plaza Hotel, Naga City.

The ceremony marked the successful completion of the TOPCOP training program, recognizing police personnel who underwent specialized training aimed at strengthening tourism security, enhancing police responsiveness, and ensuring a safe and welcoming environment for local and foreign tourists.

PCOL DOTIMAS emphasized the importance of tourism-oriented policing in safeguarding visitors, maintaining peace and order, and building public confidence in Camarines Sur as a safe and tourist-friendly destination.

The activity reaffirmed CSPPO's commitment to strengthening police capabilities, fostering community partnerships, and supporting the sustainable growth of the province's tourism industry through proactive and responsive police service.

Police Regional Office 5
Philippine National Police

28/10/2026

📖 VERSE OF THE DAY | ISAIAH 41:10

“Fear thou not; for I am with thee.”

Sa gitna ng panganib, hamon, at pagsubok, ang pananampalataya sa Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas at tapang upang magpatuloy.

Bilang mga lingkod-bayan, nawa'y patuloy tayong gabayan at patatagin ng Diyos sa bawat pagtupad ng tungkulin. Sa kabila ng mga sakripisyo, manatili tayong matatag, tapat, at handang maglingkod upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.

🙏 TANDAAN: Hindi hadlang ang takot sa paggawa ng tama. Sa bawat pagsubok, manalig sa Diyos, magpakatatag, at magpatuloy sa paglilingkod nang may malasakit at dedikasyon.

Police Regional Office 5
Philippine National Police

28/10/2026

🚫💊 SAY NO TO ILLEGAL DRUGS!

Ang ilegal na droga ay sumisira sa buhay, pamilya, at kinabukasan. Piliin ang malusog na pamumuhay at lumayo sa anumang uri ng ilegal na droga.

💙 Tandaan: Ang isang komunidad na malaya sa droga ay mas ligtas, mas maunlad, at may mas magandang kinabukasan.

Makiisa sa kampanya ng Kaogma Cops laban sa ilegal na droga. Maging mapagmatyag at ireport sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sama-sama tayo para sa DRUG-FREE CAMARINES SUR!

Police Regional Office 5
Philippine National Police

28/10/2026

🏘️👮 NEIGHBORHOOD WATCH: MAGKAISA PARA SA LIGTAS NA KOMUNIDAD!

Ang pag-iwas sa krimen ay responsibilidad ng bawat isa. Sa pamamagitan ng Neighborhood Watch, mas napapalakas ang pagtutulungan ng mga residente at kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa ating pamayanan.

✅ Kilalanin at makipagtulungan sa mga kapitbahay.
✅ Maging mapagmatyag sa kahina-hinalang tao at aktibidad.
✅ Siguraduhing ligtas at nakakandado ang inyong tahanan.
✅ Panatilihing maliwanag ang paligid.
✅ Ireport agad sa pulisya ang anumang banta sa seguridad.

🚨 Sa oras ng emergency, tumawag sa Unified 911.

Tandaan: Ang mapagmatyag at nagkakaisang komunidad ay isang ligtas na komunidad!

Police Regional Office 5
Philippine National Police

28/10/2026

🚨 ONLINE RADICALIZATION AND EXTREMIST GROOMING AWARENESS

Protektahan ang Kabataan Laban sa Online Manipulation at Marahas na Ekstremismo!

Hindi lahat ng banta ay nakikita sa lansangan. Ang ilan ay nagsisimula sa social media, online games, at private chat groups kung saan maaaring gamitin ang pakikipagkaibigan at pagmamanipula upang hikayatin ang kabataan sa marahas na ekstremismo.

✅ Maging mapanuri sa mga online na kakilala at grupong sinasalihan.
✅ Mag-ingat sa mga mensaheng naghihikayat ng karahasan at p**t.
✅ Huwag basta maniwala sa mga mapanlinlang na impormasyon.
✅ Panatilihing bukas ang komunikasyon ng mga magulang at anak.
✅ Ireport sa kinauukulang awtoridad ang mga banta o panghihikayat sa karahasan.

👮 Paalala ng Kaogma Cops: Ang kaalaman, paggabay ng pamilya, at pagtutulungan ng komunidad ay mahalagang sandata laban sa marahas na ekstremismo.

MAGING MAPANURI. MAGING MAPAGMATYAG. PROTEKTAHAN ANG KABATAAN!

28/10/2026

Police Regional Office 5 Daily Accomplishment Report
(October 27, 2026)
“Magtulungan po tayo, Komunidad, Mamamayan at KASUROG Cops, Laban sa Krimen.”





Philippine National Police













28/10/2026

KASUROG COPS, NAGPAMALAS NG SERBISYONG MABILIS AT NARARAMDAMAN SA ISANG MOTORISTA SA ALBAY

Legazpi City - Sa bawat aberyang nararanasan ng mamamayan, handang umalalay ang kapulisan upang maipadama na ang kanilang serbisyo ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi pati sa pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng komunidad.

Noong Oktubre 27, 2026, nagpaabot ng tulong ang mga tauhan ng Legazpi City Police Station sa isang motorista na nakaranas ng aberya sa sasakyan malapit sa Rotonda, Barangay Capantawan, Legazpi City. Sa pamamagitan ng kanilang agarang pag-alalay, ipinakita ng mga pulis ang kahandaang tumulong sa mga mamamayang nangangailangan ng suporta sa daan.

Ang pagkilos na ito ay sumasalamin sa layunin ng PNP Focused Agenda na palakasin ang serbisyong nakasentro sa mamamayan, paigtingin ang police visibility, at patatagin ang tiwala ng publiko sa kapulisan. Sa ilalim ng Project Alagang KA-SU-ROG, isinasabuhay ng kapulisan ang diwa ng pagtrato sa komunidad bilang kapamilya, pagbibigay ng tapat na suporta, at pagtugon nang may malasakit at pananagutan.

Patuloy na isinusulong ng Police Regional Office 5 sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN Randy Glenn G Silvio, Regional Director, ang serbisyong mabilis at nararamdaman—isang kapulisan na hindi lamang nagtataguyod ng seguridad, kundi nagsisilbing maaasahang katuwang ng mamamayan sa oras ng pangangailangan.

Sa bawat simpleng pagtulong, napagtitibay ang ugnayan ng kapulisan at komunidad. Sapagkat ang tunay na serbisyo publiko ay hindi lamang nasusukat sa laki ng isang operasyon, kundi sa kahandaang umalalay, makinig, at tumugon sa bawat pagkakataong kailangan ang tulong ng kapwa.

Kasurog Cops—laging handang rumesponde, umalalay, at maglingkod nang may pusong nagmamalasakit.

Address

Brgy. Bagumbayan
Libmanan
4407

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Libmanan Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share