Quezon Provincial Library

Quezon Provincial Library Outstanding Provincial Library of the Philippines 2012 and among the Top 5 Outstanding Children's Library Services in the Philippines 2013

π’πžπ©π­πžπ¦π›πžπ« 𝐒𝐬 𝐏𝐑𝐒π₯𝐒𝐩𝐩𝐒𝐧𝐞 𝐂𝐒𝐯𝐒π₯ π’πžπ«π―π’πœπž 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐑The Quezon Provincial Library joins the nation in the celebration of the 126t...
03/09/2026

π’πžπ©π­πžπ¦π›πžπ« 𝐒𝐬 𝐏𝐑𝐒π₯𝐒𝐩𝐩𝐒𝐧𝐞 𝐂𝐒𝐯𝐒π₯ π’πžπ«π―π’πœπž 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐑

The Quezon Provincial Library joins the nation in the celebration of the 126th Philippine Civil Service Anniversary this September designated by Presidential Proclamation No. 1050 s. 1997.

Aimed to to honor public sector employees, this year’s theme is "Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan."

02/09/2026
02/09/2026
Ang Panlalawigang Aklatan ng Quezon ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ngayong ika-31 ng Agosto 2026. Bin...
31/08/2026

Ang Panlalawigang Aklatan ng Quezon ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ngayong ika-31 ng Agosto 2026.

Binibigyang-pugay sa araw na ito ang mga bayani sa kasaysayan gayundin ang mga ordinaryong mamamayan at makabagong bayani na naglilingkod sa bayan.

Patuloy nating alalahanin ang mga sakripisyo at kabayanihan ng mga bayaning Pilipino.

MGA SALITANG QUEZONIANSERYE 2026Ang Buwan ng Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa batay sa Proklamasyon Blg. 1041 s. 2017 ...
25/08/2026

MGA SALITANG QUEZONIAN
SERYE 2026

Ang Buwan ng Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa batay sa Proklamasyon Blg. 1041 s. 2017 na naglalayong maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito.

Ngayong taon, ang tema ay ""𝓦𝓲𝓴π“ͺ𝓷𝓰 𝓕𝓲𝓡𝓲𝓹𝓲𝓷𝓸 π“ͺ𝓽 π“π“˜: π“šπ“ͺ𝓼π“ͺ𝓷𝓰𝓴π“ͺ𝓹π“ͺ𝓷 𝓼π“ͺ π“Ÿπ“ͺ𝓷π“ͺ𝓷π“ͺ𝓡𝓲𝓴𝓼𝓲𝓴 π“ͺ𝓽 𝓣𝓾𝓡π“ͺ𝔂 𝓼π“ͺ 𝓨π“ͺ𝓢π“ͺ𝓷 𝓷𝓰 π“˜π“Άπ“Ήπ“Έπ“»π“Άπ“ͺ𝓼𝔂𝓸𝓷." Nakatuon ito sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya at ang responsableng paggamit ng Artificial Intelligence gamit ang ating sariling wika.

Kaugnay nito, inihahandog ng Panlalawigang Aklatan ng Quezon ang β€œMga Salitang Quezonian serye 2026.” Layunin nitong itampok ang ilan sa mga salitang karaniwang ginagamit ng ating nakatatanda. Ikaw, pamilyar ka pa ba sa mga salitang ito?

24/08/2026

Quezon’s American colonial-era government complex preserves historic landmarks designed by William Parsons and Juan Arellano, with efforts underway to secure heritage protection.

24/08/2026

π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—£π—¨π—§π—’π—ž π—‘π—š π—¨π—‘π—”π—‘π—š π——π—œπ—šπ— π—”π—”π—‘π—š π—£π—”π—‘π——π—”π—œπ—šπ——π—œπ—š 𝗦𝗔 π—˜π—¨π—₯𝗒𝗣𝗔 β€” 𝟭𝟡𝟭𝟰

GUMACA: KASAYSAYAN NG ISANG BAYAN
- PANAHON NG MGA AMERIKANO

Noong Agosto 1914, sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa.
Bagama’t naganap ang digmaan sa kabilang panig ng mundo, naging bahagi rin ito ng panahong pinagdaraanan ng Gumaca sa ilalim ng pamahalaang Amerikano.

MAIKLING MAKASAYSAYANG PALIWANAG
Ang pagsiklab ng digmaan noong 1914 ay nagbukas ng isang malaking pandaigdigang tunggalian na tumagal hanggang 1918.

Sa panahong ito, ang Gumaca ay patuloy na umuunlad bilang isang bayan sa Tayabas, kasabay ng mga pagbabagong nagaganap sa transportasyon, pamahalaan at imprastraktura nito.

SUSUNOD NA SERYE
ANG MALAKAS AT MAPANIRANG BAGYONG TUMAMA SA GUMACA β€” 1915

SANGGUNIAN
History and Cultural Life of the Town of Gumaca β€” Historical Data of the Municipality of Gumaca
Philippine Historical Data β€” Gumaca, Quezon⁠
Encyclopaedia Britannica β€” World War I

MLQ TriviaAlam Nyo Ba?4 ang naging anak ni Manuel L. Quezon at asawang si Aurora.Sila ay sina:β€’ MarΓ­a Aurora β€œBaby” Quez...
19/08/2026

MLQ Trivia

Alam Nyo Ba?

4 ang naging anak ni Manuel L. Quezon at asawang si Aurora.

Sila ay sina:

β€’ MarΓ­a Aurora β€œBaby” Quezon
β€’ MarΓ­a Zeneida β€œNini” Quezon-AvanceΓ±a
β€’ Luisa CorazΓ³n Paz β€œNenita” Quezon
β€’ Manuel Lucio β€œNonong” Quezon Jr.

MLQ TriviaAlam Nyo Ba?Si Manuel L. Quezon ay nagsasalita ng Espanyol, Tagalog, at Ingles.Kastila ang kanyang pangunahing...
19/08/2026

MLQ Trivia

Alam Nyo Ba?

Si Manuel L. Quezon ay nagsasalita ng Espanyol, Tagalog, at Ingles.

Kastila ang kanyang pangunahing wika na karaniwang ginagamit sa batas, mataas na lipunan, at politika.

Tagalog ang wikang kinalakihan sa Baler at natutunan ang Ingles sa panahon ng kanyang karerang pampolitika at pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Amerika.

MLQ TriviaAlam Nyo Ba?Ang paboritong pagkain ng dating Pangulong Manuel L. Quezon ay ang Cocido EspaΓ±ol, isang tradisyon...
19/08/2026

MLQ Trivia

Alam Nyo Ba?

Ang paboritong pagkain ng dating Pangulong Manuel L. Quezon ay ang Cocido EspaΓ±ol, isang tradisyonal na lutuing Espanyol-Pilipino na may malambot na karne, chorizo, chickpeas, at iba't ibang gulay.

Ang resipe nito ay nakapaskil sa pader ng kusina ng Quezon Heritage House.

Address

Gintong Yaman Bldg. , Capitol Compound
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63427171415

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon Provincial Library posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Quezon Provincial Library:

Shortcuts

Share

Category