29/05/2026
Ngayong Safe Motherhood Week
Mommy importanteng mapaghandaan mo at kumpletuhin ang mga check-up habang nagbunbuntis!
Dapat at least walong beses ang pagbisita sa health center habang nagbubuntis para ikaw ay mabigyan ng wastong gabay sa inyong nutrisyon, mga bitamina, at pati na mga aktibidad na kailangang iwasan lalo na sa maselang pagbubuntis. Ang madalas na pagpapacheck-up ay makakapagtaas rin ng tyansa ng ligtas na pagbubuntis para sa nanay pati na sa baby.
Tandaan ninyo na dapat sa pagbubuntis, ang nanay ay nasa mabuting pisikal na kalusugan, para ang baby ay magdevelop nang tama at walalang komplikasyon hanggang sa inaasahang petsa ng panganganak.
Magpacheck-up din at least apat na beses pagkatapos na manganak.