Mapandan for Every Juan

Directions Contact the organization

Mapandan for Every Juan Public Service

DENR MINES AND GEOSCIENCES BUREAU REGION 1, BUMISITA SA TANGGAPAN NI MAYOR KARL CHRISTIAN F. VEGABumisita sa tanggapan n...
06/10/2026

DENR MINES AND GEOSCIENCES BUREAU REGION 1, BUMISITA SA TANGGAPAN NI MAYOR KARL CHRISTIAN F. VEGA

Bumisita sa tanggapan ni Mayor Karl Christian F. Vega ang mga kinatawan ng DENR Mines and Geosciences Bureau (MGB) Regional Office No. 1 noong Oktubre 5, 2026.

Naging pagkakataon ang pagbisita upang maisagawa ang pakikipag-ugnayan at talakayan ukol sa mga usaping may kaugnayan sa mineral resources, geohazard assessment, at pangangalaga sa kapaligiran sa Bayan ng Mapandan.

Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Mapandan sa pakikipagtulungan sa mga national government agencies para sa ligtas, maayos, at responsableng pamamahala sa ating bayan.

WORLD TEACHERS’ DAY, IPINAGDIWANG SA BAYAN NG MAPANDANMAPANDAN, PANGASINAN - Masayang ipinagdiwang sa Mapandan Public Au...
06/10/2026

WORLD TEACHERS’ DAY, IPINAGDIWANG SA BAYAN NG MAPANDAN

MAPANDAN, PANGASINAN - Masayang ipinagdiwang sa Mapandan Public Auditorium noong Oktubre 5, 2026 ang World Teachers’ Day bilang pagkilala at pasasalamat sa mga g**ong patuloy na nagbibigay ng kaalaman, inspirasyon, at malasakit.

Nagpakitang-gilas ang ating mga g**o sa iba’t ibang makukulay at kahanga-hangang performances, na sinundan ng pagkilala at paggawad sa mga Most Outstanding Teachers ng buong bayan ng Mapandan.

Nakiisa si Mayor Karl Christian F. Vega sa makabuluhang pagdiriwang at muling ipinaabot ang buong suporta at pagpapahalaga ng Pamahalaang Bayan sa ating mga g**o.

Maraming salamat, mga G**o ng Mapandan! Kayo ang isa sa mga haligi ng paghubog sa kinabukasan ng ating mga kabataan.




COURTESY VISIT | BFP PANGASINANIsang mainit na pagtanggap kay FSSUPT Ramel B. Borja, DSC, bagong Provincial Fire Marshal...
06/10/2026

COURTESY VISIT | BFP PANGASINAN

Isang mainit na pagtanggap kay FSSUPT Ramel B. Borja, DSC, bagong Provincial Fire Marshal/Provincial Director ng Bureau of Fire Protection (BFP) Pangasinan, sa kanyang courtesy visit sa tanggapan ni Mayor Karl Christian F. Vega ng Mapandan.

Naging pagkakataon ito upang palakasin ang ugnayan at koordinasyon ng BFP Pangasinan at Pamahalaang Bayan ng Mapandan para sa patuloy na pagsusulong ng kaligtasan at proteksyon ng ating mga kababayan.

Maligayang pagdating sa Mapandan, Provincial Director FSSUPT Ramel B. Borja, DSC!

October 05, 2026 | Pag-iisang Dibdib nina Cedric at EhricaPinangasiwaan ng ating butihing Mayor Karl Christian F. Vega a...
05/10/2026

October 05, 2026 | Pag-iisang Dibdib nina Cedric at Ehrica
Pinangasiwaan ng ating butihing Mayor Karl Christian F. Vega ang pag-iisang dibdib nina Cedric at Ehrica kung saan nakikiisa siya sa kasiyahan at galak ng bagong mag-asawa.

Ang pag-iisang dibdib ay isang banal at legal na pagbubuklod ng dalawang magkasintahan — isang panibagong yugto ng buhay na magbubukas para sa kanilang dalawa upang bumuo ng masaya at matatag na pamilya.

Isang mainit na pagbati sa bagong kasal na sina Cedric at Ehrica



FLAG CEREMONY | OCTOBER 5, 2026Kaisa ang buong pamahalaang lokal sa ginanap na Lingguhang Flag Raising Ceremony ngayong ...
05/10/2026

FLAG CEREMONY | OCTOBER 5, 2026

Kaisa ang buong pamahalaang lokal sa ginanap na Lingguhang Flag Raising Ceremony ngayong araw, Oktubre 5, 2026.
Sa ginanap na programa, naghatid ng mga mahahalagang ulat at anunsyo ang ating mga tanggapan para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Nagbigay ng ulat ukol sa kasalukuyang lagay ng panahon at paalala sa kahandaan at kaligtasan ng komunidad ang ating Mapandan Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Inihayag naman ni OSCA President Josefina Landingin ang pormal na pagdiriwang ng Elderly Filipino Week / Senior Citizens Week. Kabilang dito ang mga nakahanay na aktibidad at programa na naglalayong kilalanin at parangalan ang mahalagang papel ng ating mga nakatatanda sa ating bayan.



HAPPY WORLD TEACHERS’ DAY!Ngayong World Teachers’ Day, buong pusong sumasaludo ang Lokal na Pamahalaan ng Mapandan sa li...
04/10/2026

HAPPY WORLD TEACHERS’ DAY!

Ngayong World Teachers’ Day, buong pusong sumasaludo ang Lokal na Pamahalaan ng Mapandan sa liderato ni Mayor Karl Christian F. Vega sa lahat ng ating mga g**o na walang sawang nagtuturo, gumagabay, at nagbibigay-inspirasyon sa ating mga kabataan.

Sa bawat aral, payo, at sakripisyong inyong iniaalay, kayo ang isa sa mga haligi ng paghubog sa kinabukasan ng ating bayan. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit.

Happy World Teachers’ Day!

Mabuhay kayo at maraming salamat sa inyong walang kapantay na serbisyo at pagmamahal.





01/10/2026

🔎 S&R MEMBERSHIP SHOPPING TRABAHO para sa ating mga KABALEYAN:

✔️ BAGGERS
✔️ LOADER/UNLOADER
✔️ CART CREW
✔️ PARKING CLERK
✔️ OVERNIGHT STOCKER
✔️ RECEIVING CLERK
✔️ FRESH UTILITY
✔️ PRODUCE
✔️ RTE
✔️ BAKERY HELPER
✔️ MEAT
✔️ PREPARED FOOD
✔️ CONCESSION PLAN

Qualifications:
• Able to work flexible hours, including weekends and holidays, if required.
• Male or Female

For interested applicants, kindly send your updated resume to [email protected] with the subject line: APPLYING FOR S&R MEMBERSHIP SHOPPING (Preferred Job Position).

Please like, share, and follow the page https://www.facebook.com/profile.php?id=61564068518509. Thank you. ❤️

OVP, NAGKALOOB NG 10 WHEELCHAIR SA MGA MAPANDANIANSampung wheelchair ang ipinagkaloob ng Office of the Vice President (O...
30/09/2026

OVP, NAGKALOOB NG 10 WHEELCHAIR SA MGA
MAPANDANIAN

Sampung wheelchair ang ipinagkaloob ng Office of the Vice President (OVP) sa mga Mapandanian na nangangailangan nito, kabilang ang mga senior citizen, Persons with Disabilities (PWDs), at mga stroke patient.

Ipinamahagi ang mga wheelchair sa pamamagitan ng Pamahalaang Lokal ng Mapandan, sa pangunguna ni Mayor Karl Christian F. Vega.

Ang mga benepisyaryo ay naidulog ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng assistance na makatulong sa mobility at pang-araw-araw na gawain ng mga benepisyaryo.

Nagpasalamat naman ang Pamahalaang Lokal ng Mapandan sa OVP sa suporta nito sa mga mamamayan ng bayan.


Address

Mapandan
2429

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mapandan for Every Juan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mapandan for Every Juan:

Shortcuts

Share