31/08/2026
Alinsunod sa direktiba ni Mayor Jem Sy at batay sa rekomendasyon ng Marilao MDRRMC, suspendido ang klase sa lahat ng antas, sa pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Marilao bukas, Setyembre 1, 2026 (Martes).
Ang suspensyon ay bunsod ng mga epekto at pinsalang iniwan ng Habagat sa ilang bahagi ng bayan, gayundin upang bigyang-daan ang patuloy na clearing at recovery operations at matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ng ating mga kababayan.
Patuloy na mag-ingat at mag-antabay sa mga opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Bayan ng Marilao at Marilao MDRRMO.
Maging handa, ligtas, at alerto, mga Marilenyo!