DepEd RXII New Xavier ES

DepEd RXII New Xavier ES New Xavier Elementary School, a public school dedicated to providing quality and accessible education. Supported by committed teachers and an active community.

It nurtures young learners in a peaceful environment that promotes academic growth & values.

๐€๐๐† ๐๐”๐†๐–๐€๐Š  formerly ANG GAHUM๐€๐๐† ๐๐”๐†๐–๐€๐Š (๐‚๐€๐Œ๐๐”๐’ ๐‰๐Ž๐”๐‘๐๐€๐‹๐ˆ๐’๐“๐’) The Official School Publication of New Xavier Elementary S...
19/08/2026

๐€๐๐† ๐๐”๐†๐–๐€๐Š formerly ANG GAHUM

๐€๐๐† ๐๐”๐†๐–๐€๐Š (๐‚๐€๐Œ๐๐”๐’ ๐‰๐Ž๐”๐‘๐๐€๐‹๐ˆ๐’๐“๐’)
The Official School Publication of New Xavier Elementary School, S.Y 2026โ€“2027.

โœ๏ธ Meet the Brave Voices of New Xavier ES!
Our Campus Journalists are ready to inform, inspire, and ignite change through the power of words. With passion for truth and creativity, they stand as the storytellers of NXES.

Guided by their dedicated adviser, Sir Dexter John Raquel, these young writers will continue the tradition of excellence in campus journalism.

๐™Ž๐™€๐™‡๐™‚ ๐™Š๐™๐™๐™„๐˜พ๐™€๐™๐™Ž of ๐‘๐ธ๐‘Š ๐‘‹๐ด๐‘‰๐ผ๐ธ๐‘… ๐ธ๐‘† S.Y 2026-2027RISE & LEAD! โ€œRise with purpose, lead with courage, and serve with heart.โ€Me...
17/08/2026

๐™Ž๐™€๐™‡๐™‚ ๐™Š๐™๐™๐™„๐˜พ๐™€๐™๐™Ž of ๐‘๐ธ๐‘Š ๐‘‹๐ด๐‘‰๐ผ๐ธ๐‘… ๐ธ๐‘†
S.Y 2026-2027

RISE & LEAD!

โ€œRise with purpose, lead with courage, and serve with heart.โ€

Meet the SELG Officers; a young leaders ready to RISE above challenges, LEAD with confidence, and SERVE with dedication.

Together, we rise.
Together, we lead.
Together, we make a difference.

RISE & LEAD, NXES-SELG!

SELG Adviser: sir Dexter John Flores Raquel

๐™‰๐™“๐™€๐™Ž, ๐™‹๐™ž๐™ฃ๐™–๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐˜ฝ๐™๐™‹ 2026; ๐™†๐™ค๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™™๐™–๐™™ ๐™‰๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™–Pormal na sinimulan ng New Xavier Elementary School ang School-Based...
16/08/2026

๐™‰๐™“๐™€๐™Ž, ๐™‹๐™ž๐™ฃ๐™–๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐˜ฝ๐™๐™‹ 2026; ๐™†๐™ค๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™™๐™–๐™™ ๐™‰๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™–

Pormal na sinimulan ng New Xavier Elementary School ang School-Based Feeding Program (SBFP) 2026 noong Agosto 3, 2026 bilang bahagi ng programang pangnutrisyon ng Department of Education (DepEd) โ€“ SDO Cotabato na naglalayong mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga mag-aaral.

Dumalo sa unang araw ng programa ang mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Ebenezer G. Feolog, mga magulang, g**o, at mga mag-aaral na benepisyaryo ng SBFP. Ipinakita ng kanilang pakikiisa ang sama-samang suporta ng paaralan at komunidad para sa kalusugan at kapakanan ng mga bata. Nagbigay ng mensahe si Punong Barangay Feolog na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng paaralan, barangay, mga magulang, at iba pang stakeholders upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng programa. Nagpaabot din ng mensahe si Bb. Lodina C. Cabaya, OIC ng NXES, tungkol sa kahalagahan ng wastong nutrisyon bilang mahalagang salik sa kalusugan, pag-unlad, at pagkatuto ng mga mag-aaral. Samantala, pinangunahan ni Gng. Stephane Grace J. Nanlabe, SBFP Coordinator, ang pagsasagawa ng feeding activity kasama ang mga g**o, school personnel, magulang, at PTA officers sa pangunguna ni Gng. Noemi C. Lumogdang.

Mahalagang bahagi rin ng programa ang Central Kitchen na matatagpuan sa Matalam Central District, Kibia Central Elementary School, kung saan inihahanda at niluluto ang mga pagkaing inilalaan para sa mga benepisyaryo ng SBFP. Sa pamamagitan nito, naisasagawa nang maayos ang paghahanda ng pagkain bago ito maihatid sa mga paaralang kabilang sa programa. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng NXES sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagsisimula ng programa, lalo na kay Public Schools District Supervisor Dr. Rosalita M. Baldestamon at District Nurse Gng. Cecile J. Segumban, sa kanilang paggabay at suporta sa pagpapatupad ng SBFP sa distrito. Nagpapasalamat din ang paaralan sa mga barangay officials, PTA officers, mga magulang, g**o, school personnel, at iba pang stakeholders na naglaan ng oras at tulong upang maging maayos ang unang araw ng feeding program.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng paaralan at komunidad, inaasahang maisasakatuparan nang maayos ang SBFP 2026 at makatutulong ito sa pagkakaroon ng mas malusog, masigla, at handang matutong mga mag-aaral ng New Xavier Elementary School.

๐“๐“ท๐“ฐ ๐“‘๐“พ๐“ฐ๐”€๐“ช๐“ด โ€ข ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’‚
โœ๏ธJiamie S. Gloriani

๐™‰๐™“๐™€๐™Ž, ๐™‹๐™„๐™‰๐˜ผ๐™๐™„๐™‰๐™‚๐™†๐˜ผ๐˜ฟ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐™๐™๐™๐™„๐™๐™„๐™Š๐™‰ ๐™ˆ๐™Š๐™‰๐™๐™ƒ 2026Sa buwan ng Hulyo, masiglang ipinagdiwang ng New Xavier Elementary School ang ...
11/08/2026

๐™‰๐™“๐™€๐™Ž, ๐™‹๐™„๐™‰๐˜ผ๐™๐™„๐™‰๐™‚๐™†๐˜ผ๐˜ฟ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐™๐™๐™๐™„๐™๐™„๐™Š๐™‰ ๐™ˆ๐™Š๐™‰๐™๐™ƒ 2026

Sa buwan ng Hulyo, masiglang ipinagdiwang ng New Xavier Elementary School ang Nutrition Month na may temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan." Layunin ng programa na palakasin ang kamalayan ng mga mag-aaral sa tamang nutrisyon at sabay na isulong ang pangangalaga sa kalikasan.

Ibaโ€™t ibang classroom-based activities ang isinagawa upang ipakita ang kahalagahan ng masustansyang pagkain at kalinisan ng kapaligiran. Tampok dito ang poster at slogan making kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang malikhaing talento at mensahe ukol sa kalusugan. Sa pagluluto, naghanda sila ng masustansyang pagkain na nagbigay-diin sa wastong diyeta, habang ang fruit display ay nagpakita ng yaman ng kalikasan na dapat pangalagaan.

Bukod dito, isinagawa rin ang nutrisyon quiz bee na sumubok sa talino at kaalaman ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang tungkol sa nutrisyon. Ang mga paligsahan ay nagbigay sigla at inspirasyon sa buong paaralan, na nagpatibay ng diwa ng pagkakaisa sa pagitan ng mga g**o, magulang, at mag-aaral.

Sa kabuuan, ang pagdiriwang ng Nutrition Month sa New Xavier ES ay hindi lamang nagbigay kasiyahan kundi nagpatibay din ng kamalayan sa nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan, isang hakbang tungo sa mas malusog na katawan at mas maayos na kapaligiran.

๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ฎ๐’‚๐’‰๐’–๐’Ž โ€ข ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’‚
โœ๏ธJonie L. Manlaunan

๐–๐ž๐ฅ๐œ๐จ๐ฆ๐ž ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ž๐ฐ ๐—๐š๐ฏ๐ข๐ž๐ซ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ!๐Ÿ’™"๐‘ฌ๐’—๐’†๐’“๐’š ๐’๐’†๐’˜ ๐’ƒ๐’†๐’ˆ๐’Š๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’“๐’Š๐’๐’ˆ๐’” ๐’๐’†๐’˜ ๐’๐’‘๐’‘๐’๐’“๐’•๐’–๐’๐’Š๐’•๐’Š๐’†๐’” ๐’•๐’ ๐’Š๐’๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’† ๐’‚๐’๐’… ๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’† ๐’‚ ๐’…๐’Š๐’‡๐’‡๐’†๐’“๐’†...
30/06/2026

๐–๐ž๐ฅ๐œ๐จ๐ฆ๐ž ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ž๐ฐ ๐—๐š๐ฏ๐ข๐ž๐ซ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ!๐Ÿ’™

"๐‘ฌ๐’—๐’†๐’“๐’š ๐’๐’†๐’˜ ๐’ƒ๐’†๐’ˆ๐’Š๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’“๐’Š๐’๐’ˆ๐’” ๐’๐’†๐’˜ ๐’๐’‘๐’‘๐’๐’“๐’•๐’–๐’๐’Š๐’•๐’Š๐’†๐’” ๐’•๐’ ๐’Š๐’๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’† ๐’‚๐’๐’… ๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’† ๐’‚ ๐’…๐’Š๐’‡๐’‡๐’†๐’“๐’†๐’๐’„๐’†."

With warm hearts, we welcome you ma'am ๐‰๐„๐•๐ˆ๐‹๐˜๐ ๐Œ๐€๐„ ๐…. ๐ƒ๐„๐๐Ž๐’๐“๐€, Teacher I, to New Xavier E.S. We are truly happy to have you join our family and look forward to sharing this journey with you.

Together, let's create a positive and nurturing learning environment for every child.

We're glad you're here!

23/06/2026
๐๐—๐„๐’, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐“๐€; ๐†๐ง๐ . ๐‹๐ฎ๐ฆ๐จ๐ ๐๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ฅ ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จMa...
13/06/2026

๐๐—๐„๐’, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐“๐€; ๐†๐ง๐ . ๐‹๐ฎ๐ฆ๐จ๐ ๐๐š๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ฅ ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ

Matagumpay na isinagawa ng New Xavier Elementary School ang 1st PTA General Assembly Meeting noong Hunyo 11, 2026 para sa taong panuruan 2026โ€“2027. Isa itong makabuluhang pagtitipon na nagbigay-daan sa mas masiglang ugnayan ng mga g**o, magulang, at pamunuan ng paaralan.

Sa demokratikong proseso ng halalan, muling nahalal si Gng. Noemi C. Lumogdang bilang Pangulo ng PTA. Ito ay makasaysayang pagkakataon dahil siya rin ang nagsilbing pangulo noong T.P 2020โ€“2021, sa kasagsagan ng pandemya, kung saan ipinakita niya ang matatag na pamumuno at malasakit sa kapakanan ng mga mag-aaral at mga magulang.

Kasabay nito, buong puso ring ipinahayag ng NXES ang pasasalamat kay Gng. Mary Jean P. Dagohoy, na naglingkod bilang pangulo ng PTA sa loob ng mahigit tatlong taon. Ang kanyang dedikasyon at walang sawang serbisyo ay nagbigay ng malaking ambag sa paaralan at pagpapatibay ng samahan ng mga magulang at g**o.

Ang NXES ay naniniwala na sa pamumuno ni Gng. Lumogdang, at sa patuloy na suporta ng buong komunidad, mas lalo pang lalakas ang ugnayan ng paaralan at mga magulang tungo sa mas matagumpay na paglalakbay ng mga mag-aaral ngayong T.P 2026โ€“2027.

๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ฎ๐’‚๐’‰๐’–๐’Ž โ€ข ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’‚
โœ๏ธKhurt Razel S. Gregorio

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐…๐ฅ๐š๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ๐“.๐ 2026โ€“2027 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ  Noong June 08, 2026,  sama-samang nagtipon ang mga mag-aaral, g**o, at komunidad n...
12/06/2026

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐…๐ฅ๐š๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ๐“.๐ 2026โ€“2027 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Noong June 08, 2026, sama-samang nagtipon ang mga mag-aaral, g**o, at komunidad ng New Xavier Elementary School upang gunitain ang pambansang watawat sa kauna-unahang Flag Ceremony ng taong panuruan.

Ang seremonyang ito ay pinangunahan ng SELG at ito ay nagsilbing makabuluhang simula ng School Year 2026โ€“2027, isang paalala ng ating pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa bayan. Sa pagtataas ng watawat, muling itinaguyod ang diwa ng kahusayan, malasakit, at pagtutulungan.

Bagamaโ€™t sinubok ng kalikasan ang ating lakas, nananatiling matatag ang ating komunidad. Ang unang Flag Ceremony ay magsisilbing alaala ng ating pagkakaisa at inspirasyon upang harapin ang mga hamon na darating.

Address

Purok 8, (Sitio Bugwak-New Xavier), Kibia, Cotabato
Matalam
9406

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd RXII New Xavier ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd RXII New Xavier ES:

Shortcuts

Share