04/03/2025
: 𝗜𝗥𝗥 𝗻𝗴 𝗡𝗲𝘄 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗰𝘂𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗰𝘁, 𝗲𝗽𝗲𝗸𝘁𝗶𝗯𝗼 𝗻𝗮
Eksakto isang buwan matapos aprubahan ng Government Procurement Policy Board (GPPB), sa pamumuno ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman, kasalukuyang epektibo na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (R.A.) No. 12009, o mas kilala bilang New Government Procurement Act (NGPA).
Tuluyang naging mabisa ang IRR nitong February 25, 2025, 15 araw matapos itong mailathala sa Official Gazette noong February 10. Malaking hakbang tungo sa higit na pagpapabuti ng government procurement system ng bansa ang pagsasabisa ng IRR—alinsunod sa prinsipyo ng efficiency, proportionality, participatory, sustainability, at professionalism.
Ito ay nabuo sa pamamagitan ng mga serye ng mga pagpupulong at mga writeshop sa pagitan ng DBM, Procurement Service-DBM (PS-DBM), at GPPB-Technical Support Office (GPPB-TSO).
Sa pangunguna ni Executive Director (ED) Atty. Genmaries “Gen” S. Entredicho-Caong at ni dating ED Atty. S. Dennis Santiago, aktibong nakibahagi ang Procurement Service-DBM (PS-DBM) sa serye ng mga konsultasyon at pagpupulong kasama ang DBM at GPPB-Technical Support Office. Partikular na binigyang linaw ng PS-DBM ang mga new modes of procurement, tulad ng Direct Acquisition, Direct Sales, Competitive Dialogue, Unsolicited Offer with Bid Matching, at Direct Procurement for Science, Technology, and Innovation. Gayundin ang mga pangunahing pamantayan sa pag-award ng procurement contracts na Most Advantageous and Responsive Bid (MARB) at Most Economically Advantageous and Responsive Bid (MEARB).
Bukod sa mga ugnayang panloob, naging bahagi rin ang mga external stakeholders sa pagbabalangkas ng IRR sa pamamagitan ng paglilikom ng mga komento mula sa mga non-GPBB agencies, private sector, at civil society groups.
Naisabatas ang NGPA noong July 2024 na itinuring na priority piece of legislation ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Tinaguriang ‘biggest anti-corruption law’ ng bansa sa kasalukuyang panahon, inaasahang wawakasan nito ang mga under-the-table negotiations, side deals, at iba pang uri ng korapsyon sa gobyerno. Magbibigay-daan din ito sa mga digitalization initiatives sa procurement system, gaya ng patuloy na modernisasyon ng Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS), upang lalong pang mai-streamline ang procurement process.
Bagama’t epektibo na ang IRR ng NGPA, ang mga ahensya ng gobyerno ay may tatlong taong transition period upang ganap na sumunod sa implementasyon ng NGPA, mula sa pag-issue ng mga procurement standard forms. Kaugnay nito, pansamantalang angkop ang ilan sa mga probisyon ng IRR ng R.A. No. 9184 o Government Procurement Reform Act habang patuloy na isinasapinal ang ilan sa mga probisyon ng NGPA IRR na nangangailangan ng additional guidelines.
Bilang central procuring arm ng national government para sa common-use supplies and equipment (CSE), ang PS-DBM ay masigasig sa pagsasakatuparan ng NGPA upang matiyak na ang public procurement system ng bansa ay naaayon sa nagbabagong panahon at tumutugon sa umuusbong na pangangailangan ng mamamayang Pilipino.
• 𝗕𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗻𝗸 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗼𝗽𝘆𝗮: https://www.officialgazette.gov.ph/2025/02/10/the-implementing-rules-and-regulations-of-republic-act-no-12009-or-the-new-government-procurement-act/
• 𝘒𝘢𝘶𝘨𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘶𝘭𝘢𝘵: 𝗜𝗥𝗥 𝗻𝗴 𝗡𝗲𝘄 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗰𝘂𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗰𝘁, 𝗮𝗽𝗿𝘂𝗯𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗮 https://www.facebook.com/share/p/1DtZcxEcsH/
• 𝘐𝘴𝘪𝘯𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘐𝘯𝘨𝘭𝘦𝘴: 𝗜𝗥𝗥 𝗼𝗳 𝗡𝗲𝘄 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗰𝘂𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗰𝘁 𝘁𝗮𝗸𝗲𝘀 𝗲𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁 https://www.facebook.com/share/p/1BYYixxdjq/
: 𝗜𝗥𝗥 𝗻𝗴 𝗡𝗲𝘄 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗰𝘂𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗰𝘁, 𝗲𝗽𝗲𝗸𝘁𝗶𝗯𝗼 𝗻𝗮
Eksakto isang buwan matapos aprubahan ng Government Procurement Policy Board (GPPB), sa pamumuno ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman, kasalukuyang epektibo na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (R.A.) No. 12009, o mas kilala bilang New Government Procurement Act (NGPA).
Tuluyang naging mabisa ang IRR nitong February 25, 2025, 15 araw matapos itong mailathala sa Official Gazette noong February 10. Malaking hakbang tungo sa higit na pagpapabuti ng government procurement system ng bansa ang pagsasabisa ng IRR—alinsunod sa prinsipyo ng efficiency, proportionality, participatory, sustainability, at professionalism.
Sa pangunguna ni Executive Director (ED) Atty. Genmaries “Gen” S. Entredicho-Caong at ni dating ED Atty. Dennis S. Santiago, aktibong nakibahagi ang Procuremet Service-DBM (PS-DBM) sa serye ng mga konsultasyon at pagpupulong kasama ang DBM at GPPB-Technical Support Office. Partikular na binigyang linaw ng PS-DBM ang mga new modes of procurement, tulad ng Direct Acquisition, Direct Sales, Competitive Dialogue, Unsolicited Offer with Bid Matching, at Direct Procurement for Science, Technology, and Innovation. Gayundin ang mga pangunahing pamantayan sa pag-award ng procurement contracts na Most Advantageous and Responsive Bid (MARB) at Most Economically Advantageous and Responsive Bid (MEARB).
Bukod sa mga ugnayang panloob, naging bahagi rin ang mga external stakeholders sa pagbabalangkas ng IRR sa pamamagitan ng paglilikom ng mga komento mula sa mga non-GPBB agencies, private sector, at civil society groups.
Naisabatas ang NGPA noong July 2024 na itinuring na priority piece of legislation ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Tinaguriang ‘biggest anti-corruption law’ ng bansa sa kasalukuyang panahon, inaasahang wawakasan nito ang mga under-the-table negotiations, side deals, at iba pang uri ng korapsyon sa gobyerno. Magbibigay-daan din ito sa mga digitalization initiatives sa procurement system, gaya ng patuloy na modernisasyon ng Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS), upang lalong pang mai-streamline ang procurement process.
Bagama’t epektibo na ang IRR, ang mga ahensya ng gobyerno ay may tatlong taong transition period upang ganap na sumunod sa implementasyon ng NGPA, mula sa pag-issue ng mga procurement standard forms. Kaugnay nito, pansamantalang angkop ang ilan sa mga probisyon ng IRR ng R.A. No. 9184 o Government Procurement Reform Act habang patuloy na isinasapinal ang ilan sa mga probisyon ng NGPA IRR na nangangailangan ng additional guidelines.