24/06/2026
SPES College Batch Beneficiaries, Sumailalim sa Monitoring ng City PESO
Isinagawa kamakailan ng City PESO Monitoring Team ang pagmomonitor sa 52 Special Program for Employment of Students (SPES) College Batch beneficiaries na naka-assign sa iba't ibang tanggapan ng City Government of Puerto Princesa.
Layunin ng monitoring na masuri ang kalagayan at pagganap ng mga benepisyaryo habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa kani-kanilang opisina. Batay sa naging resulta, maayos at responsable ang pagtupad ng mga SPES beneficiaries sa kanilang mga trabaho.
Nagbigay rin ng positibong feedback ang mga opisina kung saan sila naka-deploy, na nagpapatunay sa kanilang sipag, disiplina, at dedikasyon sa trabaho.
Patuloy na isinusulong ng City PESO ang mga programang nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan upang magkaroon ng mahalagang karanasan sa trabaho at higit na maihanda ang kanilang sarili para sa kanilang magiging propesyon sa hinaharap.
Ang programang ito ay patuloy na suportado ng administrasyon ni Mayor Lucilo R. Bayron, na naglalayong magbigay ng makabuluhang oportunidad sa mga kabataan at makatulong sa kanilang paghahanda para sa mas magandang kinabukasan.
๐ฃ๐๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฎ๐ฑ๐ฐ๐ณ๐ฎ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ, ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ซ๐ฐ๐ฃ ๐ฑ๐ฐ๐ด๐ต๐ช๐ฏ๐จ๐ด, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ด๐บ๐ฐ, ๐ฃ๐ช๐ด๐ช๐ต๐ข๐ฉ๐ช๐ฏ, ๐ช-๐ญ๐ช๐ฌ๐ฆ, ๐ข๐ต ๐ช-๐ด๐ฉ๐ข๐ณ๐ฆ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ค๐ฆ๐ฃ๐ฐ๐ฐ๐ฌ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฆ ๐ฏ๐จ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.๐ฃ
โจ ๐ฆ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, ๐๐๐ฆ๐๐ ๐ ๐ ๐ข ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐ข ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐, ๐ฃ๐๐๐ฆ๐๐ ๐จ๐๐, ๐๐ง ๐ฃ๐๐๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ ๐ก๐ ๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ โ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ช๐, ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐๐ฅ๐ง๐ข ๐ฃ๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฆ๐. โจ