07/08/2026
Hanapin ang mga kuwentong Tao (SDG 1-5) at Ugnayan (SDG 17) sa inyong mga lunan at itampok ang mga ito sa Dokyubata Dekada. Sundan ang panuntunan sa patimpalak. Bisitahin ang bit.ly/2026DBContestMechanics .
Huwag kalimutan ang tema dahil mahigit isang buwan na lang bago ang palugit, mga Ka-DokyuBata!
Tema: “𝐃𝐨𝐤𝐲𝐮𝐁𝐚𝐭𝐚 𝐃𝐞𝐤𝐚𝐝𝐚: 𝐊𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧, 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨”
Magpatala sa: bit.ly/2026DBEntryForm
Siguraduhing maisumite ang lahat ng kinakailangang dokumento bago ang huling araw ng pasahan sa 𝟏𝟏 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝟏𝟏:𝟓𝟗 𝐏.𝐌.
Bigyang-linaw ang tunay na estado ng SDG sa pamamagitan ng mga dokumentaryo. Itindig ang katotohanan sa DokyuBata 2026!
𝗣𝗮𝗿𝗮𝗧𝗘𝗡 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗼𝗸𝘆𝘂𝗕𝗮𝘁𝗮 𝗗𝗲𝗸𝗮𝗱𝗮!
Mas pinalakas, nag-aalab, at pinalaking DokyuBata 2026 ang isasahimpapawid ng NCCT!
Kaya ihanda na ang mga natatanging kuwento sa inyong mga lugar. Sama-sama nating itaas ang pambansang kamalayan sa pandaigdigang adhikain at tanglawan ang ating mga hakbang tungo sa AmBisyon Natin 2040.
Maging tanod ng katotohanan. Bigyang-boses ang danas at datos na may kaugnayan sa Sustainable Development Goals (SDGs) na patungkol sa Tao (People) at Pakikipag-ugnayan (Partnership).
Magkuwento at imulat ang mata sa DokyuBata Dekada!
𝗧𝗲𝗺𝗮: “𝗗𝗼𝗸𝘆𝘂𝗕𝗮𝘁𝗮 𝗗𝗲𝗸𝗮𝗱𝗮: 𝗞𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻, 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼”
Mag-register sa: bit.ly/2026DBEntryForm
Kumpletuhin ang entry form at siguraduhing maisumite ang lahat ng kinakailangang dokumento bago ang huling araw ng pasahan sa 𝟭𝟭 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝟭𝟭:𝟱𝟵 𝗣.𝗠.
Para sa buong contest mechanics, bisitahin ang link: bit.ly/2026DBContestMechanics