06/08/2026
๐๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ก๐๐ง๐ฌ๐ข๐ฒ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐๐๐ฒ๐๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฉ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ข๐ ๐ง ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐๐ ๐ ๐ก๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ซ๐๐ฌ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ข๐ ๐ง ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฬ๐ญ๐ข๐ซ๐ฬ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ค๐ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐ข๐๐ฒ๐
Ipinahahayag ng Konseho ng mga Ahensiya (Inter-Agency Council o IAC) ang pagkabahala nito sa pagkalat ng mga satirikong meme na naglalarawan sa isang opisyal ng pรกmahalaรกn bรญlang interpreter ng Filipino Sign Language (FSL) upang ipahiwatig na wala siyang makabuluhang tungkulin na ginagampanan. Sa larangan ng karapatang pantao, karaniwang itinuturing ang pagtutol, pampublikong talakayan, at masining na paglikha bรญlang pinakamataas na anyo ng kalayaan sa pagpapahayag sapagkat, sa isang makabuluhan at mapanuring demokrasya, ginagamit ang kalayaang ito upang panagutin ang mga awtoridad at mahanap ang katotohanan. Bagamaโt kinikilala ng IAC na mahalagang bahagi ng pampolitikang pagpapahayag ang satira at parodya, hindi dapat isagawa ang ganitong komentaryo sa paraang nakapipinsala sa dangal ng komunidad ng mga Binging Pilipino o kayรข ay nagpapatibay at nagpapanatili ng mga mapaminsalang maling paniniwala hinggil sa aksesibilidad at sa napakahalagang papel ng FSL.
Kinikilala ng Batas Republika Blg. 11106 ang FSL bรญlang pambansang wikang senyas ng komunidad ng mga Binging Pilipino at bรญlang opisyal na wikang senyas ng pรกmahalaรกn. Tinitiyak ng batas na napangangalagaan, naitataguyod, at ganap na natatamasa ang mga batayang karapatang pantao ng komunidad ng mga Binging Pilipino. Itinataguyod din ng batas ang makabuluhang pakikilahok ng komunidad ng mga Binging Pilipino sa lipunan sa pamamagitan ng pagtataguyod sa aksesibilidad at ingklusyon. Ang paglalarawan sa isang interpreter ng FSL bรญlang sagisag ng โkawalang-silbiโ ay nagpapababร sa isang propesyong umiiral upang alisin ang mga hadlang sa pakikipagtalastasan at itaguyod ang mga karapatan ng mga Bingi.
Ipinaaalala ng IAC sa publiko, mga content creator, manggagawa sa midya, at sa industriya ng entertainment na maging sensitibo at responsable sa paglikha ng content, lalo na sa pagtiyak na ang pagpapatawa ay hindi nagpapatibay ng prehuwisyo, diskriminasyon, o eksklusyon. Hinihikayat din ng IAC ang mga content creator at organisasyon ng midya na makipag-ugnayan at sumangguni sa komunidad ng mga Binging Pilipino at sa mga kalipikadong practitioner ng FSL upang matiyak na wasto, magalang, angkop sa kultura, at ingklusibo ang paggamit at representasyon ng FSL sa midya at pampublikong komunikasyon.
Nananatiling matatag ang IAC sa pagsusulong ng ganap na pagpapatupad ng Batas Republika Blg. 11106 at muling pinagtitibay ang pangako nitong magpalawak ng kamalayan hinggil sa FSL at magtaguyod ng isang pamayanang hindi namamayani ang diskriminasyon at pagsasantabi sa mga bulnerableng sektor, at nananatiling ingklusibo at aksesible ang mga batayang serbisyo. Nananawagan din ang IAC sa lahat ng sektor na tumulong sa pagtataguyod ng kulturang gumagalang sa mga karapatan, pagkakakilanlan, at dangal ng komunidad ng mga Binging Pilipino.