NAPOLCOM

NAPOLCOM "The National Police Commission shall be a competent and responsive overseer of an effective police service".
(15)

HISTORY

In 1966, Congress enacted Republic Act 4864 otherwise known as the Police Act of 1966 to provide the foundation for the much needed police reforms in the country. It created the POLICE COMMISSION (Polcom) “to achieve and attain a higher degree of efficiency in the organization, administration and operation of local police agencies; and to place the local police service on a professional l

evel.”

Since 1966, the Commission had undergone changes in its organizational structure. It was reorganized in 1972 as the National Police Commission (Napolcom). Originally under the Office of the President, it was transferred to the Ministry of National Defense in 1975 by virtue of Presidential Decree 765, known as the Police Integration Law. This Decree also established the Integrated National Police (INP) with the Philippine Constabulary (PC) as the nucleus. Ten (10) years later in 1985, it was returned to the Office of the President pursuant to Executive Order No. 1040. In 1989, Executive Order No. 379 placed the INP directly under the “command, supervision and control of the President.”

The same executive order vested the National Police Commission with the powers of administrative control and supervision over the INP. With the passage of Republic Act No. 6975 on December 13, 1990, the Philippine National Police (PNP) was established under a reorganized Department of the Interior and Local Government (DILG). A new National Police Commission was created within the DILG “ for the purpose of effectively discharging the functions prescribe in the Constitution and provided in the Act.”

On February 25, 1998, Congress passed into law Republic Act No. 8551 otherwise known as the "Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998“ thus, amending RA 6975. This Act strengthened and expanded the Commission’s authority over the PNP to include administration of police entrance examination, conduct of pre-charge investigation against police anomalies and irregularities and summary dismissal of erring police members.

NAPOLCOM N’yo Po!Sa Likod ng Bawat Resolusyon: Serbisyong May PananagutanSa likod ng bawat apela, may kwento ng paghihin...
09/04/2026

NAPOLCOM N’yo Po!

Sa Likod ng Bawat Resolusyon: Serbisyong May Pananagutan

Sa likod ng bawat apela, may kwento ng paghihintay, pag-asa, at paghahangad ng katarungan.

Kilalanin si Atty. Jacinto C. Cabus, Chairman ng Regional Appellate Board ng NAPOLCOM Region IV-A CALABARZON, na may halos dalawampu’t siyam na taong iniaalay sa serbisyo publiko. Sa likod ng bawat apelang kanyang sinusuri ay isang paninindigan—na ang hustisya ay hindi dapat ipinagkakait, at ang disiplina ay pundasyon ng tunay na kapayapaan.

Araw-araw, masusing inaabot ni Atty. Cabus ang balanse ng batas at malasakit, pinakikinggan ang panig ng kapulisan at mamamayan, habang tinitiyak na ang bawat desisyon ay nakaangkla sa integridad at proseso. Sa lalawigan ng Batangas, hindi lamang siya tagapagpasya, isa rin siyang katuwang sa pagpapalaganap ng mabubuting gawain ng kapulisan, katuwang sa mga programang legal para sa komunidad, at aktibong tagapag-organisa ng People’s Law Enforcement Board (PLEB).

Para sa kanya, ang serbisyo ay hindi lamang tungkulin, ito ay panata. Isang panatang nag-uugat sa honesty, integrity, at dedikasyon. Sa bawat tamang desisyon at maayos na proseso, unti-unting nababawasan ang mga kaso, isang tahimik ngunit makapangyarihang patunay na ang sistemang may malasakit ay kayang magbago ng institusyon.

“Simpleng buhay ang itinuro sa amin, manalig sa Panginoon, huwag mag-isip ng masama sa kapwa, at magbahagi ng grasya. Kaya bukal sa kalooban ang tumulong at magbigay ng libreng payong legal sa madla.”

Sa likod ng bawat desisyon na may dangal, may isang lingkod-bayan na tahimik na naglilingkod para sa mas maayos na kinabukasan.

NAPOLCOM N’yo Po, para sa hustisya, para sa kapayapaan, para sa bawat Pilipino.

Ulat mula sa Napolcom Regional Office Calabarzon



09/04/2026
LINGKOD NA TAPAT: OUTSTANDING FILIPINOS IN POLICE SERVICEMetrobank Foundation Outstanding Filipinos Awardees (Police Cat...
08/04/2026

LINGKOD NA TAPAT: OUTSTANDING FILIPINOS IN POLICE SERVICE
Metrobank Foundation Outstanding Filipinos Awardees (Police Category)

POLICE MASTER SERGEANT LLENA SOL-JOSEFA M JOVITA
City Police Strategy Management Unit
Cagayan de Oro City Police Office
Philippine National Police

In a profession where public trust is often tested, Police Master Sergeant (PMSg) Llena Sol-Josefa M. Jovita has built her career on strengthening the bond between the police and the community. A 2024 Metrobank Foundation Outstanding Filipino Awardee, she is recognized for transforming everyday encounters into meaningful opportunities for connection, compassion, and service.

As one of the leading forces in the Cagayan de Oro City Police Office, she upholds the belief that the role of a police officer extends beyond enforcement, it begins with being a trusted member of the community. Among her most notable efforts is the “Gatas Mo, Kinabuhi Ko” program, launched in 2018 to address a critical need among mothers and infants. Inspired by the spirit of bayanihan, the initiative mobilizes support for infants who cannot be nourished by their own mothers. Despite initial doubts about its relevance to police work, PMSg Jovita remained steadfast, working with health centers, Barangay Nutrition Scholars, and partner organizations to establish a sustainable system.

Her commitment to community welfare extends to other sectors, particularly the youth. Through various programs, she has promoted water safety, strengthened awareness against substance abuse and bullying, and led community-driven efforts that respond to the needs of vulnerable groups. During the COVID-19 pandemic, she continued to serve with compassion, organizing support initiatives for senior citizens and helping create a safer, more inclusive environment for children. Under her leadership and collaboration with stakeholders, Police Station 9 earned recognition as a child-friendly station capable of supporting children with special needs.

A member of the Philippine National Police since 2012, PMSg Jovita brings both professional expertise and personal compassion into her work – as a mother, a graduate of Special Education and Early Childhood, and a police officer. Her journey reflects a kind of policing that is rooted in empathy, strengthened by community partnership, and committed to uplifting the lives of those most in need. Through her service, she has shown that policing can be both disciplined and compassionate. In honoring her as a Metrobank Foundation Outstanding Filipino Police Officer, we recognize a public servant who has made community trust the foundation of her work, thereby demonstrating that the true measure of policing lies not only in enforcing the law, but in uplifting lives and strengthening the communities they serve.

-MJD

Source: 2024 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos Souvenir Program

Metrobank Foundation, Inc.
Metrobank Foundation Outstanding Filipinos


ARAW NG KAGITINGANNgayong Araw ng Kagitingan, ginugunita natin ang tapang, sakripisyo, at hindi matitinag na diwa ng mga...
08/04/2026

ARAW NG KAGITINGAN

Ngayong Araw ng Kagitingan, ginugunita natin ang tapang, sakripisyo, at hindi matitinag na diwa ng mga Pilipinong lumaban para sa ating kalayaan.

Hindi lamang ito alaala ng nakaraan, ito ay paalala na ang tunay na kagitingan ay buhay sa bawat Pilipinong patuloy na tumatayo para sa tama, lumalaban sa hamon ng panahon, at nagsisilbi sa kapwa nang may integridad at malasakit.

Sa National Police Commission (NAPOLCOM), kinikilala natin ang kahalagahan ng kagitingan hindi lamang sa larangan ng digmaan, kundi sa araw-araw na pagtupad sa tungkulin, sa pagpapanatili ng kaayusan, katarungan, at tiwala ng mamamayan.

Sa bawat tahimik na sakripisyo, sa bawat matapang na paninindigan, naroon ang diwa ng kabayanihan.



07/04/2026

KAPULISAN AT KOMUNIDAD: KWENTO NG PAGKAKAISA

“Bawat Aklat, Bawat Bata, Pag-asa ng Pamayanan”

Hindi lahat ng laban ay hinaharap sa kalsada, ang ilan ay tahimik na isinusulong sa loob ng silid-aralan. Sa Malapatan, Sarangani, isang simpleng kakulangan sa aklat ang naging simula ng isang makabuluhang pagkakaisa. Sa pangunguna ni PMAJ Lloyd Levin D. Caigas, Chief of Police ng Malapatan Municipal Police Station (MPS), isinakatuparan ang Project PAGES (Police Advancing Growth through Education and Services), isang inisyatibang naglalayong palawakin ang akses ng kabataan sa edukasyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa LGU Malapatan, Early Childhood Care and Development (ECCD) workers, Brgy. Council of Poblacion, Municipal Tourism and Development Council, Advocacy Support Groups, Lady Lions Club.

Dahil sa kakulangan ng mga aklat at learning materials sa komunidad, maraming kabataan ang nahahadlangan sa kanilang pagkatuto. Ngunit sa halip na manatiling suliranin, ito ay naging pagkakataon para sa sama-samang pagkilos. Nagkaisa ang komunidad, mula sa mga magulang, g**o, organisasyon, hanggang sa kapulisan, upang mag-organisa ng mga aktibidad at magbigay ng donasyon ng mga aklat at kagamitang pang-edukasyon. Hindi lamang naging tagasuporta ang mga pulis, kundi aktibong katuwang sa koordinasyon at pagpapatupad ng programa, na nagpapatibay sa ugnayan at tiwala sa pagitan ng pulisya at mamamayan.

Sa pamamagitan ng Project PAGES, naipakita na ang kapulisan ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas, sila rin ay tagapagtaguyod ng kinabukasan. Isa sa mga positibong bunga ng inisyatibang ito ay ang mas pinabuting akses ng mga bata sa edukasyon at mga babasahin, kasabay ng pagtaas ng tiwala ng komunidad sa kapulisan. Higit pa rito, napatunayan na sa pamamagitan ng malasakit, serbisyo, at pakikipag-ugnayan, ang pulisya ay maaasahang katuwang sa paghubog ng mas maunlad at edukadong pamayanan.

Kapag ang pulisya at komunidad ay nagkaisa para sa edukasyon, ang resulta ay higit pa sa kaalaman, ito ay paghubog ng pag-asa, tiwala, at mas matibay na kinabukasan para sa bawat batang Pilipino.

Ulat mula sa 𝗡𝗔𝗣𝗢𝗟𝗖𝗢𝗠-𝗦𝗢𝗖𝗖𝗦𝗞𝗦𝗔𝗥𝗚𝗘𝗡




READ PRESS RELEASE | Female Police Officer Personally Files Complaint Before NAPOLCOM vs. Police Provincial DirectorA fe...
07/04/2026

READ PRESS RELEASE | Female Police Officer Personally Files Complaint Before NAPOLCOM vs. Police Provincial Director

A female police officer has personally filed a formal administrative complaint before the National Police Commission (NAPOLCOM) against PCOL Marlon Ventura Rufo, Police Provincial Director of Batangas, for alleged grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer.

The complaint, executed through a sworn affidavit, details a series of alleged incidents that occurred between February and March 2026, involving unwelcome physical contact, inappropriate remarks, and actions that caused distress to the complainant, reportedly committed in the course of official duties and within police premises.

According to the affidavit, the respondent, being a senior-ranking official, allegedly took advantage of his position of authority, raising serious concerns on abuse of power, workplace safety, and professional conduct within the police organization.

NAPOLCOM confirmed that the complaint is now under its jurisdiction and will undergo the proper administrative proceedings in accordance with existing laws and regulations.

The Commission emphasized that complaints of this nature, particularly those involving women in uniform, will be handled with urgency, impartiality, and due process, ensuring that all parties are accorded their rights while upholding accountability within the ranks.

NAPOLCOM reiterated its call for all members of the Philippine National Police (PNP) to uphold the highest standards of professionalism, respect, and integrity, emphasizing that leadership must always be anchored on accountability and moral authority.


ALAGANG NAPOLCOM | ISANG KWENTO NG PAG-ASA AT PAGBANGONMula sa pagkawala, may pag-aaruga. Mula sa pagdadalamhati, may pa...
06/04/2026

ALAGANG NAPOLCOM | ISANG KWENTO NG PAG-ASA AT PAGBANGON

Mula sa pagkawala, may pag-aaruga.
Mula sa pagdadalamhati, may pag-asa.

Si Mechelle Javillo ay isang ina na humaharap sa buhay matapos ang isang napakabigat na pagkawala. Ang kanyang asawa, si Pat. Justine A. Javillo, ay buong tapang na lumaban sa sakit na Mandibular Fibrosarcoma, isang uri ng kanser na unti-unting kumitil sa kanyang lakas at kalaunan ay kumalat pa sa kanyang mga buto. Mula 2023 hanggang 2024, naging bahagi ng kanilang araw-araw ang operasyon, chemotherapy, at ang walang katapusang pag-asang siya ay gagaling. Ngunit noong Setyembre 21, 2024, tuluyan siyang pumanaw, iniwan ang kanyang pamilya sa gitna ng dalamhati at kawalan.

Sa likod ng kanilang laban ay ang mabigat na pasanin ng gastusin, pangamba, at responsibilidad. Bilang isang ina na walang trabaho at may dalawang maliliit na anak, kinailangan ni Mechelle na harapin hindi lamang ang sakit ng pagkawala kundi pati ang hamon ng muling pagbangon. Sa gitna ng pag-aasikaso ng mga dokumento, pagbyahe para sa requirements, at pagharap sa araw-araw na gastusin, tila walang pahinga ang kanyang laban.

Sa panahong tila ubos na ang kanyang lakas, dumating ang tulong mula sa NAPOLCOM Regional Office 1 sa pamamagitan ng gratuity pay, burial assistance, at medical reimbursement. Hindi lamang ito naging pinansyal na ayuda kundi isang konkretong patunay na may institusyong handang umalalay sa mga pamilyang naiwan ng serbisyo.

Ang tulong na kanyang natanggap ay maingat niyang inilaan para sa kinabukasan ng kanyang mga anak at sa pagsisimula ng isang munting kabuhayan upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

“Ang supporta na aming natanggap ay aking nilagay sa bank accounts ng mga bata para sa kanilang pag-aaral at mga pangangailangan. Malaking tulong po ito lalo na para sa kanilang kinabukasan.”

Sa kabila ng sakit at pagsubok, pinipili ni Mechelle na magpatuloy, para sa kanyang mga anak, para sa kanilang kinabukasan, at para sa pangarap na minsang pinanghawakan nilang mag-asawa.

Alagang NAPOLCOM
Pag-aaruga na nagpapatuloy, kahit sa gitna ng pagkawala.

Ulat mula sa Napolcom Regional Office No. 1



TAMANG GAWA, TAMANG GAWI“20 Minutong Laban para sa Buhay”Sa gitna ng malamig na gabi sa Shilan, La Trinidad, Benguet, is...
05/04/2026

TAMANG GAWA, TAMANG GAWI
“20 Minutong Laban para sa Buhay”

Sa gitna ng malamig na gabi sa Shilan, La Trinidad, Benguet, isang tawag ng saklolo ang dumating, isang aksidente sa motorsiklo na nag-iwan ng biktimang nasa kritikal na kalagayan. Walang pag-aalinlangan, agad rumesponde sina Police Staff Master Sergeant Patrick P. Culbongan at Brian P. Soriano, handang gawin ang lahat upang iligtas ang isang buhay.

Pagdating sa lugar, agad tinasa ni PSMS Culbongan ang kondisyon ng biktima at nagbigay ng paunang lunas, kabilang ang paglalagay ng pansamantalang splint sa napinsalang tuhod. Ngunit biglang lumala ang sitwasyon, nagkaroon ng seizure ang biktima at bumaba ang vital signs. Sa kritikal na sandaling iyon, walang pag-aatubiling nagsagawa si PSMS Culbongan ng CPR sa loob ng humigit-kumulang 20 minuto, habang si PSMS Soriano naman ay agarang nakipag-ugnayan para sa ambulansya at karagdagang tulong.

Hindi lamang ito simpleng pagtugon sa isang insidente, ito ay malinaw na pagsasabuhay ng katapangan, propesyonalismo, at malasakit. Sa gitna ng panganib at tensyon, nanaig ang kanilang pagsasanay at dedikasyon sa tungkulin.
Dahil sa kanilang mabilis at magkatuwang na aksyon, naihatid ang biktima sa Benguet General Hospital para sa agarang gamutan, isang resulta na nagpatunay na ang bawat segundo ng kanilang pagsusumikap ay may katumbas na buhay na nailigtas.

Ang insidenteng ito ay hindi lamang kwento ng kabayanihan, kundi patunay na ang adyendang “Sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman” ay tunay na naipapatupad sa bawat frontline responder.

Ayon kay Kagawad Larry Pi-ay, “Nakita natin kung paano nagtulungan ang mga pulis, kagawad, at iba pang tauhan para iligtas ang buhay ng isa nating kababayan. Ito ay patunay na tayo ay may mga taong handang magsakripisyo para sa atin, lubos kaming nagpapasalamat sa kanilang dedikasyon.”

Sa bawat tibok ng pusong inilaban, sa bawat segundong hindi sinayang,
ito ang Tamang Gawa. Tamang Gawi. Serbisyong hindi lang ginagawa, kundi nararamdaman.

Ulat mula sa Napolcom Cordillera Administrative Region



Ligtas na Semana Santa 2026Sa paggunita ng Semana Santa, inaasahan ang pagdagsa ng mga biyahero, deboto, at pamilyang ma...
01/04/2026

Ligtas na Semana Santa 2026

Sa paggunita ng Semana Santa, inaasahan ang pagdagsa ng mga biyahero, deboto, at pamilyang magsasama-sama sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kasabay ng pananampalataya at tradisyon, nananatiling mahalaga ang ating kolektibong pananagutan sa kaligtasan.

Ang mga paalalang ito ay gabay upang maiwasan ang sakuna, mapanatili ang kaayusan, at masig**o ang ligtas na paglalakbay at pananatili, sa kalsada, sa mga pasyalan, sa tahanan, at sa mga lugar ng pananampalataya.

Patuloy ang paalala ng NAPOLCOM:
Maging mapagmatyag. Sumunod sa batas. Pahalagahan ang buhay.
Nasa bawat isa ang kakayahang gawing ligtas ang Semana Santa, para sa sarili, sa pamilya, at sa kapwa.

Mag-ingat. Manalig. Makiisa.


01/04/2026

ADVISORY!

31/03/2026

KAPULISAN AT KOMUNIDAD: KWENTO NG PAGKAKAISA

“Libro Para sa Sitio: Kapag Ang Pulis ay Nagdadala ng Kaalaman”

Hindi baril ang dala, kundi libro. Hindi takot ang hatid, kundi pag-asa.

Sa liblib na bahagi ng Barangay Alejandro, Allen, Northern Samar, muling pinatunayan ng kapulisan na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa pagpapanatili ng kaayusan, kundi sa paghubog ng kinabukasan ng komunidad.
Matagumpay na naisagawa ang programang “Libro Para sa Sitio,” isang makabuluhang inisyatiba na pinangunahan ng Allen Municipal Police Station, Team Sierra Falcones, 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company, 543rd Engineer Construction Battalion, and the Allen Local Youth Development Office, katuwang ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan at komunidad. Layunin nitong tugunan ang kakulangan sa mga babasahin at hikayatin ang mga kabataan na yakapin ang pagkatuto sa halip na maligaw sa maling impluwensya.

Sa halip na hintayin ang mga bata na makarating sa paaralan o silid-aklatan, mismong ang kaalaman ang inilapit sa kanila sa pamamagitan ng isang mobile library, isang simpleng ngunit makapangyarihang konsepto na nagdala ng mga libro hanggang sa kanilang mga tahanan.

Hindi lamang pulis ang kumilos, nakiisa ang buong komunidad. Nag-donate ang mga residente ng libro at school supplies, tumulong ang mga magulang at barangay officials sa paghahanda ng programa, at sama-samang binigyang-buhay ang diwa ng bayanihan para sa edukasyon.

Sa bawat pahinang binuksan, nabura ang takot. Sa bawat kwentong binasa, nabuo ang tiwala. Ang pulis ay hindi na lamang tagapagpatupad ng batas, kundi naging “kuya” at “ate” na katuwang sa pagkatuto ng mga bata.

“Dati, takot ang mga anak ko kapag nakakakita ng pulis. Pero dahil sa ‘Libro para sa Sitio,’ excited na silang makita ang mga patrol car dahil alam nilang may dalang bagong kwento at kaalaman ang mga ito.”

Sa Kapulisan at Komunidad, ang tunay na kapayapaan ay nagsisimula sa pag-unawa, pagtitiwala, at pagkakaisa, isang libro, isang bata, at isang komunidad sa bawat pagkakataon.

Ulat mula sa NAPOLCOM Regional Office 8




Address

DILG-NAPOLCOM Center NAPOLCOM Bldg. EDSA Corner Quezon Avenue West Triangle
Quezon City
1104

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NAPOLCOM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share