DSWD Social Technology Bureau

DSWD Social Technology Bureau Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DSWD Social Technology Bureau, Government Website, Department of Social Welfare and Development Central Office, Constitution Hills, Quezon City.

The DSWD's Social Technology Bureau (STB) is the lead in the development of social welfare and development of social technologies for and with the poor, vulnerable, and disadvantaged Filipinos.

๐’๐ข๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š: ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ญ๐š ๐š๐ญ ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐งSa pakikipagtulungan ng Dangerous Dru...
07/09/2026

๐’๐ข๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š: ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ญ๐š ๐š๐ญ ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง

Sa pakikipagtulungan ng Dangerous Drugs Board (DDB), naisakatuparan ng Department of Social Welfare and Development - DSWD sa pamamahitan ng DSWD Social Technology Bureau ang Training on Program Silong: Comprehensive Drug Abuse Prevention Program for Children and Youth in Special Drug Education Centers noong Agosto 24-28, 2026.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad nina DDB Secretary Oscar Fader Valenzuela, Special Assistant to the Secretary (SAS) Helen Y. Suzara at DSWD Field Office NCR Assistant Regional Director Bienvenido Jr. V. Barbosa.

Lubos ding nagpasasalamat si STB Bureau Director Marilyn B. Moral sa mainit na suporta at pagdalo ng mga kinatawan mula sa iba't-ibang ahensiya upang itaguyod ang adbokasiya nitong protektahan ang mga bata at kabataan mula sa ilegal na paggamit ng drogra sa bansa.



Kaalaman at Kasanayan ng mga kawani, Pinalakas!Sa nakaraang dalawang araw, isinagawa ng DSWD Social Technology Bureau (S...
05/09/2026

Kaalaman at Kasanayan ng mga kawani, Pinalakas!

Sa nakaraang dalawang araw, isinagawa ng DSWD Social Technology Bureau (STB) ang pagsasanay na "Capability Building on Results-Based Monitoring and Evaluation (RBME) in Program Development."

Kasama ang Management Committee ng STB, pinangunahan ni Bureau Director Marilyn Moral ang pagbubukas ng naturang aktibidad, kung saan ipinaliwanag ang kahalagahan ng patuloy na paglinang ng kaalaman sa pagbuo ng mga makabuluhang programa. Nagsilbing resource person si Dr. Mark Anthony D. Abenir, DSD mula sa Ateneo de Manila University, na nagbahagi ng kaniyang malawak na kaalaman at pagiging eksperto sa Results-Based Monitoring and Evaluation.

Layunin ng pagsasanay na ito na mas palakasin ang kapasidad ng mga kawani ng STB at iba pang tanggapan sa ilalim ng DSWD Innovations and Program Development Group sa larangan ng results-based program development, upang mas maayos at epektibong masubaybayan ang mga pampublikong serbisyo.

Ngayong Setyembre 2026, nakikiisa ang Social Technology Bureau (STB) ng Department of Social Welfare and Development - D...
05/09/2026

Ngayong Setyembre 2026, nakikiisa ang Social Technology Bureau (STB) ng Department of Social Welfare and Development - DSWD sa buong bansa sa pagdiriwang ng Social Protection Month.

Bilang bahagi ng DSWD, patuloy na itinataguyod at binubuo ng STB ang mga makabago at angkop na teknolohiya at pamamaraan sa serbisyong panlipunan na tumutugon sa nagbabagong pangangailangan ng mga indibidwal, pamilya, at komunidad.

Sa pamamagitan ng mga Social Technologies, isinasalin natin ang mga makabagong ideya at mabubuting gawain tungo sa epektibo, tumutugon, at nakasentro sa kapakanan ng tao na mga interbensyon, na naglalayong palakasin ang katatagan at kakayahan ng mga komunidad.

Ngayong Social Protection Month 2026, sama-sama nating palakasin ang ating pangako sa isang mas inklusibo, tumutugon, at matatag na sistema ng proteksyong panlipunan - isang sistemang nagbibigay-kakayahan sa bawat isa at nagsisiguro na walang maiiwan.



Magandang SocTech sa lahat, may iSToryahan na naman ulit!Sa panibagong iSToryahan Session, ating pag-uusapan ang Strateg...
04/09/2026

Magandang SocTech sa lahat, may iSToryahan na naman ulit!

Sa panibagong iSToryahan Session, ating pag-uusapan ang Strategic Helpdesks for Information, Education, Livelihood, and other Developmental Interventions (SHIELD) against Child Labor na tatalakayin ng ating resource person mula sa Protective Services Division (PSD) ng DSWD Western Visayas

Ang SHIELD Against Labor ay naglalayong protektahan ang mga kabataan mula sa anumang anyo ng child labor at tulungan ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng direktang tulong sa edukasyon, kabuhayan, at iba pang developmental interventions. Inaasam ng programang ito na mapalakas ang mga helpdesk sa antas ng komunidad upang masiguradong ligtas ang mga bata, nakakapag-aral, at malayang natatamasa ang kanilang karapatan bilang kabataan.

Bilang bahagi ng aming pakikiisa at selebrasyon ng Social Protection Month, ang social technology na ito ay isa sa mga konkretong hakbang ng Departamento tungo sa pagbibigay ng mas matibay na proteksyon para sa mga bata at mahihirap na pamilya, sapagkat ang bawat bata ay nararapat na nasa paaralan at naglalaro - hindi nagtatrabaho.

Dahil

E-kita kits sa Lunes, 7 September 2026, mga ka-SocTech!

02/09/2026

๐Š๐ฎ๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ง๐ฌ๐š๐ง, ๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐š๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ค๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฆ๐š๐ข๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง...

Madamdamin ang naging pahayag ni Ginang Armida Belen, ina ng batang may kapansanan sa kanyang pagsama sa pagsasanay ng mga Auxiliary Caregivers sa kanilang lugar sa Sorsogon City, Sorsogon.

Aniya, bilang solo parent na mayroong anak na may kapansanan, kung minsan, lakas lamang ng loob mula sa kanyang kapwa magulang na nakakaranas ng bigat sa kanilang kalagayan ang kanyang kailangan. Kaya't malaking bagay para sa kanya ang isinagawang Regional Training of Trainers ng DSWD Project Aruga sapagkat dito nya naramdamang hindi siya nag-iisa sa laban.



02/09/2026

02/09/2026

๐๐€๐๐”๐Ž๐‘๐ˆ๐ | BARKada Highlight
Episode 2: "Angel Pet Haru"

Alamin ang dalawang project components ng Angel Pets at kilalanin ang isa sa ating dedicated PAWS volunteer na si Barkada Ann at si Angel Pet Haru โค๏ธ๐Ÿถ

Sa kanyang patuloy na pagvo-volunteer sa Angel Pets, ibinahagi ni Barkada Ann kung ano ang nagbibigay sa kanya ng motivation upang patuloy na makibahagi sa programa:

โ€œUmpisa, hindi sila nag-i-smile, 'di sila nag-i-interact. Pero after several sessions, makikita mo na may eye contact na, may response na, o nagkukuwento na sila.. nakakagaan ng loob kaya kami balik nang balik.โ€

Panoorin ang Episode 2 ng BARKada Highlights at mas kilalanin ang mga tao at Angel Pets na patuloy na nagbibigay ng PAWsitive change sa bawat Alaga session ๐Ÿพโœจ




02/09/2026

Sa bisa ng Proclamation No. 675, ipinagdiriwang tuwing buwan ng Setyembre ang National Peace Consciousness Month. Ito ay...
01/09/2026

Sa bisa ng Proclamation No. 675, ipinagdiriwang tuwing buwan ng Setyembre ang National Peace Consciousness Month. Ito ay naglalayong pagtibayin ang kapayapaan at kaunlaran sa bansa, tulad ng hakbang ng DSWD PEACE Project para sa mga Children Involved in Armed Conflict (CIAC).

Kaisa ang Social Technology Bureau sa pagdiriwang ng kapayapaan, malasakit at whole-of-government na pagkilos upang mailayo ang ating mga kabataan sa anumang karahasan dulot ng digmaan at armadong tunggalian.




Address

Department Of Social Welfare And Development Central Office, Constitution Hills
Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Social Technology Bureau posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share