02/06/2026
"Patuloy po tayong lumaban sa mga hamon ng buhay. Unang-una, nandiyan si God. Pangalawa, marami pong ahensya ng gobyerno na handang tumulong. Kagaya ko po na dumating sa puntong wala na talagang malapitan at hindi alam kung saan kukuha ng pang-chemotherapy sessions ko. Sa tulong ng gobyerno, lalo na ng DSWD, nagkaroon po ako ng lakas ng loob na magpatuloy at lumaban para malampasan ang pagsubok na ito.β
Ito ang naging taos-pusong mensahe ni Gng. Remelita βNanay Letletβ Tibay nang tanungin siya ni Director Wenz Morata sa programang πΆππ-ππ-πΎπππ, na ipinalabas sa page ng DSWD Crisis Intervention Program noong 29 Mayo 2026 ng: βπ¨ππ ππ πππ πππππππππ πππππ ππ πππ ππππ πππ πππ
ππππ
πππ ππ πππππππππ ππ πππππ ππ ππππππ?β
Patunay si Nanay Letlet na sa gitna ng mabibigat na pagsubok, may pag-asa at may mga institusyong handang umagapay. Sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), patuloy na nagbibigay ang DSWD ng suporta sa mga indibidwal na may mga chronic disease tulad ng kanser na nangangailangan ng pangmatagalang gamutan at iba pang medikal na pangangailangan.
Para sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan ng tulong pinansyal dulot ng karamdaman, maaaring magproseso ng kinakailangang assistance sa mga tanggapan ng DSWD Crisis Intervention Unit/Section (CIU/S), Satellite o SWAD Office sa inyong lugar o rehiyon. Bisitahin ang aming website para sa listahan ng mga opisina: https://tinyurl.com/2m75fsf4
β€οΈ