16/03/2026
Maligayang Ika-125 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lalawigan ng Romblon at ang Ika-81 Taong Anibersaryo ng Pagkalaya nito. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa, katatagan, at pagmamahal sa ating mahal na lalawigan.
Mabuhay ang Romblon!
Buong pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang Ika-125 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lalawigan ng Romblon ngayong araw, 16 Marso 2026, at ang Ika-81 Taong Anibersaryo ng Pagkalaya ng Romblon sa 18 Marso 2026.
Ang mga makasaysayang pagdiriwang na ito ay nagpapaalala sa atin ng tibay, pagkakaisa, at katatagan ng mga Romblomanon. Ang pagkakatatag ng ating Lalawigan hanggang sa paglaya mula sa dilim ng digmaan ang mananatiling tanglaw ng tapang at pag-unlad ng Romblon.
Labing anim na taon na ang lumipas mula nang ang House Bill 2160 na iniakda ni Cong. Budoy ay nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 11 Hunyo 2009 bilang Republic Act 9642. Ang batas na eto ang pormal na nagpatibay sa pag gunita ng “Romblon Foundation Day” .
Ngayon, ating pinararangalan hindi lamang ang kasaysayang humubog sa atin kundi pati na rin ang mga henerasyong patuloy na nagtataguyod ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mahal na Lalawigan.
Sa ating paggunita at pagbabalik-tanaw, nawa’y patuloy nating isabuhay ang pamana ng kalayaan, karangalan, at diwa ng pagkakaisa—na siyang tunay na pagkakakilanlan ng Romblon. Sama-sama tayong magpasalamat sa ating nakaraan at magtaguyod ng pag-asa para sa kinabukasan.
Mabuhay ang Probinsya ng Romblon!