16/09/2026
Muling inaanyayahan ang lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan, mga kasapi ng Sangguniang Bayan, Punong Barangay, SK Officials, DepEd personnel, at iba’t ibang sektor ng ating pamayanan, sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Alexander C. Acuzar na makiisa sa International Coastal Cleanup (ICC) Day 2026, na may temang “Clean Seas for Resilient Communities.”
Ang aktibidad ay gaganapin sa Sabado, Setyembre 19, 2026, ganap na alas-4:30 ng madaling-araw, at ang assembly area ay sa Samal Square, Samal, Bataan, bago tumungo sa mga itinalagang coastal areas.
Hinihikayat ang lahat ng kalahok na magsuot ng plain white T-shirt at magdala ng sariling personal protective equipment at cleaning materials tulad ng gloves, face mask, at hand sanitizer. Pinapayuhan din ang lahat na magdala ng sariling tubig at reusable water bottle o tumbler.
Sama-sama nating pangalagaan at panatilihing malinis ang ating mga baybayin at karagatan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pakikiisa, makatutulong tayo sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran at sa pagbuo ng mas ligtas, malusog, at matatag na komunidad.
Makiisa. Makilahok. Para sa malinis na karagatan at mas matatag na Bayan ng Samal!