10/05/2026
MOTHER'S DAY | Sino ang mama mo?
Ako, sabi nila si mama raw ang unang nagmahal sa akin. Si mama ang nagdala sa akin ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan. Siya ang nagtiis sa lahat ng hirap habang ako’y nasa tiyan na makulit, panay sipa, at tila hindi mapakali
Ang galing talaga ni mama. Dahil si mama; kahit pagod siya, patuloy lang. Kahit minsan siya mismo ang nahihirapan, inuuna pa rin niya ang kapakanan ko bago ang sarili niya. Siya ang unang tahanan, unang kakampi, unang g**o, at unang pusong nagmahal sa akin nang walang hinihinging kapalit.
Pero habang lumalaki ako, napagtanto ko…
Hindi ko lang pala kay mama nararanasan ang pagmamahal ng isang ina.
Nandiyan din si tita.
Si tita na kapag wala si mama siya ang nandyan para turuan ako at samahan ako kung saan ko gusto pumunta. Siya rin ang laging nakikinig sa mga kwento ko, kahit minsan paulit-ulit na.
Nandyan din si lola.
Halos siya na ang nagpalaki sa akin. Nagagalit pa nga sya kay mama kapag pinapagalitan ako dahil kapag napapagalitan ako, siya pa ang unang dumedepensa. Tila walang pwedeng manakit sa apo niya.
At siyempre, nandyan din si Ma'am! Siya ang kakampi ko sa eskwelahan. Kapag nahihirapan ako, siya ang unang nagtatanong kung okay lang ba ako. Tuwing may problema ako, sa kanya ako tumatakbo at umiiyak. Siya rin ang nagbibigay payo sa akin paano magpatuloy sa kabila ng lahat.
Doon ko naisip…
Andaming pwedeng maging “nanay” sa buhay natin.
Hindi lang pala ina ang matatawag na nanay.
Minsan, sila yung mga taong hindi tayo isinilang, pero piniling mahalin tayo.
Kaya kung tatanungin mo ako, “Sino ang mama mo?”
Masaya akong sasagot ng;
Maswerte ako, dahil hindi lang isa ang mama ko.
Dahil sa bawat babaeng tumayong ilaw sa pinakamadilim kong araw, sa bawat yakap na nagpatahan sa akin, at sa bawat pusong piniling mahalin ako..
Natagpuan ko ang pagmamahal ng isang ina sa iba’t ibang anyo, sa iba’t ibang tao.
Ikaw, sino ang mama mo?
______
Ngayong ika-10 ng Mayo, ating ginugunita ang Araw ng mga Ina upang bigyang pasasalamat ang ating mga nanay sa kanilang pagmamahal, suporta at sakripisyo na naibigay sa atin.
Isang espesyal na araw upang kilalanin, parangalan, at pasalamatan ang lahat ng mga nanay na walang sawang nagmamahal, nagsasakripisyo, at lumalaban para sa kanilang mga anak.
At gaano man tayo kalaki o katanda, mananatili tayong anak na may isang mama, mommy, nanay na maituturing na unang tahanan, unang g**o, at unang pusong nagmahal sa atin.
Happy Mother's Day to all Mothers and Mothers by Heart! 🩷
Sa panulat ni: Erha Joyce S. G*tchalian | SSLG Vice President
Sa disenyo nina: Jezreel G. Gumabon | SSLG President at Charise L. G*tus | SSLG G11 Chairwoman