21/08/2026
Tuwing ika-21 ng Agosto, ipinagdiriwang ang Ninoy Aquino Day ๐๏ธ๐๏ธupang sandali tayong huminto at mabigyang-tuon ang buhay, katapangan, at legasiyang iniwan ng yumaong Senador Benigno โNinoyโ Aquino Jr., isang mahalagang personalidad sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ay hindi lamang tungkol sa mga petsa o kaganapan; ito ay pagpapahalaga sa nasyonalismo at sa malalim na kapangyarihan ng paninindigan para sa tama. Ayon nga sa sikat na linya ni Senador Ninoy, โThe Filipino is worth dying for.โ Isang paalala na ang pagmamahal sa bayan ay hindi lamang simpleng paninirahan dito, kundi ang aktibong paglaban para sa katarungan, karapatan, at kapakanan ng bawat isa. ๐ฃ๏ธ๐
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang araw na ito sa pagbuo ng pagkakaisa, kapayapaan, at pag-asa para sa isang mas matagumpay at mapayapang bansa. ๐ต๐ญโจ
***
โ๏ธS.A.Jarquio
๐ผ๏ธD.H.Ramilo