Boses ng Kabataan

Boses ng Kabataan Galing ng Isip, Gawa ng Puso. T E A M C H A R L E S

📣 ABISO SA LAHAT NG MGA MAGULANGHinihikayat po namin ang mga magulang na may mga anak na 6 na buwan hanggang wala pang 5...
15/08/2026

📣 ABISO SA LAHAT NG MGA MAGULANG

Hinihikayat po namin ang mga magulang na may mga anak na 6 na buwan hanggang wala pang 5 taong gulang na pabakunahan ang inyong mga anak laban sa Tigdas (Measles) ngayong August 18, 2026 (Martes), alas-8:00 ng umaga.

📍 Mga Designated Vaccination Areas:
• SaveMore, katabi ng Goto Ave.
• Brgy. Malusak Day Care Center
• Mga Clubhouse ng Garden Villas 3
• Brgy. Health Center – Malusak

💉 Protektahan ang ating mga anak laban sa Tigdas. Sama-sama nating tiyaking sila ay ligtas, malusog, at protektado.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta! ☺️


Congratulations to Engr. Charles Aldrin F. Alibudbud for successfully passing the August 2026 Mechanical Engineering Lic...
13/08/2026

Congratulations to Engr. Charles Aldrin F. Alibudbud for successfully passing the August 2026 Mechanical Engineering Licensure Examination!

From achieving a personal dream to pursuing a greater purpose.

As he continues his journey as an aspiring SK Chairman, may he bring the same drive and commitment not only to his profession, but also to the young people he hopes to serve.

Galing ng Isip, Gawa ng Puso. 🧠❤️

Congratulations, Engr. Charles! May your achievement inspire more young people to dream, persevere, and pursue their goals. 🎓⚙️

All glory and thanks to God for this answered prayer and well-deserved blessing. 🙏

✨ International Youth Day ✨Sa bawat kabataang may pangarap, malasakit, at tapang na kumilos nasa inyo ang kapangyarihang...
12/08/2026

✨ International Youth Day ✨

Sa bawat kabataang may pangarap, malasakit, at tapang na kumilos nasa inyo ang kapangyarihang maging simula ng pagbabago. Huwag matakot mangarap, magsimula, at maging boses para sa mas magandang bukas.

Mula sa Team Charles, sama-sama nating palakasin ang isa’t isa at gawing inspirasyon ang ating mga pangarap para sa komunidad. Dahil ang pagbabago ay hindi kailangang magsimula sa iba maaari itong magsimula sa YOU.

Empowering Today’s Youth, Inspiring Tomorrow’s Leaders. 🚀✨

Mabuhay ang kabataan! Be the change. Be the YOUth.


10/08/2026

KABATAAN PARA SA KABATAAN NG MALUSAK
Makilahok. Maglingkod. Magbigay ng Pagbabago.

Bilang SK Chairman Aspirant, si Charles Aldrin Alibudbud ay naglalayong bumuo ng isang SK na nakikinig, kumikilos, at tunay na naglilingkod para sa kabataan ng Malusak.

Isusulong natin ang mga programang may konkretong pakinabang sa kabataan mula sa sports at wellness, edukasyon at skills development, youth leadership, livelihood opportunities, disaster preparedness, environmental activities, mental wellness, at community volunteerism.

Layunin nating magkaroon ng isang aktibo, inklusibo, transparent, at makabuluhang SK, kung saan ang bawat kabataan ay may boses, may pagkakataong makilahok, at may puwang na maglingkod.

Hindi lamang pangako dahil ito ay galing ng isip at gawa ng puso.

CHARLES ALDRIN ALIBUDBUD
SK Chairman Aspirant

Kabataan ng Malusak, Para sa Kabataan ng Malusak!

09/08/2026

KABATAAN PARA SA AKTIBONG MAMAYANAN

Makilahok. Maglingkod. Magbigay ng Pagbabago.

Kasama si Peter Francisco at ang buong Team Charles – Boses ng Kabataan, isusulong natin ang mga programang magpapalakas ng aktibong pakikilahok ng kabataan sa komunidad sa pamamagitan ng volunteerism, leadership development, civic education, disaster preparedness, at mga proyektong maghuhubog ng responsable, makatao, at handang maglingkod na kabataan.

Kay Peter, Kabataang Better!


08/08/2026

KABATAAN PARA SA KALIKASAN

Luntian. Malinis. Sama-sama.

Kasama si LJ Padua at ang buong Team Charles – Boses ng Kabataan, isusulong natin ang mga programang magtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng tree planting, clean-up drives, tamang pamamahala ng basura, at iba pang environmental initiatives para sa mas malinis, mas luntian, at mas ligtas na Barangay Malusak.

Kay LJ, Green ang Way!


07/08/2026

KABATAAN PARA SA PALAKASAN

Aktibo. Malusog. Panalo.

Kasama si Mark Fajardo at ang buong Team Charles – Boses ng Kabataan, isusulong natin ang mga programang magpapalawak ng oportunidad sa iba't ibang larangan ng palakasan sa pamamagitan ng mga sports clinic, liga, palaro, at iba pang aktibidad na huhubog sa disiplina, teamwork, at talento ng bawat kabataan.

Kay Mark, Bawat Galaw May Sigaw!


06/08/2026

KABATAAN PARA SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT INKLUSYON

Pantay na Oportunidad. Lahat Kasama. Walang Maiiwan.

Kasama si Kent Raborar at ang buong Team Charles- Boses ng Kabataan, isusulong natin ang mga programang nagtataguyod ng social inclusion, equity, at pantay na oportunidad para sa bawat kabataan. Isang komunidad na may respeto, pagkakaisa, at lugar para sa lahat anuman ang kanilang pinagmulan, kakayahan, o katayuan sa buhay.

Kay Kent, Lahat Present!


05/08/2026

KABATAAN PARA SA EDUKASYON

Karunungan. Oportunidad. Kinabukasan.

Kasama si Julian Karl "JK" Legaspi at ang buong Team Charles-Boses ng Kabataan, isusulong natin ang mga programang magpapalawak ng oportunidad sa edukasyon sa pamamagitan ng learning support, skills development, scholarships, at iba pang proyektong makatutulong sa bawat kabataan na maabot ang kanilang mga pangarap.

Kay JK, Edukasyon Okay!


04/08/2026

KABATAAN PARA SA KALUSUGAN
Sigla. Serbisyo. Suporta.

Kasama si AA "ZOZI" QUIÑONES at ang buong Team Charles-Boses ng Kabataan, isinusulong ang mga programang magbibigay priyoridad sa kalusugan ng bawat kabataan mula sa physical wellness, mental health, at mas malinis at ligtas na komunidad.

Happy ka. Healthy ka. Kay Zozi ka!


Address

Barangay Malusak
Santa Rosa
4026

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Boses ng Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share