DA - SCRC ANNEX

DA - SCRC ANNEX Cagayan Breeding Station

๐Œ๐€๐˜๐Ž ๐ŸŽ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐๐€๐†๐†๐€๐–๐€Ngayong Araw ng Paggawa, binibigyang-pugay natin ang lahat ng manggagawang Pilipino na pa...
01/05/2026

๐Œ๐€๐˜๐Ž ๐ŸŽ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐๐€๐†๐†๐€๐–๐€

Ngayong Araw ng Paggawa, binibigyang-pugay natin ang lahat ng manggagawang Pilipino na patuloy na nagsisikap para sa kaunlaran ng ating bansa. Sa bawat sektor, ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ang nagsisilbing pundasyon ng ating pag-unlad.
Sa araw na ito, higit nating kinikilala ang ating mga magsasakaโ€”ang tunay na haligi ng seguridad sa pagkain. Sa ilalim ng init ng araw at hirap ng paggawa, kayo ang nagsisig**o na may pagkain sa bawat hapag ng pamilyang Pilipino.

Ipinagmamalaki ng DA SCRC Annex ang ating mga magsasakaโ€”ang haligi ng ating agrikultura. Ang inyong ambag ay mahalaga at patuloy na nagbibigay daan tungo sa mas matatag at masaganang kinabukasan. ๐ŸŒพ๐Ÿ’š

Maraming salamat sa inyong tapat at walang kapantay na paglilingkod. Maligayang Araw ng Paggawa!







LIBRENG TOLL FEE PARA SA AGRI-TRUCKS ๐Ÿš›๐ŸŒพSimula Abril 20, libre na ang toll fee para sa mga truck na nagdadala ng produkto...
23/04/2026

LIBRENG TOLL FEE PARA SA AGRI-TRUCKS ๐Ÿš›๐ŸŒพ

Simula Abril 20, libre na ang toll fee para sa mga truck na nagdadala ng produktong agrikulturalโ€”isang hakbang upang mabawasan ang gastos at mapanatiling tuloy-tuloy ang daloy ng pagkain.

Siguruhing accredited sa DA ang inyong mga truck upang makasama sa programa.

Sa gitna ng patuloy na krisis sa enerhiya at tumataas na gastos sa transportasyon, pinapagaan nito ang kasalukuyang hamon sa sektor ng agrikultura.

To our dedicated and inspiring, Sir Joshuaโ€”Happy Birthday! ๐ŸŽ‰Maraming salamat sa iyong matatag na pamumuno, dedikasyon, a...
16/04/2026

To our dedicated and inspiring, Sir Joshuaโ€”Happy Birthday! ๐ŸŽ‰

Maraming salamat sa iyong matatag na pamumuno, dedikasyon, at patuloy na paggabay sa ating mga programa at proyekto. Dahil sa iyong liderato, mas nagiging makabuluhan at matagumpay ang ating paglilingkod sa sektor ng agrikultura. Nawaโ€™y patuloy kang pagpalain ng lakas, karunungan, at higit pang tagumpay sa iyong mga adhikain.

From your DA SCRC Annex Family,

๐˜ž๐˜ฆ ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ธ๐˜ข๐˜บ๐˜ด! ๐ŸŽ‚โœจ







31/03/2026

Sa espesyal na araw, taos-puso po naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at mahusay na pamumuno. Nawaโ€™y maging makulay, masaya, at puno ng tagumpay ang darating na taon ng inyong buhay, at patuloy kayong pagpalain ng kalusugan, karunungan, at inspirasyon.

Nawaโ€™y patuloy ninyong madama ang pagmamahal, suporta, at paghanga mula sa mga taong nakapaligid sa inyo. Sa bawat hakbang na inyong tinatahak, nawaโ€™y magpatuloy kayong maging ilaw at gabay sa marami, at ang bawat araw ng inyong buhay ay maging puno ng kasiyahan, tagumpay, at inspirasyon.

MALIGAYANG KAARAWAN, DOC. BRYAN SIBAYAN!
Mula sa iyong SCRC Family

๐™ˆ๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™–๐™ ๐™—๐™–๐™ฃ๐™œ, ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ก: ๐™†๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ˆ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™œ๐™ง๐™ž๐™ ๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™–Kabuuang 200 mag-aaral mula pre-elementary hanggang Grad...
31/03/2026

๐™ˆ๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™–๐™ ๐™—๐™–๐™ฃ๐™œ, ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ก: ๐™†๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ˆ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™œ๐™ง๐™ž๐™ ๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™–

Kabuuang 200 mag-aaral mula pre-elementary hanggang Grade 6 ng My First Step Whole Child Development Center, San Gabriel, Tuguegarao City, kasama ang kanilang mga g**o at magulang, ang nakinabang sa makabuluhan at kapaki-pakinabang na Farm Tour at Immersion Activity na isinagawa ng DAโ€“Southern Cagayan Research Center (SCRC) Annex noong Pebrero 19โ€“20 at Marso 27, 2026.

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan kay Ms. Melisande J. Liquigan, punong-g**o ng My First Step Whole Child Development Center. Sa isinagawang farm immersion, naranasan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

โ€ข Demonstration ng pagpapakain at pangongolekta ng itlog ng DADOS Chicken
โ€ข Hands-on na pagtatanim ng upo (bottle gourd) at ube
โ€ข Pagbisita at maikling talakayan ukol sa cattle production
โ€ข Pagtingin at pagpapakain sa mga kambing

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, mas naunawaan ng mga bata ang kahalagahan ng agrikultura bilang pinanggagalingan ng ating pagkain at bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay. Mas napalalim din nito ang kanilang pagpapahalaga sa kalikasan at responsableng pangangalaga sa hayop.

๐˜š๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ, ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏโ€”๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข๐™จ๐™–๐™ฃ ๐˜ฏ๐™œ ๐˜ข๐™œ๐™ง๐™ž๐™ ๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™–.

Istorya ni: Ms. Chlaryssa Grace G. Vergara
Kuhang litrato nina: Mr. John Paul B. Malicdem, Mr. Emjay B. Libunao, at Mr. Joshua L. Mabborang







๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐Š๐๐€๐˜-๐€๐‘๐€๐‹ ๐’๐€ ๐ƒ๐€-๐’๐‚๐‘๐‚ ๐€๐๐๐„๐— ๐ŸMatagumpay na isinagawa ang Field Tour sa DAโ€“Southern Cagayan Research Cent...
27/03/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐Š๐๐€๐˜-๐€๐‘๐€๐‹ ๐’๐€ ๐ƒ๐€-๐’๐‚๐‘๐‚ ๐€๐๐๐„๐— ๐Ÿ

Matagumpay na isinagawa ang Field Tour sa DAโ€“Southern Cagayan Research Center Annex noong ika-12 ng Marso 2026, bilang bahagi ng Farmers Livestock School (FLS) โ€“ Goat Enterprise Management para sa 25 individual goat raisers mula sa limang (5) barangay ng Enrile, Cagayan -- Divisoria, Lemu, Inga, Maracuru, Batu, at Magalalag.

Layunin ng aktibidad na ito na maipakita sa mga kalahok ang aktuwal na mga teknolohiya at tamang pamamaraan sa pamamahala ng kambingโ€”mula sa wastong pagpapakain, pagpaparami, hanggang sa forage production and managementโ€”na kanilang magagamit sa kani-kanilang sakahan.

Bilang dagdag suporta, ang mga kalahok ay nakatanggap din ng mga forage and fodder trees planting materials tulad ng Mulberry, Madre de Agua, Mani- mani, Napier grass at iba pa bilang suporta sa pagkakasakatuparan ng kanilang forage production at mapanatili ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng pakain para sa kanilang mga alagang kambing.

Ang nasabing field tour ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Provincial Veterinary Office sa pangunguna nina Ms. Maricel Verbo, Provincial Coordinator ng FLS, at Ms. Vilma B. Alupani, kasama ang mga kinatawan mula sa LGU Enrile na sina Mr. Pablo Bunagan at Dr. Eunice Anne Tungcul.

Ang Farmers Livestock School (FLS) ay isang anim (6) na buwang season-long training na naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa wastong pag-aalaga ng kambing, tungo sa mas mataas na produksyon at mas matatag na kabuhayan.

๐˜”๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏโ€”๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜Š๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ!

Istorya ni: Ms. Chlaryssa Grace G. Vergara
Kuhang litrato ni: Mr. Joshua L. Mabborang

# # #








๐™‹๐™–๐™œ-๐™–๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™œ๐™ง๐™ž๐™ ๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™–: ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™†๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™—๐™ค๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™†๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃMatagumpay na isinagawa ng Department of Agricultu...
25/03/2026

๐™‹๐™–๐™œ-๐™–๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™œ๐™ง๐™ž๐™ ๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™–: ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™†๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™—๐™ค๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™†๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ

Matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture โ€“ Southern Cagayan Research Center (DA-SCRC) Annex ang pagtatapos ng kabuuang isang daan at labing-apat (114) na mag-aaral ng Senior Highschool mula sa tatlong (3) paaralan na lumahok sa Work Immersion Program.

Kabilang dito ang tatlumpung (30) mag-aaral mula sa Sampaguita National High School na nakatapos ng 240 oras ng work immersion, gayundin ang limampuโ€™t dalawa (52) mula sa San Vicente Institute - Solana at tatlumpuโ€™t dalawa (32) mula sa Andarayan National High School na kapwa nakatapos ng 80 oras ng work immersion.

Sa kanilang pananatili sa DA-SCRC Annex, ang mga mag-aaral ay nabigyan ng kaalaman at praktikal na karanasan sa ibaโ€™t ibang banner programs at research for development (R4D) initiatives, kabilang ang Livestock Goat Production, DADOS Chicken Production, Biotechnology (Semen Collection and Processing), Organic Agriculture, High-Value Crops, Rice, at Corn Production.

Layunin ng programang ito na palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataan sa larangan ng agrikultura at ihanda sila bilang mga susunod na katuwang sa pagpapaunlad ng sektor.

Patuloy na pinagtitibay ng DA-SCRC Annex ang pakikipagtulungan sa mga institusyong pang-edukasyon upang malinang ang kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga ng kabataan sa agrikulturaโ€”bilang susi sa paghubog ng susunod na henerasyon ng mga magsasaka at tagapagtaguyod ng kaunlaran.

Istorya ni: Ms. Chlaryssa Grace G. Vergara
Kuhang Litrato ni: Mr. John Paul B. Malicdem at Mr. Emjay B. Libunao
# # #







๐˜ผ๐™ ๐™ฉ๐™ฌ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐˜ฟ๐™š๐™ข๐™ค๐™ฃ๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™™๐™จ-๐™ค๐™ฃ ๐™๐™ง๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™– ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™œ๐™š ๐™ˆ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œMatagumpay na isinagawa noong Marso 17, 2026 sa Iraga Brgy....
24/03/2026

๐˜ผ๐™ ๐™ฉ๐™ฌ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐˜ฟ๐™š๐™ข๐™ค๐™ฃ๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™™๐™จ-๐™ค๐™ฃ ๐™๐™ง๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™– ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™–๐™œ๐™š ๐™ˆ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ

Matagumpay na isinagawa noong Marso 17, 2026 sa Iraga Brgy. Hall, Iraga, Solana, Cagayan ang actual demonstration at hands-on training sa silage making para sa mga magsasaka ng Solana, sa pangunguna ng Southern Cagayan Research Center โ€“ Annex (SCRC Annex) katuwang ang Municipal Agriculture Office ng Solana.

Bilang tugon sa pinsalang dulot ng tagtuyot na nakaapekto sa humigit-kumulang 3,445 ektarya ng maisan at 2,527 magsasaka sa bayan ng Solana, isinagawa ang aktibidad upang mabigyan ng agarang teknikal na gabay ang mga apektadong magsasaka.

Sa aktibidad, aktwal na isinagawa ng mga kalahok ang bawat hakbang sa silage makingโ€”mula sa pagproseso ng mga naapektuhang mais, tamang pag-compact, hanggang sa maayos na pag-iimbakโ€”upang masig**o ang de-kalidad at masustansyang pakain sa mga alagang hayop.

Ipinakita rin sa mga magsasaka kung paano gawing oportunidad ang krisis sa agrikultura sa pamamagitan ng silage productionโ€”hindi lamang bilang alternatibong pakain, kundi bilang isang potensyal na mapagkakakitaang agribusiness.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at mga ahensya ng agrikultura, patuloy nating pinapalakas ang kakayahan ng ating mga magsasaka upang maging mas matatag at resiliente sa harap ng mga hamon sa sektor ng agrikultura.

Sa tamang kaalaman at teknolohiya, ang bawat hamon ay nagiging pagkakataonโ€”tungo sa mas matatag, masagana, at sustenableng agrikultura. ๐ŸŒพ

Ulat at kuhang litrato ni: Ms. Chlaryssa Grace G. Vergara

# # # #







Mula sa Tagtuyot, Ginawang Oportunidad!Nagsagawa ng  pagsasanay sa Silage Preparation, Silage Making, at Market Linkagin...
13/03/2026

Mula sa Tagtuyot, Ginawang Oportunidad!

Nagsagawa ng pagsasanay sa Silage Preparation, Silage Making, at Market Linkaging para sa mga magsasaka ng Solana, Cagayan ang Southern Cagayan Research Center โ€“ Annex (SCRC Annex) katuwang ang Municipal Agriculture Office ng Solana.

Isinagawa ang aktibidad na ito bilang tugon sa matinding tagtuyot na nakaapekto sa produksyon ng mais sa nasabing bayan. Sa halip na masayang ang mga mais na naapektuhan ng tagtuyot, ipinakilala sa mga magsasaka ang pagpoproseso ng mga ito bilang silage, na maaaring gawing masustansyang alternatibong pakain sa mga alagang hayop at sabay na magbukas ng oportunidad para sa karagdagang kita sa pamamagitan ng silage enterprise.

Nagsimula ang aktibidad sa isang paunang talakayan at orientation upang ipaliwanag ang kahalagahan at mga benepisyo ng paggawa ng silage, lalo na sa panahon ng mga hamon dulot ng pagbabago ng klima at kakulangan sa ani. Kasunod nito, magkakaroon ng hands-on training sa darating na Martes (March 17, 2026), kung saan aktwal na ituturo at ipapakita ang tamang proseso ng paghahanda at paggawa ng silage, upang masig**o na magagamit ito ng mga magsasaka sa kanilang sariling komunidad.

Dumalo rin sa aktibidad ang DA Marketing Division upang maiugnay ang mga magsasaka sa mga potensyal na mamimili at merkado, na magbibigay ng oportunidad upang maging isang kapaki-pakinabang na agribusiness ang produksyon ng silage.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagbabahagi ng kaalaman, at pagpapalakas sa kakayahan ng mga magsasaka, patuloy nating ginagawang oportunidad ang mga hamon sa agrikultura tungo sa mas matatag at sustenableng kabuhayan ng ating mga komunidad ng magsasaka.



๐‚๐Ž๐๐†๐‘๐€๐“๐”๐‹๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’!The Southern Cagayan Research Center Annex proudly congratulates ๐— ๐—ฟ. ๐—๐—ผ๐˜€๐—ต๐˜‚๐—ฎ ๐—›. ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป, newly appointe...
09/03/2026

๐‚๐Ž๐๐†๐‘๐€๐“๐”๐‹๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’!

The Southern Cagayan Research Center Annex proudly congratulates ๐— ๐—ฟ. ๐—๐—ผ๐˜€๐—ต๐˜‚๐—ฎ ๐—›. ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป, newly appointed ๐—ฆ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐—”๐—ป๐—ฎ๐—น๐˜†๐˜€๐˜, and SCRC Manager ๐——๐—ฟ. ๐—•๐—ฟ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ฆ. ๐—ฆ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, on his promotion as ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—–๐—ต๐—ถ๐—ฒ๐—ณ ๐—œ๐—œ๐—œ, following the ๐—ข๐—ฎ๐˜๐—ต-๐—ง๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—ก๐—ฒ๐˜„๐—น๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—บ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—”๐—ฝ๐—ฝ๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—˜๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ฒ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐——๐—” ๐—ฅ๐—™๐—ข ๐Ÿฌ๐Ÿฎ held on ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ at the ๐—ฅ๐—˜๐——'๐˜€ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—›๐—ฎ๐—น๐—น, ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—น, ๐—ง๐˜‚๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ผ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—–๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.

Your dedication, hard work, and commitment to agricultural research and development continue to bring pride to the SCRC community. We celebrate this well-deserved achievement and wish you continued success in serving our farmers and advancing the agriculture sector.

๐˜ ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ ๐˜š๐˜Š๐˜™๐˜Š ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜น ๐˜ง๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜บ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฅ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ!






Sa pagdiriwang ng Womenโ€™s Day, nagpakita ng lakas, pagkakaisa, at malasakit sa agrikultura ang mga kababaihan ng JUANA n...
06/03/2026

Sa pagdiriwang ng Womenโ€™s Day, nagpakita ng lakas, pagkakaisa, at malasakit sa agrikultura ang mga kababaihan ng JUANA ng Southern Cagayan Research Center sa isinagawang Simultaneous Ubi Planting noong March 4, 2026.

Pinangunahan ni Dr. Bryan S. Sibayan, Center Manager, kasama si Engr. Jovy T. Chua, APCO Cagayan, ang makabuluhang aktibidad na naglalayong palaganapin ang pagtatanim ng ubi at maparami ang quality planting materials nito sa rehiyon.

Bago tuluyang magtanim, pinasigla muna ng mga Juana mula sa Main at Annex ang umaga sa isang masiglang Zumba, patunay na ang malusog na pangangatawan at sama-samang pagkilos ay mahalagang bahagi ng matagumpay na agrikultura.

Matapos ang sayaw, sabay-sabay na nagtungo ang mga kalahok sa production site ng center upang magtanim ng ubiโ€”isang simbolo ng pag-asa, kasipagan, at kontribusyon ng kababaihan sa pagpapaunlad ng agrikultura. Ang bawat tanim ay kumakatawan sa adhikaing palakasin ang produksyon ng ubi at suportahan ang mga magsasaka sa rehiyon sa pamamagitan ng sapat at de-kalidad na planting materials.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinatunayan ng JUANA ng SCRC na ang kababaihan ay hindi lamang katuwang sa tahanan kundi mga lider at tagapagtaguyod ng makabagong agrikultura. Sama-sama silang nagtatanim hindi lamang ng ubi, kundi ng pag-asa, kaunlaran, at mas matatag na kinabukasan para sa sektor ng agrikultura.








24/02/2026

๐”๐ฅ๐š๐ญ-๐๐š๐ฅ๐š๐ฒ || ๐๐š๐ง๐จ๐จ๐ซ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐“๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ๐š ๐ง๐ข ๐Œ๐ซ. ๐‘๐จ๐ ๐ž๐ฅ๐ข๐จ ๐‘๐š๐ฆ๐จ๐ง๐ž๐ฌ, ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐š, ๐ˆ๐ฌ๐š๐›๐ž๐ฅ๐š ๐ง๐š ๐ง๐š๐ค๐š๐ฉ๐š๐ ๐›๐ž๐ง๐ญ๐š ๐ง๐  ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ“.๐Ÿ๐ŸŽ ๐ค๐š๐๐š ๐ค๐ข๐ฅ๐จ.

Secretary Francisco "Kiko" Tiu Laurel Jr.
Undersecretary AS Chris Morales

#๐ƒ๐€๐ƒ๐Ž๐’๐€๐˜๐Ž๐’
#๐ฆ๐š๐ฌ๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ง๐ ๐š๐ ๐ซ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ซ๐š๐ฌ๐š๐œ๐š๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐ฏ๐š๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ
#๐ฆ๐š๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐๐ง๐š๐ž๐ค๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ข๐ฒ๐š๐ฉ๐š๐ซ๐š๐ฌ๐š๐œ๐š๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐ฏ๐š๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ
#๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐‘๐ž๐ก๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐ƒ๐จ๐ฌ

Address

Maguirig
Solana
3503

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA - SCRC ANNEX posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share