03/08/2026
Sa opisyal na pagbubukas ng Buwan ng Wika 2026, sama-sama nating ipinagdiriwang ang yaman ng ating wikang Filipino bilang puso ng ating kultura, pagkakakilanlan, at pagkakaisa.
Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” muling pinatunayan ng Sta. Ines Senior High School ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino kasabay ng makabagong teknolohiya sa paglinang ng kaalaman at paghubog ng mga responsableng mamamayan.
Inilunsad din ang iba’t ibang gawaing magbibigay pagkakataon sa ating mga mag-aaral na maipakita ang kanilang husay at pagmamahal sa ating sariling wika, kabilang ang “Tanong Ko, Sagutin Mo!”, Poster Making Contest, Tagisan ng Talino, Balagtasan, Pagsulat ng Sanaysay, Bayanihan Dance Competition, at Buwan ng Wika Costume Contest.
Nawa’y maging makabuluhan at matagumpay ang ating pagdiriwang sa buong buwan ng Agosto. Mabuhay ang wikang Filipino!