02/06/2026
PABATID:
Patungkol ho sa Educational Assistance ang Liga ng mga Barangay sa bayan ho ng TANZA ay magkakaroon ng meeting ngayong paparating na Miyerkules, pagkatapos ho ng meeting dito ho magaabiso ang ating kapitan kap: GERRY A. SOLIS patungkol sa mapag uusapan.
Patungkol naman sa palistahan ayon kay GERRY A. SOLIS dahil ang mandato ay lahat ng Daycare upto Grade 10 Students Public or Private School ay dapat kasali, marapat ito ho ay kukunin sa mismong Masterlist ng DepEd/SCHOOLS upang masiguro na walang malalagpasan o upang masiguro na lahat ay makikinabang at walang sistemang palakasan.
Notes: Huwag muna ho tayong maniwala kung may mga unang nagpapalista at hintayin ang ating official update sa page o ang ating public address regarding po dito. Yun lamang po. Maraming salamat po.