SK Pulo

SK Pulo The Official page of Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pulo, Valenzuela City 2023-2025.

Happy Birthday, SK Treasurer Gabriel Angelo Caracas! ๐ŸŽ‰๐ŸฅณWishing you a day filled with happiness, good health, and countle...
19/07/2026

Happy Birthday, SK Treasurer Gabriel Angelo Caracas! ๐ŸŽ‰๐Ÿฅณ

Wishing you a day filled with happiness, good health, and countless blessings. Thank you for your dedication and commitment in serving the youth and the community of Barangay Pulo. May God continue to guide you and grant you more success in all your endeavors.
Have a wonderful celebration.

Greetings from your SK Pulo Family

๐๐š๐ฌ๐ค๐ž๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐‰๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ซ & ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐…๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ฌ 2026 | ๐’๐Š ๐๐ฎ๐ฅ๐จ ๐Ÿ†๐Ÿ€Isang gabi ng matitinding bakbakan, matitinding depensa, at ...
06/07/2026

๐๐š๐ฌ๐ค๐ž๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐‰๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ซ & ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐…๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ฌ 2026 | ๐’๐Š ๐๐ฎ๐ฅ๐จ ๐Ÿ†๐Ÿ€

Isang gabi ng matitinding bakbakan, matitinding depensa, at walang sawang suporta mula sa ating komunidad! Last June 13, 2026, 7:00 PM sa 3S Pulo Court, opisyal nang natunghayan ang Basketball Junior at Senior Division Finals, kung saan ibinuhos ng bawat koponan ang kanilang husay at determinasyon para sa inaasam na kampeonato.

Unang naglaban ang Senior Division: Laundries vs Batang Kenneth. Hindi nagpahuli sa aksyon ang dalawang koponan, ngunit sa pagtatapos ng laban, Batang Kenneth ang naghari sa court at itinanghal na Senior Division Champions!

Nagbigay rin ng matinding laban ang Junior Division: Unli Gin 2.0 vs Chupo, ngunit Chupo ang nanaig at opisyal na kinoronahang Junior Division Champions!

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga koponan, manlalaro, coaches, at mga tagasuporta na naging bahagi ng matagumpay na Basketball Tournament 2026. Patuloy nating suportahan ang mga programang nagpapalakas ng sportsmanship, disiplina, at pagkakaisa ng Kabataang Pulo.

Champions were crowned. Memories were made. See you on the next tournament! ๐Ÿ’™




๐Œ๐ž๐ง'๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐ง'๐ฌ ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐…๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ฌ & ๐๐š๐ฌ๐ค๐ž๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐Š๐ข๐๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ | ๐’๐Š ๐๐ฎ๐ฅ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ€Matagumpay na is...
06/07/2026

๐Œ๐ž๐ง'๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐ง'๐ฌ ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐…๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ฌ & ๐๐š๐ฌ๐ค๐ž๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐Š๐ข๐๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ | ๐’๐Š ๐๐ฎ๐ฅ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ€

Matagumpay na isinagawa ang Men's at Women's Volleyball Finals noong June 20, 2026, 7:00 PM sa Palasan Old Covered Court, kung saan nagpakitang-gilas ang mga koponan sa kani-kanilang laban para sa kampeonato.

Sa Men's Division, nagharap ang Mamish Upuan at Dominators sa isang kapanapanabik na laban. Sa huli, Mamish Upuan ang itinanghal na kampeon matapos ang kanilang mahusay na pagganap.

Samantala, sa Women's Division, nagtapat ang Laundries at BLK para sa kampeonato. Sa pagtatapos ng laban, Laundries ang nagwagi at nag-uwi ng titulo bilang kampeon.

Kasabay rin ng programa ang Awarding Ceremony para sa Basketball Kids at Senior Division, kung saan kinilala at pinarangalan ang mga kampeon, Most Valuable Players (MVPs), at iba pang tumanggap ng Special Awards bilang pagkilala sa kanilang husay, dedikasyon, at mahusay na pagganap sa torneo.

Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga koponan, manlalaro, coaches, opisyal, at mga tagasuporta na naging bahagi ng matagumpay na pagtatapos ng ating sports tournament. Maraming salamat sa inyong pakikiisa at suporta sa mga programang nagtataguyod ng pagkakaisa, disiplina, at sportsmanship sa ating komunidad.

Mabuhay ang Kabataang Pulo!
Congratulations sa lahat! ๐ŸŽ‰




๐Š๐€๐“๐ˆ๐๐”๐๐€๐ ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐‹ ๐€๐’๐’๐„๐Œ๐๐‹๐˜ 2026 | ๐’๐Š ๐๐”๐‹๐ŽโœจMatagumpay na isinagawa ang SK Pulo KK General Assembly 2026 noong...
06/07/2026

๐Š๐€๐“๐ˆ๐๐”๐๐€๐ ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐‹ ๐€๐’๐’๐„๐Œ๐๐‹๐˜ 2026 | ๐’๐Š ๐๐”๐‹๐Žโœจ

Matagumpay na isinagawa ang SK Pulo KK General Assembly 2026 noong June 21, 2026 (Sunday), 5PM sa 3S Pulo Multi-Purpose Hall.

Sa naturang pagtitipon, ibinahagi ng Sangguniang Kabataan ang mga naging accomplishments at ang mga programa at proyektong nakatakdang isagawa sa mga susunod na buwan, bilang bahagi ng patuloy na paglilingkod para sa kabataang Pulo.

Naging tampok din ang Awarding Ceremony para sa mga koponan at manlalarong nagpakitang-gilas sa SK Pulo Sports League 2026. Kinilala rito ang mga nagwaging koponan sa Basketball (Junior at Midget Division) at Volleyball (Men's at Women's Division). Pinarangalan din ang mga natatanging indibidwal na tumanggap ng mga parangal tulad ng Most Valuable Player (MVP), Mythical Five, Mythical Six, at iba pang special awards, bilang pagkilala sa kanilang husay, sipag, at dedikasyon sa palaro.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay Punong Barangay Benet D.G. San Jose at sa buong Sangguniang Barangay ng Pulo sa kanilang patuloy na suporta sa mga programa at inisyatiba para sa kabataan. Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang na walang sawang gumagabay, sumusuporta, at nagtitiwala sa ating mga kabataan. Ang inyong pagmamahal at suporta ang isa sa mga dahilan ng kanilang tagumpay.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa. Patuloy nating palakasin ang pagkakaisa at sama-samang bumuo ng mas aktibo, responsable, at inspiradong Kabataang Pulo! ๐Ÿ’š




PUSONG KAMPEON, TATAK PULO! ๐Ÿ“Isang malaking pagpupugay kina Farah Germine Elveรฑa at Zoe Ynaki Ramos sa pagkamit ng 3rd P...
06/07/2026

PUSONG KAMPEON, TATAK PULO! ๐Ÿ“

Isang malaking pagpupugay kina Farah Germine Elveรฑa at Zoe Ynaki Ramos sa pagkamit ng 3rd Place sa Valenzuela Olympics Table Tennis Womenโ€™s Doubles nitong July 4, 2026 sa Wes Arena! ๐Ÿ†

Sa bawat hampas ng raketa, pinatunayan ninyo na walang pangarap na masyadong malaki para sa may sipag, disiplina, at determinasyon. Ang inyong tagumpay ay hindi lang medalya, ito ay inspirasyon sa bawat kabataang Pulo na mangarap din at lumaban para sa kanilang mga mithiin.

Salamat sa pagpapakita na ang galing ng Pulo ay pang-Olympics! Saludo ang buong barangay sa inyo! ๐Ÿซก



Suportahan ang PULO Mobile Legends Team sa kanilang laban sa Valenzuela Olympics 2026 ngayong June 28, 2026, alas-8:00 n...
27/06/2026

Suportahan ang PULO Mobile Legends Team sa kanilang laban sa Valenzuela Olympics 2026 ngayong June 28, 2026, alas-8:00 ng umaga sa WES Arena. Tara na at sama-sama nating ipakita ang ating suporta at i-cheer sila tungo sa tagumpay! ๐Ÿ’™



๐Ÿ“ Tuloy ang laban, tuloy ang suporta! Halina at samahan nating palakasin ang Pulo Womenโ€™s Doubles Table Tennis Team sa V...
25/06/2026

๐Ÿ“ Tuloy ang laban, tuloy ang suporta! Halina at samahan nating palakasin ang Pulo Womenโ€™s Doubles Table Tennis Team sa Valenzuela Olympics 2026 sa darating na July 4, 2026, alas-2:00 PM sa WES Arena. Ang bawat sigaw at suporta ay mahalaga sa kanilang pag-abot ng tagumpay!



Pulo Women's Volleyball Team | Valenzuela Olympics 2026 ๐ŸSuportahan at panoorin ang Valenzuela Olympics 2026 Womenโ€™s Vol...
25/06/2026

Pulo Women's Volleyball Team | Valenzuela Olympics 2026 ๐Ÿ

Suportahan at panoorin ang Valenzuela Olympics 2026 Womenโ€™s Volleyball match: Pulo Volleyball Womenโ€™s vs. Wawang Pulo mamayang 8:30 PM, June 26, 2026, sa WES Arena, tara at makisigaw para sa ating mga manlalaro! ๐Ÿ’™




Join us in showing our full support to the Pulo Womenโ€™s Doubles and Womenโ€™s Singles Table Tennis players as they compete...
20/06/2026

Join us in showing our full support to the Pulo Womenโ€™s Doubles and Womenโ€™s Singles Table Tennis players as they compete in the Valenzuela Olympics 2026 today, June 21 at 2:00 PM at WES Arena.

Letโ€™s cheer them on, show our Pulo pride, and wish them the best as they represent our community on the table! ๐Ÿ“





20/06/2026

SK PULO SPORTS LEAGUE 2026
WOMEN'S VOLLEYBALL
FINALS
LAUNDRIESvs BLK

Address

Pulo
Valenzuela
1444

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Pulo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category