Mwo-Owwa Tokyo

アクセス ウェブサイト

Mwo-Owwa Tokyo Mwo-Owwa Tokyo、政府機関、Migrant Workers Office, Embassy of the Republic of the Philippines, Roppongi, 5-15/5、Minato-kuの連絡先、地図と道順、お問い合わせフォーム、営業時間、サービス、評価、写真、動画、お知らせ。

Official page of MWO-OWWA Tokyo, the Tahanan ng OFW in Japan, committed to protecting and promoting the welfare and well-being of Overseas Filipino Workers through Alagang OWWA: Serbisyong may Puso.

2026/11/12
2026/11/12

KUMUHA NA NG INYONG OWWA E-CARD!

Mga kababayan sa Japan, magkita-kita tayo sa Philippine Festival Tokyo 2026!

Muling maghahatid ang OWWA Overseas Workers Welfare Administration Tokyo ng onsite OWWA E-Card issuance para sa ating mga OFWs! Maaari rin kayong magtanong tungkol sa OWWA membership, mga programa, at serbisyong para sa inyo.

📅 28–29 November 2026
📍 Yoyogi Park, Shibuya, Tokyo

Bisitahin ang ating OWWA booth at samantalahin ang pagkakataong makakuha ng inyong OWWA E-Card!

Alagang OWWA, Serbisyong may Puso!

2026/11/11
2026/11/11

News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
10 November 2026

𝗗𝗠𝗪, 𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗶𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗜𝗹𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗥𝗲𝗰𝗿𝘂𝗶𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁; 𝗟𝗮𝗻𝗴𝘂𝗮𝗴𝗲 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮, 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗿𝗮

𝘈𝘯𝘨𝘦𝘭𝘦𝘴 𝘊𝘪𝘵𝘺, 𝘗𝘢𝘮𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢 — Sa patuloy na kampanya ng DMW laban sa illegal recruitment at pag-iwas sa trafficking in persons, ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang language academy at visa assistance provider sa Angeles City matapos matukoy ang umano’y hindi awtorisadong pag-rerekruit ng mga aplikante sa mga trabaho sa ibang bansa.

Ipinasara ng DMW, kasama ang Anti-Money Laundering Council (AMLC), ang Keynes Foreign Language Academy Co. / Keynes International Language & Visa Consultancy / Keynes Travel Agency & Visa Assistance sa bisa ng Closure No. 60, Series of 2026.

Pinangunahan nina DMW Assistant Secretary Jerome A. Alcantara, Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) Director Romelson E. Abbang, at Labor Attaché Eric D. Dollete ang operasyon kasunod ng imbestigasyon sa umano’y recruitment activities ng establisimyento para sa mga trabaho sa Japan, South Korea, at Germany.

Batay sa imbestigasyon ng MWPB, nagpapakilala ang Keynes bilang isang language training at visa assistance provider, ngunit nagsasagawa rin umano ng mga aktibidad na nag-uugnay sa mga aplikante sa mga oportunidad sa trabaho sa ibang bansa. Kabilang umano rito ang pagre-refer sa mga aplikante sa mga sinasabing ka-partner na lisensyadong recruitment agency o foreign employer, pagpapadala ng kanilang résumé sa mga prospective employer, at direktang pakikipag-ugnayan sa mga employer na naghahanap ng manggagawa.

Ayon sa report, kabilang sa mga trabahong iniaalok sa mga aplikante ang factory worker, nurse, at caregiver. Nasa ₱20,000 hanggang ₱30,000 naman ang sinisingil para sa mga language course na naaayon sa bansang nais puntahan ng aplikante.

Mahaharap sa kasong illegal recruitment ang mga corporate officer at empleyadong may kaugnayan sa umano’y ilegal na recruitment activities ng Keynes. Isasama rin sila sa DMW List of Persons and Entities with Derogatory Records.

Ang pagpapasara ay bahagi ng patuloy na pagkilos ng departamento upang protektahan ang mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa laban sa mapanlinlang na alok at pagsasamantala.

Hinihikayat ng DMW ang mga biktima ng Keynes Foreign Language Academy Co. / Keynes International Language & Visa Consultancy / Keynes Travel Agency & Visa Assistance na makipag-ugnayan sa DMW AIRTIP page (https://www.facebook.com/dmwairtip) o sa [email protected] upang mabigyan ng kinakailangang legal assistance.


2026/11/10
2026/11/10

The Philippine Embassy in Japan joins the observance of Deaf Awareness Week (10-16 November 2026), with the theme, “Deaf and Proud: Celebrating Identity, Sign Language, Culture, and Human Rights.”

This observance highlights the importance of promoting greater understanding of Deaf identity, sign language, Deaf culture, and the rights of Deaf persons. Let us continue to foster inclusive communities that recognize, respect, and value the contributions, participation, and unique identities of Deaf individuals.

2026/11/08

🎄✨PASKUHAN SA TOKYO: CHRISTMAS COSTUME CONTEST! 🎅

Ilabas na ang inyong pinaka-bonggang Christmas costume at makisaya sa ating Paskuhan! 🎁❤️

🏆 1st Prize: ¥30,000
🥈 2nd Prize: ¥20,000
🥉 3rd Prize: ¥10,000

📅 6 December 2026 | 10:00 AM
📍Philippine Embassy in Tokyo

Kita-kits, mga kabayan!

2026/11/07

PASKUHAN SA TAHANAN NG MGA PILIPINO SA JAPAN!

Tara na at sama-sama nating ipagdiwang ang saya at diwa ng Paskong Pilipino dito sa Japan!

6 December 2026 (Sunday)
9:00 AM
Philippine Embassy in Tokyo

Isang araw ng kasiyahan, pagkakaisa, at pagbibigayan para sa ating mga kababayang malayo sa kanilang pamilya ngayong Kapaskuhan. Dahil saan man tayo naroroon, mas masaya ang Pasko kapag sama-sama!

住所

〒106-8537
Tokyo Minato-ku
Migrant Workers Office, Embassy Of The Republic Of The Philippines, Roppongi, 5-15/5

営業時間

月曜日 09:00 - 17:00
火曜日 09:00 - 17:00
水曜日 09:00 - 17:00
木曜日 09:00 - 17:00
金曜日 09:00 - 17:00

アラート

Mwo-Owwa Tokyoが新しいニュースやキャンペーンを投稿したら、いち早くメールでお知らせします。メールアドレスが他の目的に使われることはなく、いつでも配信を停止できます。

ショートカット

共有する

カテゴリー