31/08/2026
Sa paggunita ng National Heroes Day 2026, buong pagpupugay nating inaalala ang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga pambansang bayani na nagsilbing inspirasyon sa bawat Pilipino.
Nawa'y magsilbi itong paalala na ang tunay na kabayanihan ay naipapakita hindi lamang sa panahon ng pakikibaka, kundi sa araw-araw na tapat na paglilingkod, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa at sa ating pamayanan.
Mula sa DILG Angat, taus-puso naming binibigyang-pugay ang lahat ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bansa, gayundin ang mga makabagong bayani na patuloy na naglilingkod nang may integridad at dedikasyon.
Pagpupugay sa ating mga Bayani!