29/07/2026
๐๐ข๐๐ก๐ง ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐ข๐ ๐ง๐๐ ๐๐ฃ๐ข๐-๐๐๐๐๐
Sa Third Quarter 2026 Joint Meeting ng City Peace and Order Council (CPOC) at City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) kasama ang ating mga partner agencies, kabilang ang DILG, BCPO, DepEd, City Engineering Office, at iba pang mga tanggapan ng pamahalaan, upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa ating lungsod.
Tinalakay natin sa meeting ang mahahalagang updates, performance reports, statistical data, mga hamon, rekomendasyon, at mga panukalang resolusyon upang higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng ating mga programa. Kabilang sa mga pangunahing usapin ang pagpapalakas ng road safety mechanisms at paggamit ng Geographic Information System (GIS) para sa road safety, kaligtasan ng mga mag-aaral, anti-criminality initiatives, peace and order updates, anti-insurgency at prevention of violent extremism efforts, gayundin ang mga accomplishments at resulta ng performance audits ng iba't ibang ahensya.
Naniniwala po tayo na ang regular na koordinasyon at masusing pagsusuri sa ating mga programa ay mahalaga upang matiyak na ang bawat policy at initiative ay epektibong naipatutupad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng ating mga ahensya, mas mapapalakas natin ang ating mga hakbang tungo sa isang mas ligtas, mas maayos, at mas mapayapang Baguio para sa bawat mamamayan.
๐ธ: MRM