19/06/2026
|June 19, 2026
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng taunang Pistang Bayan ng Bautista, matagumpay na naisagawa ang Medical, Dental, at Optical Mission sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Hon. Rosemarie G. Gacutan, kasama si Vice Mayor Hon. Joren Aaron C. Espino, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, SB Committee on Health Chairperson Hon. Alfredo P. Laguardia, Municipal Health Officer Dr. Geranyl P. Laguardia, LGU-RHU Staff, PNP Bautista, BHW Bautista, at mga boluntaryong doktor at healthcare professionals mula sa iba’t ibang panig ng Probinsya ng Pangasinan.
Ang gawaing ito ay nagbigay ng libreng serbisyong medikal, dental, at optical sa ating mga kababayan, na naglalayong mapabuti ang kanilang kalusugan at kapakanan.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Bautista sa lahat ng mga doktor, dentista, ophthalmologists, medical technologists, radiologic technologists, at iba pang healthcare workers na naglaan ng kanilang oras, kaalaman, at serbisyo upang maging matagumpay ang aktibidad na ito. Ang inyong malasakit at dedikasyon ay tunay na malaking biyaya sa ating komunidad.
Maraming salamat din sa lahat ng mga katuwang, volunteers, at mga mamamayang nakiisa at sumuporta sa programang ito. Ang tagumpay ng programang ito ay patunay ng pagkakaisa at malasakit para sa kalusugan ng bawat Bautistanian.
Sama-sama nating ipinagdiriwang ang isang mas malusog, mas masaya, at mas maunlad na Bayan ng Bautista!