04/10/2026
|| ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ซ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐๐ง๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ (๐๐๐๐๐) ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ซ ๐ณ๐ญ๐ก ๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ๐ฌ ||
Ngayong araw ng Linggo, Oktubre 4, 2026, matagumpay na nagsagawa ang 16th Special Forces โPak Nuntiusโ Company, 4th Special Forces โDolphin Warriorsโ Battalion, Special Forces (Airborne), SOCOM, Philippine Army ng "Community Action for Resilience and Emergency Support (CARES) Training" na ginanap sa Covered Court ng Barangay San Ramon, Bulan, Sorsogon.
Layunin ng nasabing pagsasanay na higit pang palakasin ang kakayahan ng mga pamayanan at mga lokal na opisyal sa pagtugon sa mga sakuna, emerhensiya, at iba pang sitwasyong nangangailangan ng maagap at organisadong aksyon sa antas ng barangay. Kabilang sa inimbitahan bilang technical assistance sa aktibidad ang ilang kinatawan mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bulan sa pangangasiwa ni Mr. John Derick C. Grey, OIC-MDRRMO bilang bahagi ng pagbibigay ng technical assistance at pagbabahagi ng mga mahahalagang kaalaman ukol sa Basic Life Support, Basic Firsts Aid at emergency response protocols at community safety.
Ang partisipasyon ng tanggapan ay isinagawa sa buong suporta ni Hon. Mayor Romeo A. Gordola, Chairperson ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC). Pinangunahan ni LT. Marc Estrada, kasama ang kanyang mga kasamahan mula sa Special Forces, ang serye ng mga lecture, demonstration, at interactive discussions na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga kalahok hinggil sa tamang paghahanda, koordinasyon, at mabilis na pagtugon sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency situations. Dinaluhan ang nasabing pagsasanay ng mga opisyal ng barangay mula sa Barangay San Ramon, Taromata, Gate, Motecalvario, San Isidro, San Rafael, San Francisco at Sta. Teresita na aktibong nakibahagi sa mga diskusyon at practical learning sessions.
Sa kabuuan, naging makabuluhan ang isinagawang CARES Training bilang hakbang sa pagpapatibay ng ugnayan ng militar, lokal na pamahalaan, at mga komunidad upang makabuo ng mas ligtas, handa, at matatag na mga barangay laban sa anumang uri ng sakuna at panganib.
๐๐ก๐จ๐ญ๐จ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ๐๐ฌ๐ฒ ๐จ๐: MDRRMO-Bulan Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office
๐๐๐๐๐ค๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ช ๐ฝ๐น๐ฒ๐ฎ๐๐ฒ ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐ฎ๐ฐ๐ ๐๐ ๐๐ผ ๐ ๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐ข ๐๐๐น๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐๐น๐ถ๐ป๐ฒ:
๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐น๐ถ๐ป๐ฒ ๐ก๐ผ. (๐ฌ๐ฑ๐ฒ) ๐ฎ๐ญ๐ญ-๐ณ๐ฌ๐ฎ๐ด
๐ ๐ผ๐ฏ๐ถ๐น๐ฒ ๐ก๐ผ. ๐ฌ๐ต๐ญ๐ฒ๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ฑ๐ฏ๐ฑ๐ฒ/๐ฌ๐ต๐ฒ๐ญ๐ด๐ฎ๐ฏ๐ฐ๐ญ๐ฏ๐ฎ