27/03/2026
MATAAS ANG PRESYO NG LANGIS KAHIT STOCK PA ANG IBINEBENTA?
Kinuwestyon ni Sen. Loren Lagarda ang ‘di umano'y patas na agarang taas-presyo ng oil companies sa produktong petrolyo magmula nang sumiklab ang tensyon sa Middle East. Ito'y gayong mula pa sa stock na nabili nila sa mas mababang halaga ang kanilang ibinebenta.
Tanong ni Legarda sa pagdinig ng PROTECT Committee sa Senado, bakit consumers ang tila sumasalo sa problemang kinahaharap ng mga kompanya ng langis.
Pinuna rin ni Sen. Rodante Marcoleta ang presyuhan ng langis dahil bilyones umano ang kinikita ng mga kompanya dahil sa agarang paniningil ng mahal na presyo nito. I via Maeanne Los Baños-Oroceo