22/09/2026
๐๐ผ๐ถ๐ป๐ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ป๐๐๐ถ๐๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐๐ ๐๐ฆ๐ ๐๐ฒ๐ฒ ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐ข๐ ๐
Sumalang sa pagtatanong ng Sangguniang Bayan ng Daraga ang Administrasyon ng Daraga Community College (DComC) upang ipaliwanag ang 200-pisong koleksyon ng CSC Fee, sa isang Joint Committee Hearing na ginanap nitong Setyembre 21.
Sa pagsisimula ng talakayan, nauna nang ipinahayag ni Konsehal Warren Sorsogon ang kaniyang pagkadismaya sa hindi pagsunod ng DComC sa pagsusumite ng mga hinihinging papeles na makapagbibigay sana ng kaliwanagan sa paggamit ng nasabing pondo galing sa koleksyon.
Pinuna naman ni Konsehal Ian Macasinag ang legalidad ng nasabing koleksyon at kung itoโy may pahintulot ng Board of Trustees (BOT) at ng mismong Munisipyo.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag naman ni Dr. Joey Zamora, College Administrator ng institusyon, na ang koleksyon ay ipinasa sa pamamagitan ng BOT Resolution No. 11, s. 2023, at BOT Resolution No. 12, s. 2023, na ipinagtibay naman ng Sanggunian sa pamamagitan ng isang resolusyon; dagdag pa ni Zamora ay nakalagay ang koleksyon sa mismong Student Handbook ng paaralan.
Ayon naman kay Macasinag ay nananatiling โvagueโ ang nasabing Student Handbook kaugnay sa guidelines ng paggamit ng pondo.
Binigyang-linaw naman ni Yzsa Joy Bajamundi, pangulo ng College Student Council ng DComC, na kalahati lamang ng kabuuang koleksyon ang napupunta sa CSC, at ang natitirang kalahati ay pinaghahatian ng iba pang Student Organization sa paaralan.
Dumadaan din sa audit ang nasabing pondo, dagdag ni Bajamundi, na aniyaโy isinasagawa ng isang komiteng binubuo ng mga disinterested parties.
Napag-alaman din sa Joint Committee Hearing na may porsyon ng pondong nanggagaling sa CSC ang nagagastos para sa graduation ng paaralan bukod pa sa subsidiyang inilaan dito ng Commission on Higher Education (CHED).
Pinuna naman ni Sorsogon ang dagdag pasanin ng mga mag-aaral hinggil sa paraan ng pagbabayad sa pamamagitan ng digital transaction o bank transfer na mas nakakabigat lalo sa mga naninirahan sa malalayong lugar na walang access at kinakailangan pang mamasahe sa sentro ng munisipalidad para lamang makapagbayad.
Sa huliโy nagkasundo ang pinagsamang komite na magkaroon ng rekomendasyong paigtingin ang โtransparencyโ at โaccountabilityโ measures sa paggamit ng pondo, at ang hakbang upang subukang sa subsidiya ng CHED ipatong ang nasabing pondo sa halip na kolektahin mula sa mga mag-aaral.
Matatandaang ang Joint Committee Hearing ay binubuo ng Committee on Education na pinangungunahan ni Sorsogon, at ng Committee on Laws and Good Governance na pinangungunahan naman ni Macasinag, na ipinatawag dahil sa mosyon ng huli noong nakaraang regular na sesyon ng Sanggunian, na dinaluhan naman ni Vice Mayor Fleur Love Ruiz. # #