DepEd RXII Johnny Ang National High School

DepEd RXII Johnny Ang National High School The official page of Johnny Ang National High School.

25/08/2026



Suspension of face-to-face classes at all levels in all public schools and suspension of work in government offices in General Santos City in observance of 1448 Maulidin Nabi (Birthday of Prophet Muhammad, S.A.W.) as per City Executive Order No. 50, s. 2026.

📢 ANUNSYO: FULL FACE‑TO‑FACE CLASSES 🚌🏫 Magbabalik na tayo sa paaralan! Simula Lunes • Agosto 24, 2026, magpapatupad na ...
23/08/2026

📢 ANUNSYO: FULL FACE‑TO‑FACE CLASSES 🚌🏫

Magbabalik na tayo sa paaralan! Simula Lunes • Agosto 24, 2026, magpapatupad na ang Johnny Ang National High School ng FULL FACE‑TO‑FACE CLASSES, kasama na ang Supervised Lunch. 🥪🏫

📍 Manatiling nakatutok sa inyong mga class adviser para sa mga karagdagang anunsyo. Tandaan natin ang mga panuntunan sa kaligtasan — seguridad muna palagi! 💚

Ligtas na paaralan, mas matibay na pag‑aaral! Magandang pagbabalik, mga mag‑aaral ng JANHS! 📚✨

SCHOOL SAFETY SYMPOSIUM: FIRE, EARTHQUAKE & SECURITY PREPAREDNESS  Ensuring a safe and secure learning environment for e...
22/08/2026

SCHOOL SAFETY SYMPOSIUM: FIRE, EARTHQUAKE & SECURITY PREPAREDNESS

Ensuring a safe and secure learning environment for every learner and stakeholder! 🛡️

We successfully conducted our School Safety Symposium: Fire, Earthquake & Security Preparedness, headed by our very own School DRRM Coordinator, Sir Rowelo Z. Naccionales Roence Nash, and ably facilitated by Sir Richard Teksio.

This activity would not have been possible without the unwavering support and leadership of our School Principal, Ma'am Gemma Superal Eduque Cimeni and the wholehearted cooperation of our entire school community. 🙏✨

Your commitment to safety and preparedness makes our school a safer place for everyone.

Thank you, team! 💪🏫

19/08/2026

JANHS handa na sa Balik-eskwela

Handang-handa na ang buong komunidad ng Johnny Ang National High School para sa muling pagbubukas ng mga pintuan ng paaralan sa susunod na linggo, matapos ang sunod-sunod na pagsubok na nagdulot ng pansamantalang pagkaantala ng mga klase. Sa kabila ng mga nagdaang hamon, pinatunayan ng pamunuan, mga g**o, at mga magulang na mas matatag ang kanilang pagkakaisa upang masig**o ang ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na edukasyon para sa mga mag-aaral.

📢 ANUNSYO | ISKEDYUL NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSESMagandang araw, mga magulang, tagapangalaga, at mga mag-aaral ng Joh...
16/08/2026

📢 ANUNSYO | ISKEDYUL NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES

Magandang araw, mga magulang, tagapangalaga, at mga mag-aaral ng Johnny Ang National High School! 🏫

Ipinababatid po namin na patuloy ang LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES ng ating paaralan. Ang Supervised Lunch ay e-implement din.

📚 ISKEDYUL NG MGA KLASE

Ang mga iskedyul ng klase ay ang mga sumusunod:
📌Agosto 17, 19, 21 2026 ay Baitang 7, 10 at 11.
📌Agosto 18 at 20, 2026 naman ay 8, 9 at 12.
Mangyaring manatiling nakatutok sa mga update mula sa inyong mga class adviser.

🛡️ PAALALA SA KALIGTASAN

Para sa kaligtasan at seguridad ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga bisita, ang mga awtorisadong security personnel at itinalagang school watchman ay maaaring magsagawa ng maingat, child-sensitive, at magalang na inspeksyon ng mga bag at bagahe.

🙏 Maraming salamat sa inyong kooperasyon, pang-unawa, at patuloy na suporta sa pagpapanatili ng paaralan na ligtas, maayos, at handa para sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral.

Maligayang Pag-aaral, JANHS LEARNERS! 💙📚

Safe School, Stronger Learning!😀

📢 ANUNSYO | PAGBABALIK NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES 🏫💚Hello, JANHS Learners, Parents, at Guardians! 💚Ipinababatid po ...
12/08/2026

📢 ANUNSYO | PAGBABALIK NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES 🏫💚

Hello, JANHS Learners, Parents, at Guardians! 💚

Ipinababatid po namin na magsisimula na ang Limited Face-to-Face Classes ngayong Huwebes, Agosto 13, 2026, alinsunod sa abiso ng LGU General Santos City at SDO General Santos City.

📚 Iskedyul ng mga Klase:
📌 Agosto 13, 2026 (Huwebes) – Baitang 8, 9, at 12
📌 Agosto 14, 2026 (Biyernes) – Baitang 7, 10, at 11

🔔 Mangyaring manatiling updated at makinig sa mga abiso mula sa inyong Class Adviser para sa anumang pagbabago o karagdagang impormasyon.

🛡️ Para sa kaligtasan ng lahat:
Makipagtulungan sa mga awtorisadong guwardiya at kawani ng paaralan sa maingat at magalang na pagsusuri ng bag bago pumasok. Igalang ang mga patakaran sa kaligtasan at makiisa para sa isang ligtas, maayos, at payapang paaralan.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon, pang-unawa, at patuloy na suporta! 💚💛

🌱 MALIGAYANG PAGBABALIK, JANHS LEARNERS!
Safe School, Stronger Learning. 💚📚✨

🛡️ Orientation on Safety Measures and Appropriate Responses during Shooting Incidents 💪🏻Empowering our school community ...
12/08/2026

🛡️ Orientation on Safety Measures and Appropriate Responses during Shooting Incidents 💪🏻

Empowering our school community with vital knowledge and protocols to stay vigilant and safe. 🏫

Preparedness is our key to protection. 🙏🏻

Thank you so much, Police Station 8, PSSG Marlon Q Macahig for facilitating the session. 😇

Public Advisory 🏫
11/08/2026

Public Advisory 🏫

ADVISORY | PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES

Batay sa isinagawang joint press conference ng Pamahalaang Lungsod ng General Santos at DepEd General Santos City ngayong hapon, Agosto 11, 2026, maaaring ipagpatuloy anumang araw ngayong linggo ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralang elementarya at sekondarya.

Inaatasan ang lahat ng paaralan na mahigpit na ipatupad ang kanilang School Safety Primer at mga umiiral na protocol sa kaligtasan at seguridad. Kabilang dito ang paggamit lamang ng mga silid-aralan sa ground floor at second floor, araw-araw na maiikling emergency drill, malinaw na proseso ng muling pagsasama ng mga mag-aaral at kanilang pamilya, maayos na sistema ng komunikasyon, at malapit na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na ahensiya para sa kaligtasan at pagtugon sa emerhensiya.

Pinahihintulutan din ang mga school head na tukuyin ang pinakaangkop na learning modality—full face-to-face, limited face-to-face, modular, online, o blended learning—batay sa kahandaan at pangangailangan ng paaralan, gayundin sa umiiral na sitwasyon.

Ang lahat ay pinaaalalahanang manatiling mapagmatyag, kalmado, at laging unahin ang kaligtasan habang patuloy tayong bumabangon at unti-unting nagbabalik sa normal na operasyon ng mga paaralan.

✨ Pagpupulong ng mga Magulang ng mga Mag-aaral na Nangangailangan ng Karagdagang Suporta sa Pagkatuto ✨ Nagkakaisa tayo ...
08/08/2026

✨ Pagpupulong ng mga Magulang ng mga Mag-aaral na Nangangailangan ng Karagdagang Suporta sa Pagkatuto ✨

Nagkakaisa tayo para sa bawat mag-aaral! 🤝 Layunin ng pagtitipon na tiyakin ang inklusibong edukasyon—kung saan walang naiiwan, at bawat bata ay nabibigyan ng tamang gabay at suporta upang maabot ang kanilang buong potensyal.

Salamat sa lahat ng mga magulang na patuloy na nakikibahagi at nagmamalasakit! 💙📚

Special thanks to the School's Alternate SNED Coordinator for facilitating the Session on the Importance of Psychological Assessment for Learners Needing Additional Learning Support 😀 Roshelle Gapa Mabalot

Of course to the emcee of the day, Ma'am Ivy Faeldog Santillan 😄

Address

General Santos City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd RXII Johnny Ang National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share