15/08/2026
BFP Roxas, Kaisa sa Malinis at Ligtas na Pamayanan!
15 Agosto 2026 | Nakiisa ang BFP Roxas sa isinagawang Barangay Clean-Up Drive sa Barangay Muñoz West bilang pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng komunidad.
Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa rin ang BFP Roxas personnel ng flushing sa mga kalsada at piling bahagi ng barangay upang makatulong sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran.
Sa sama-samang pagkilos ng barangay at mga katuwang na ahensya, mas nagiging malinis, maayos at ligtas ang ating pamayanan.