NFA Basulta

NFA Basulta The official page of the NFA BaSulTa Branch Office - representing Basilan, Sulu and Tawi-Tawi.

“Tiyak ang Bigas, Panatag ang Bukas“

🌾 HAPPY FARMERS APPRECIATION DAY! 🌾Ngayong Farmers Appreciation Day, taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng NFA BASU...
07/08/2026

🌾 HAPPY FARMERS APPRECIATION DAY! 🌾

Ngayong Farmers Appreciation Day, taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng NFA BASULTA Branch Office sa lahat ng ating masisipag na magsasaka na walang sawang nagsisikap upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa ating mga hapag.

Sa larawang ito ay tampok ang ilan sa ating mga lokal na magsasaka sa Basilan na patuloy na nagtitiwala at naghahatid ng kanilang ani ng palay sa NFA BASULTA Branch Office. Ang kanilang sipag, dedikasyon, at pagtitiwala ang nagsisilbing inspirasyon sa patuloy nating pagsusulong ng seguridad sa pagkain at pagpapalakas ng sektor ng agrikultura.

Maraming salamat sa inyong walang sawang paghihirap. Kayo ang tunay na mga bayani ng ating bayan. 💚🌾

"𝑻𝒊𝒚𝒂𝒌 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒊𝒈𝒂𝒔, 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒌𝒂𝒔."

#𝗧𝗶𝘆𝗮𝗸𝗔𝗻𝗴𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀𝗣𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮𝗴𝗔𝗻𝗴𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀
#𝗔𝗻𝗴𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗡𝗙𝗔
#𝗠𝗮𝘆𝗠𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁
#𝗠𝗮𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻
#𝗧𝘂𝗺𝘂𝘁𝘂𝗴𝗼𝗻

#𝑂𝑁𝐸𝐵𝐴𝑆𝑈𝐿𝑇𝐴
#𝑇ℎ𝑟𝑒𝑒𝐼𝑠𝑙𝑎𝑛𝑑𝑂𝑛𝑒𝑀𝑖𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛𝑂𝑛𝑒𝐹𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦

🌾 ONE BASULTA: BUTIL KAALAMAN🌾🏗️ Alam Niyo Ba? Ang Facility Management Team ng NFA BASULTA ang nangangalaga sa maayos, l...
07/08/2026

🌾 ONE BASULTA: BUTIL KAALAMAN🌾

🏗️ Alam Niyo Ba? Ang Facility Management Team ng NFA BASULTA ang nangangalaga sa maayos, ligtas, at maaasahang mga pasilidad at imprastraktura ng ating tanggapan. Sa pangunguna ng Engineer III at Engineer II, tinitiyak nila na ang ating mga gusali at pasilidad ay laging handa upang masuportahan ang mahusay at tuloy-tuloy na serbisyo para sa mamamayan.

Maliit man ang bilang, malaki ang malasakit sa serbisyo. 💚

"𝑻𝒊𝒚𝒂𝒌 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒊𝒈𝒂𝒔, 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒌𝒂𝒔."

#𝗧𝗶𝘆𝗮𝗸𝗔𝗻𝗴𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀𝗣𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮𝗴𝗔𝗻𝗴𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀
#𝗔𝗻𝗴𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗡𝗙𝗔
#𝗠𝗮𝘆𝗠𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁
#𝗠𝗮𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻
#𝗧𝘂𝗺𝘂𝘁𝘂𝗴𝗼𝗻

#𝑂𝑁𝐸𝐵𝐴𝑆𝑈𝐿𝑇𝐴
#𝑇ℎ𝑟𝑒𝑒𝐼𝑠𝑙𝑎𝑛𝑑𝑂𝑛𝑒𝑀𝑖𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛𝑂𝑛𝑒𝐹𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦

𝗠𝗔𝗙𝗔𝗥-𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗡𝗙𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟𝗔𝗡Bilang bahagi ng patulo...
05/08/2026

𝗠𝗔𝗙𝗔𝗥-𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗡𝗙𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟𝗔𝗡

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan sa mga katuwang na ahensya, nagsagawa ng courtesy visit si NFA BASULTA Branch Manager Cleofe S. Yu, kasama sina Statistician II Joanne L. Lasprillas at Quality Assurance Officer Jella Mae L. Salvador, kay MAFAR Chief Agriculturist Datu Fadh A. Jaljalis, RAgr, MRD upang talakayin ang datos sa produksiyon ng palay sa lalawigan ng Basilan.

Dumalo rin sa pulong si Supervising Agriculturist Myra Grace Peñaflor for Agribusiness and Marketing, na nagbigay ng mahahalagang pananaw upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng dalawang ahensya.

"𝑻𝒊𝒚𝒂𝒌 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒊𝒈𝒂𝒔, 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒌𝒂𝒔."

#𝗧𝗶𝘆𝗮𝗸𝗔𝗻𝗴𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀𝗣𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮𝗴𝗔𝗻𝗴𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀
#𝗔𝗻𝗴𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗡𝗙𝗔
#𝗠𝗮𝘆𝗠𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁
#𝗠𝗮𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻
#𝗧𝘂𝗺𝘂𝘁𝘂𝗴𝗼𝗻

#𝑂𝑁𝐸𝐵𝐴𝑆𝑈𝐿𝑇𝐴
#𝑇ℎ𝑟𝑒𝑒𝐼𝑠𝑙𝑎𝑛𝑑𝑂𝑛𝑒𝑀𝑖𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛𝑂𝑛𝑒𝐹𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦

(𝙰𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚘𝚗𝚐 𝚍𝚎𝚝𝚊𝚕𝚢𝚎 𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚜𝚊 𝚌𝚘𝚖𝚖𝚎𝚗𝚝 𝚜𝚎𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗.)

03/08/2026

🌾💚

𝗡𝗙𝗔 𝗕𝗮𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮 𝗕𝗿𝗮𝗻𝗰𝗵 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 (𝗕𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗖𝗢𝗠) 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴𝘈𝘨𝘰𝘴𝘵𝘰 3, 2026 | Isinagawa ng NFA BASULTA Branch Office ang B...
03/08/2026

𝗡𝗙𝗔 𝗕𝗮𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮 𝗕𝗿𝗮𝗻𝗰𝗵 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 (𝗕𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗖𝗢𝗠) 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴

𝘈𝘨𝘰𝘴𝘵𝘰 3, 2026 | Isinagawa ng NFA BASULTA Branch Office ang Branch Management Committee Meeting sa Conference Room ng tanggapan. Dumalo nang personal ang mga kawani mula sa Basilan, habang nakiisa naman ang mga kawani mula sa Sulu at Tawi-Tawi sa pamamagitan ng Google Meet.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Branch Manager Cleofe S. Yu ang bawat kawani na manatiling tapat, may paninindigan, at buong pusong nakatuon sa paglilingkod bilang mga lingkod-bayan. Binigyang-diin niya na ang tunay na serbisyo publiko ay nasasalamin sa integridad, malasakit, at kahandaang gampanan ang tungkulin para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Sa patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat kawani ng NFA BASULTA, lalo pang pinagtitibay ang hangarin ng tanggapan na makapaghatid ng tapat, mahusay, at makabuluhang serbisyo publiko. Sama-sama nating isabuhay ang diwa ng malasakit, integridad, at kahusayan tungo sa mas matatag at mas maunlad na NFA BASULTA.

"𝑻𝒊𝒚𝒂𝒌 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒊𝒈𝒂𝒔, 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒌𝒂𝒔."

#𝗧𝗶𝘆𝗮𝗸𝗔𝗻𝗴𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀𝗣𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮𝗴𝗔𝗻𝗴𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀
#𝗔𝗻𝗴𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗡𝗙𝗔
#𝗠𝗮𝘆𝗠𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁
#𝗠𝗮𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻
#𝗧𝘂𝗺𝘂𝘁𝘂𝗴𝗼𝗻

#𝑂𝑁𝐸𝐵𝐴𝑆𝑈𝐿𝑇𝐴
#𝑇ℎ𝑟𝑒𝑒𝐼𝑠𝑙𝑎𝑛𝑑𝑂𝑛𝑒𝑀𝑖𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛𝑂𝑛𝑒𝐹𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦

(𝙰𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚘𝚗𝚐 𝚍𝚎𝚝𝚊𝚕𝚢𝚎 𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚜𝚊 𝚌𝚘𝚖𝚖𝚎𝚗𝚝 𝚜𝚎𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗.)

02/08/2026
𝗢𝗡𝗘 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔: 𝗕𝗨𝗧𝗜𝗟 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡🌾 𝘈𝘓𝘈𝘔 𝘕𝘐𝘠𝘖 𝘉𝘈?Bago makarating sa ating mga mamamayan ang bigas ng NFA, dumaraan ito sa masus...
31/07/2026

𝗢𝗡𝗘 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔: 𝗕𝗨𝗧𝗜𝗟 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡

🌾 𝘈𝘓𝘈𝘔 𝘕𝘐𝘠𝘖 𝘉𝘈?
Bago makarating sa ating mga mamamayan ang bigas ng NFA, dumaraan ito sa masusing pagsusuri ng ating Quality Assurance Section upang matiyak na ito ay ligtas, malinis, at de-kalidad.

Sa pangunguna ng Branch Standards Quality Assurance Officer, katuwang ang ating mga Quality Assurance Officer/Classifier sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, bawat sako ng bigas at palay ay iniinspeksyon, sinusuri, at pinatitiyak na naaayon sa itinakdang pamantayan ng kalidad.

Kasama rin sa pangkat ang ating Pest Control Officer, na nagsisiguro na ang ating mga bodega ay nananatiling malinis at ligtas laban sa mga peste at insekto.

🌾🍚 Bawat butil ng bigas ay sumasalamin sa ating malasakit at dedikasyon sa serbisyong publiko. 🍚🌾

Maliit man ang bilang, malaki ang malasakit sa serbisyo.

"𝑻𝒊𝒚𝒂𝒌 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒊𝒈𝒂𝒔, 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒌𝒂𝒔."

#𝗧𝗶𝘆𝗮𝗸𝗔𝗻𝗴𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀𝗣𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮𝗴𝗔𝗻𝗴𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀
#𝗔𝗻𝗴𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗡𝗙𝗔
#𝗠𝗮𝘆𝗠𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁
#𝗠𝗮𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻
#𝗧𝘂𝗺𝘂𝘁𝘂𝗴𝗼𝗻

#𝑂𝑁𝐸𝐵𝐴𝑆𝑈𝐿𝑇𝐴
#𝑇ℎ𝑟𝑒𝑒𝐼𝑠𝑙𝑎𝑛𝑑𝑂𝑛𝑒𝑀𝑖𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛𝑂𝑛𝑒𝐹𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦

28/07/2026

𝗦𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝘆𝗮𝗺: Tinalakay ni Regional Manager II Lilibette P. Ignacio ang mga hakbang ng NFA BARMM sa pagpapalakas ng palay procurement at pagpapatupad ng Benteng Bigas Meron Na Program.

Panoorin ang buong interview.

28/07/2026

‘ITO’Y NAKAKAPAGBIGAY-GINHAWA’

President Ferdinand Marcos Jr. highlights the continuation of the "Benteng Bigas" program, noting it provided relief to over 12 million Filipinos across the country.

Follow our live updates here: https://inqnews.net/Sona2026updates

Watch our Sona 2026 special coverage here: https://inqnews.net/MarcosSona2026

Address

Sunrise Village
Isabela
7300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NFA Basulta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share