Basilan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office

Basilan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office BASILAN PDRRMO OPERATION CENTER 24/7

Contact No. #09667554000

ALAMIN | Proseso ng Suspensyon ng Klase at TrabahoAng suspensyon ng klase at trabaho ay nakabatay sa siyentipikong impor...
20/08/2026

ALAMIN | Proseso ng Suspensyon ng Klase at Trabaho

Ang suspensyon ng klase at trabaho ay nakabatay sa siyentipikong impormasyon, pagsusuri sa bantang panganib, at koordinasyon ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan.

Nagsisimula ang proseso sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon gaya ng weather forecast, volcano bulletin, earthquake information, at risk assessment mula sa mga science agency tulad ng DOST-PAGASA, DOST-PHIVOLCS, at DENR-Mines and Geosciences Bureau (MGB).

Ang mga impormasyong ito ay tinatalakay din sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meetings kasama ang mga ahensyang kabilang sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Dito sinusuri ang mga posibleng epekto at senaryo na maaaring idulot ng bantang panganib.

Batay sa resulta ng risk assessment, naghahanda ang Office of Civil Defense (OCD), bilang implementing arm at Secretariat ng NDRRMC, ng ulat at kinakailangang rekomendasyon hinggil sa suspensyon. Isinasaalang-alang dito ang siyentipikong datos, antas ng panganib, at mga posibleng senaryo.

Ang rekomendasyon ay isinusumite sa Tanggapan ng Pangulo para sa pag-apruba ng suspensyon, gayundin ng pagpapatupad ng alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan at alternative learning modalities sa ilalim ng superbisyon ng Department of Education.

Samantala, maaari ring ipatupad ang pagkansela o suspensyon ng klase at/o trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa iba pang lugar batay sa desisyon ng kani-kanilang Local Chief Executive, alinsunod sa mga umiiral na batas, alituntunin, at regulasyon.

Para naman sa pribadong sektor, ang suspensyon ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements ay ipinauubaya sa pagpapasya ng kani-kanilang pamunuan.

Mahalagang paglilinaw: Ang pagpapasya sa suspensyon ng klase o trabaho ay resulta ng koordinasyon ng iba't ibang ahensya at nakabatay sa siyentipikong impormasyon, pagsusuri sa panganib, at mga natukoy na senaryo na maaaring idulot ng bantang panganib.






HEAT INDEX IN MINDANAO MAY BEGIN TO DECREASE STARTING TOMORROWAUGUST 20, 2026🌑️ Some areas of Mindanao may begin experie...
19/08/2026

HEAT INDEX IN MINDANAO MAY BEGIN TO DECREASE STARTING TOMORROW
AUGUST 20, 2026

🌑️ Some areas of Mindanao may begin experiencing a gradual reduction in heat index values starting tomorrow. However, dangerous heat may still persist in some locations, so residents should continue taking precautions.

πŸ’§ Stay hydrated
β˜€οΈ Avoid prolonged exposure to the afternoon heat
🧒 Use umbrellas, hats, or other sun protection
⚠️ Continue monitoring local weather and heat-index updates

ππ€π‹πˆπ“π€ππ† ππƒπ‘π‘πŒπŽ | π„πŒπ„π‘π†π„ππ‚π˜ πŒπ„πƒπˆπ‚π€π‹ π’π„π‘π•πˆπ‚π„π’ (π„πŒπ’)π„πŒπ„π‘π†π„ππ‚π˜ πˆππ“π„π‘-π…π€π‚πˆπ‹πˆπ“π˜ 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐅𝐄𝐑 π“πŽ π™π€πŒππŽπ€ππ†π€ π‚πˆπ“π˜Matagumpay na isina...
19/08/2026

ππ€π‹πˆπ“π€ππ† ππƒπ‘π‘πŒπŽ | π„πŒπ„π‘π†π„ππ‚π˜ πŒπ„πƒπˆπ‚π€π‹ π’π„π‘π•πˆπ‚π„π’ (π„πŒπ’)

π„πŒπ„π‘π†π„ππ‚π˜ πˆππ“π„π‘-π…π€π‚πˆπ‹πˆπ“π˜ 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐅𝐄𝐑 π“πŽ π™π€πŒππŽπ€ππ†π€ π‚πˆπ“π˜

Matagumpay na isinagawa ng Basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) – Emergency Medical Services (EMS) ang emergency inter-facility transfer ng dalawang (2) pasyente mula sa Basilan patungong Zamboanga City upang mabigyan ng mas mataas na antas ng pagsusuri at specialized medical care.

Ang unang pasyente, isang babaeng pasyente, na inilipat mula sa isang medical facility sa Basilan dahil sa chest pain at abdominal pain. Batay sa initial assessment, siya ay may massive right hydrothorax, kung saan hindi maaaring isantabi ang posibilidad ng pulmonary tuberculosis (PTB) o pulmonary mass. Dahil sa kanyang kondisyon, isinagawa ang referral para sa karagdagang evaluation at management.

Pagdating sa Zamboanga City, biglang hindi na huminga ang pasyente at nawalan ng pulso. Agad na nagsagawa ng CPR at iba pang kinakailangang resuscitative measures ang Basilan PDRRMO EMS Team. Sa kabila ng agarang pagtugon at buong pagsisikap ng team, hindi na naibalik ang kanyang paghinga at pulso.

Taos-pusong nakikiramay ang Basilan PDRRMO sa pamilya at mga mahal sa buhay ng pasyente sa kanilang pagdadalamhati.

Samantala, ang ikalawang pasyente, isang 58 taong gulang na lalaki, ay inilipat mula sa isang district hospital sa Basilan para sa neurological evaluation and management at cranial CT scan.

Ang pasyente ay nakaranas ng pagkahilo, tuyong ubo, panghihina ng katawan, at biglaang pagkakaroon ng slurred speech. Ang initial diagnosis ay to consider cerebrovascular disease (CVD), probable infarct involving the left middle cerebral artery (MCA), with community-acquired pneumonia (CAP). Dahil dito, isinagawa ang agarang referral para sa mas mataas na antas ng neurological assessment at specialized medical management.

Sa buong biyahe, patuloy na isinagawa ng Basilan PDRRMO EMS Team ang kinakailangang monitoring at pre-hospital emergency care upang matiyak ang maayos at ligtas na transportasyon ng mga pasyente hanggang sa receiving facility sa Zamboanga City.

Ang misyong ito ay nagpapakita ng patuloy na kahandaan, propesyonalismo, at dedikasyon ng Basilan PDRRMO sa pagbibigay ng mabilis at maaasahang emergency medical response at inter-facility transfer services para sa mga pasyenteng nangangailangan ng specialized medical care.

πŸ“ž Basilan PDRRMO Hotline: 0966-755-4000






ESTIMATED HEAT INDEX β€” BASILANπŸ“… August 19, 2026 | 8:00 AM–5:00 PM⚠️ PAALALA SA MATINDING INITBatay sa available DOST-PAG...
19/08/2026

ESTIMATED HEAT INDEX β€” BASILAN
πŸ“… August 19, 2026 | 8:00 AM–5:00 PM

⚠️ PAALALA SA MATINDING INIT

Batay sa available DOST-PAGASA weather information at forecast pattern para sa Basilan, inaasahang patuloy na tataas ang heat index mula umaga hanggang tanghali, at posibleng umabot sa pinakamataas na 37Β°C bandang 1:00–2:00 PM, bago bahagyang bumaba pagsapit ng hapon.

πŸ“Š ESTIMATED HOURLY HEAT INDEX

πŸ•— 8:00 AM β€” 30Β°C | Caution
πŸ•˜ 9:00 AM β€” 31Β°C | Caution
πŸ•™ 10:00 AM β€” 33Β°C | ⚠️ Extreme Caution
πŸ•š 11:00 AM β€” 35Β°C | ⚠️ Extreme Caution
πŸ•› 12:00 PM β€” 36Β°C | ⚠️ Extreme Caution
πŸ• 1:00 PM β€” 37Β°C | ⚠️ Extreme Caution
πŸ•‘ 2:00 PM β€” 37Β°C | ⚠️ Extreme Caution
πŸ•’ 3:00 PM β€” 36Β°C | ⚠️ Extreme Caution
πŸ•“ 4:00 PM β€” 34Β°C | ⚠️ Extreme Caution
πŸ•” 5:00 PM β€” 32Β°C | Caution

πŸ”₯ PINAKAMATAAS NA ESTIMATE: 37Β°C
πŸ“ Posibleng maranasan bandang 1:00–2:00 PM

β˜€οΈ ANO ANG DAPAT GAWIN?

πŸ’§ Uminom ng sapat na tubig kahit hindi pa nauuhaw.
🌳 Iwasan ang matagal na pagkakalantad sa araw, lalo na sa tanghali hanggang hapon.
πŸ‘• Magsuot ng magaan at maluwag na damit.
🧒 Gumamit ng payong, sombrero o iba pang panangga sa araw.
🏠 Magpahinga sa malamig o maaliwalas na lugar kapag nakakaramdam ng matinding init.
πŸ‘ΆπŸ‘΄ Bigyang-pansin ang mga bata, matatanda at mga taong matagal na nagtatrabaho o nasa labas.
🚨 Kapag nakaramdam ng pagkahilo, panghihina, matinding pananakit ng ulo, pagsusuka o iba pang sintomas na maaaring dulot ng heat stress, agad na magpahinga sa malamig na lugar at humingi ng kinakailangang tulong.

πŸ“Œ MAHALAGANG PAALALA

Ang mga numerong nakasaad sa post na ito ay ESTIMATED HEAT INDEX VALUES lamang para sa Basilan-wide information update at HINDI opisyal na aktuwal na PAGASA observation per municipality.

Maaaring magbago ang aktuwal na heat index depende sa lokasyon, temperatura, humidity, hangin at iba pang weather conditions.

Ang PAGASA Heat Index monitoring ay gumagamit ng kasalukuyang reported data at maaaring magbago ang values kapag may natukoy na erroneous data sa mga susunod na update.

πŸ“‘ Para sa pinakabagong opisyal na weather information, manatiling nakatutok sa DOST-PAGASA at sa mga opisyal na advisories ng inyong lokal na pamahalaan.

🧑 Maging Handa. Maging Maalam. Manatiling Ligtas.

BASILAN PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (PDRRMO)

As of 2:00 AM today, 19 August 2026, Tropical Depression β€œNENENG” is being monitored inside the Philippine Area of Respo...
19/08/2026

As of 2:00 AM today, 19 August 2026, Tropical Depression β€œNENENG” is being monitored inside the Philippine Area of Responsibility (PAR).

Meanwhile, the Tropical Depression (formerly LPA 08g) is being monitored outside the Philippine Area of Responsibility (PAR).

Another Tropical Depression is also being monitored outside the PAR.

All are advised to monitor updates from DOST-PAGASA.

As of 2:00 PM today, 18 August 2026, the Low Pressure Area (LPA 08f) developed into a Tropical Depression and was named ...
18/08/2026

As of 2:00 PM today, 18 August 2026, the Low Pressure Area (LPA 08f) developed into a Tropical Depression and was named NENENG and is being monitored inside the Philippine Area of Responsibility (PAR).

Another Low Pressure Area (LPA 08g) is being monitored outside the PAR and has a β€œHIGH” chance of developing into a tropical depression within the next 24 hours.

Meanwhile, another Tropical Depression is being monitored outside the PAR.

All are advised to monitor updates from DOST-PAGASA.

BACK TO BACK POTENTIAL TROPICAL CYCLONES NEAR LUZON As of 8:00 AM today, 18 August 2026, the Low Pressure Area (LPA 08f)...
18/08/2026

BACK TO BACK POTENTIAL TROPICAL CYCLONES NEAR LUZON

As of 8:00 AM today, 18 August 2026, the Low Pressure Area (LPA 08f) is being monitored inside the Philippine Area of Responsibility (PAR) and has a β€œHIGH” chance of developing into a tropical depression within the next 24 hours.

Another Low Pressure Area (LPA 08g) is being monitored outside the PAR and has a β€œHIGH” chance of developing into a tropical depression within the next 24 hours.

Meanwhile, a Tropical Depression is being monitored outside the PAR.

All are advised to monitor updates from DOST-PAGASA.

18/08/2026

AREAS IN MINDANAO PRONE TO DRY SPELL BY END OF AUGUST 2026

ESTIMATED HEAT INDEX β€” BASILANπŸ“… August 18, 2026 | 8:00 AM–5:00 PM⚠️ PAALALA SA MATINDING INITBatay sa available weather ...
18/08/2026

ESTIMATED HEAT INDEX β€” BASILAN
πŸ“… August 18, 2026 | 8:00 AM–5:00 PM

⚠️ PAALALA SA MATINDING INIT

Batay sa available weather information at forecast pattern para sa Basilan, inaasahang unti-unting tataas ang heat index mula umaga hanggang hapon, bago bahagyang bumaba pagsapit ng late afternoon.

πŸ“Š ESTIMATED HOURLY HEAT INDEX

πŸ•— 8:00 AM β€” 28Β°C | Caution
πŸ•˜ 9:00 AM β€” 29Β°C | Caution
πŸ•™ 10:00 AM β€” 30Β°C | Caution
πŸ•š 11:00 AM β€” 31Β°C | Caution
πŸ•› 12:00 PM β€” 32Β°C | Caution
πŸ• 1:00 PM β€” 33Β°C | ⚠️ Extreme Caution
πŸ•‘ 2:00 PM β€” 33Β°C | ⚠️ Extreme Caution
πŸ•’ 3:00 PM β€” 32Β°C | Caution
πŸ•“ 4:00 PM β€” 31Β°C | Caution
πŸ•” 5:00 PM β€” 30Β°C | Caution

πŸ”₯ PINAKAMATAAS NA ESTIMATE: 33Β°C
πŸ“ Posibleng maranasan bandang 1:00–2:00 PM

β˜€οΈ ANO ANG DAPAT GAWIN?

πŸ’§ Uminom ng sapat na tubig kahit hindi pa nauuhaw.
🌳 Iwasan ang matagal na pagkakalantad sa araw, lalo na sa tanghali hanggang hapon.
πŸ‘• Magsuot ng magaan at maluwag na damit.
🧒 Gumamit ng payong, sombrero o iba pang panangga sa araw.
🏠 Magpahinga sa malamig o maaliwalas na lugar kapag nakakaramdam ng matinding init.
πŸ‘ΆπŸ‘΄ Bigyang-pansin ang mga bata, matatanda at mga taong matagal na nagtatrabaho o nasa labas.
🚨 Kapag nakaramdam ng pagkahilo, panghihina, matinding pananakit ng ulo, pagsusuka o iba pang sintomas na maaaring dulot ng heat stress, agad na magpahinga sa malamig na lugar at humingi ng kinakailangang tulong.

πŸ“Œ PAALALA:
Ang mga numerong nakasaad sa post na ito ay ESTIMATED HEAT INDEX VALUES lamang para sa Basilan-wide information update at HINDI opisyal na aktuwal na PAGASA observation per municipality. Maaaring magbago ang aktuwal na heat index depende sa lokasyon, temperatura, humidity, hangin at iba pang weather conditions.

Ang PAGASA Heat Index monitoring ay gumagamit ng kasalukuyang reported data at ipinapaalala na maaaring magbago ang values kapag may natukoy na erroneous data sa mga susunod na update.

πŸ“‘ Para sa pinakabagong opisyal na weather information, manatiling nakatutok sa DOST-PAGASA at sa mga opisyal na advisories ng inyong lokal na pamahalaan.

🧑 Maging Handa. Maging Maalam. Manatiling Ligtas.

BASILAN PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (PDRRMO)

TROPICAL CYCLONE MONITORING UPDATE | 17 AUGUST 2026πŸ“’ PUBLIC WEATHER ADVISORYAng Basilan Provincial Disaster Risk Reducti...
17/08/2026

TROPICAL CYCLONE MONITORING UPDATE | 17 AUGUST 2026

πŸ“’ PUBLIC WEATHER ADVISORY

Ang Basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (Basilan PDRRMO) ay patuloy na nagmomonitor sa weather disturbance na LPA 08f, batay sa pinakahuling 24-Hour Tropical Cyclone Formation Outlook na inilabas ngayong 4:00 PM, 17 August 2026.

πŸŒ€ LPA 08f
πŸ“ Lokasyon: 1,170 km East of Northern Luzon
πŸ“Š Chance of Tropical Cyclone Formation: LOW

Sa kasalukuyan, MABABA ang posibilidad na maging tropical cyclone ang nasabing low pressure area sa loob ng susunod na 24 oras. Gayunpaman, patuloy itong imo-monitor para sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon.

🌦️ PAALALA SA PUBLIKO
β€’ Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather updates.
β€’ Maghanda ng emergency kit at mahahalagang gamit.
β€’ Siguraduhing ligtas at maayos ang inyong tahanan at paligid.
β€’ Sundin ang mga abiso at tagubilin ng mga lokal na awtoridad.

πŸ“ž BASILAN PDRRMO HOTLINE
0966 755 4000

Manatiling kalmado, mapagmatyag at laging handa. Ang pagiging handa ngayon ay malaking bahagi ng kaligtasan bukas.

BASILAN PDRRMO
Kaligtasan, Responsibilidad Natin Lahat.

Address

Provincial Capitol Building, La Piedad
Isabela
7300

Telephone

+639667554000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Basilan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Basilan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office:

Shortcuts

Share