Timpul Barangay

Timpul Barangay Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Timpul Barangay, Government Organization, Timpul, Isabela.

24/07/2026

WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS SA ISABELA CITY | JULY 24, 2026

Alinsunod sa kautusan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, suspendido ang klase sa lahat ng antas (pampubliko at pribado) ngayong Biyernes, Hulyo 24, 2026.

Bagama’t inaasahan lamang ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan at hangin batay sa ating weather monitoring system, ang tuluy-tuloy na malalakas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw ay nagdulot ng panganib sa ilang lugar na maaaring makaranas ng pagguho ng lupa, pagbagsak ng mga puno, at iba pang kaugnay na panganib.

Ang pagsuspinde ng klase ay isang pag-iingat upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na insidente at matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at iba pang kawani ng paaralan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag, iwasan ang mga hindi kinakailangang paglabas, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela.

Ang kaligtasan ng bawat Isabeleño ang ating pangunahing prayoridad.

24/07/2026
BION PATROL | JULY 22, 2026LGSF-FA RICE ASSISTANCE DISTRIBUTION SA BARANGAY TIMPUL 🌾Isinagawa ng City Social Welfare and...
24/07/2026

BION PATROL | JULY 22, 2026
LGSF-FA RICE ASSISTANCE DISTRIBUTION SA BARANGAY TIMPUL 🌾

Isinagawa ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang pamamahagi ng rice assistance sa Barangay Timpul. Kasama sa aktibidad si Hon. Ibno S. Tura, Punong Barangay ng Brgy. Timpul, kasama ang kanyang BION at Barangay Secretary.

Bilang bahagi ng proseso, nagsagawa rin sila ng house-to-house interview at validation para masig**ong ang mga kwalipikadong benepisyaryo ang makakatanggap ng tulong.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng 10 kilong bigas mula sa programa ng National Government na “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang programang ito ay naglalayong tumulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente at mapalakas ang food security ng bawat pamilyang benepisyaryo. 💪

BION PATROL | JULY 21, 2026The "Clean-up Drive Activity" in Barangay Timpul was successfully conducted. 🧹🌿  The activity...
24/07/2026

BION PATROL | JULY 21, 2026
The "Clean-up Drive Activity" in Barangay Timpul was successfully conducted. 🧹🌿

The activity was led by our very active Barangay Captain, Hon. Ibno S. Tura, together with the TUPAD Beneficiaries, Janitorial and Barangay Tanod.

We continue to uphold our goal of maintaining cleanliness and order in our barangay.
To the residents of Barangay Timpul, thank you very much for your continuous cooperation! Let us continue practicing proper waste disposal. 💪

BION PATROL | JULY 20, 2026 Linisan time!  🧹✨  Our TUPAD Beneficiaries were out early today para maglinis sa ating baran...
20/07/2026

BION PATROL | JULY 20, 2026

Linisan time! 🧹✨

Our TUPAD Beneficiaries were out early today para maglinis sa ating barangay.

All thanks to the leadership of our hardworking Barangay Captain, Hon. Ibno S. Tura.

Mabuhay ang diwa ng bayanihan! ❤️

BION PATROL | JULY 20, 2026PDEA conducted an Orientation for the constituents of Brgy. Timpul on drug awareness and prev...
20/07/2026

BION PATROL | JULY 20, 2026
PDEA conducted an Orientation for the constituents of Brgy. Timpul on drug awareness and prevention. 🛡️

The activity was led by our Barangay Captain Hon. Ibno S. Tura together with the Barangay Kagawad and Drug Surrenderers.

Knowledge is our first line of defense. Maraming salamat PDEA! 💪

🌱 BION PATROL | JULY 14, 2026🌱Buong pusong nakikiisa ang Barangay Timpul sa pagdiriwang ng ika-52 Nutrition Month!Sa tem...
18/07/2026

🌱 BION PATROL | JULY 14, 2026🌱

Buong pusong nakikiisa ang Barangay Timpul sa pagdiriwang ng ika-52 Nutrition Month!

Sa temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan", nagsagawa ng feeding program para sa mga buntis at mga bata ang ating barangay.

Pinangungunahan ito ni Hon. Ibno S. Tura, kasama si Ma'am Julpha Sabirin, RHMPP, ang ating BNS at BHW Staff, at sa suporta ng mga Barangay Kagawad ng Barangay Timpul.

Layunin natin na matugunan ang nutrisyon ng ating mga kababaihan at kabataan, habang pinapangalagaan din ang kalikasan para sa mas malusog na kinabukasan. ??


Address

Timpul
Isabela

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Timpul Barangay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Timpul Barangay:

Shortcuts

Share