Mandaluyong City Nutrition Committee

Mandaluyong City Nutrition Committee A committee that focuses on Nutrition for all Mandaleรฑos! ๐Ÿ’™

21/09/2026
21/09/2026
LHEARN: SAMA-SAMANG AKSYON, MAS MATATAG NA NUTRISYON!Isang makabuluhang 2-Day LHEARN Learning Session ang isinagawa noon...
18/09/2026

LHEARN: SAMA-SAMANG AKSYON, MAS MATATAG NA NUTRISYON!

Isang makabuluhang 2-Day LHEARN Learning Session ang isinagawa noong September 15โ€“16, 2026, sa pagtutulungan ng Mandaluyong City at Valenzuela City, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng nutrition programs at good governance sa mga lokal na pamahalaan.

Sa Day 1, tampok ang pagbabahagi ng Mandaluyong Cityโ€™s Journey to Nutrition Excellence, kasama ang mga mahahalagang paksa tulad ng:
๐Ÿ“Œ Overview ng LHEARN Project
๐Ÿ“Œ Integration ng Local Nutrition Action Plan (LNAP) sa City Development Plan at Annual Investment Plan (AIP)
๐Ÿ“Œ Barangay Nutrition Scholar Program
๐Ÿ“Œ Overweight and Obesity Program
๐Ÿ“Œ Infant and Young Child Feeding (IYCF) Program

Samantala, sa Day 2, mas pinalalim ang kaalaman sa:
๐Ÿ“Œ Nutrition in Emergencies at Integration nito sa Disaster Risk Reduction Management Plan, LNAP at AIP
๐Ÿ“Œ Pag-uugnay ng mga pamilyang may malnourished children sa livelihood programs (CSWD)
๐Ÿ“Œ Food Processing Seminar at iba pang existing livelihood programs
๐Ÿ“Œ Nutrition Governance sa Barangay

Ang LHEARN (Learning Hub for Enhanced and Revitalized Nutrition) ay isang inisyatiba ng National Nutrition Council (NNC) na ipinatutupad ng NNC-NCR, sa pamumuno ni Ms. Milagros Elisa V. Federizo, Regional Nutrition Program Coordinator, katuwang ang Mandaluyong City bilang nag-iisang LHEARN LGU sa NCR.

Sa bawat kaalaman na naibabahagi, mas napapalakas ang kakayahan ng mga LGU na bumuo ng mga programang tumutugon sa tunay na pangangailangan ng komunidad.

17/09/2026

MANDALUYONG, PANALO SA NUTRISYON!

5 major awards + Very Satisfactory rating for our 2025 Nutrition Programs!
Saludo sa City Nutrition Committee, barangays, health workers, BNS, at lahat ng katuwang sa serbisyong pangkalusugan. Dahil kapag sama-sama ang gawa, buong lungsod ang panalo! ๐Ÿ™Œ

Nutrisyon ang prayoridad. Mandaluyong ang umaani ng tagumpay!

MANDALUYONG, TATAK TAGUMPAY SA NUTRISYON! Isang makabuluhang araw ng pagkilala at tagumpay ang nasaksihan sa 2026 Region...
17/09/2026

MANDALUYONG, TATAK TAGUMPAY SA NUTRISYON!

Isang makabuluhang araw ng pagkilala at tagumpay ang nasaksihan sa 2026 Regional Nutrition Awarding Ceremony ng National Nutrition Councilโ€“National Capital Region (NNC-NCR), sa pangunguna ni Ms. Milagros Elisa V. Federizo, Regional Nutrition Program Coordinator.

Dumalo rin ang ating minamahal na Mayor Menchie Abalos, bilang patunay ng patuloy at matatag na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga programa para sa nutrisyon at kalusugan ng bawat Mandaleรฑo. ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

Ipinagkaloob sa Lungsod ng Mandaluyong ang mga sumusunod na pagkilala:
- Best LGU in National Dietary Supplementation Program
- Best LGU in Micronutrient Supplementation Program
- Best LGU in Nutrition Investment
- Appreciation Award โ€“ Learning Hub for Enhanced and Revitalized Nutrition (LHEARN)
- Ms. Teresa Delos Reyes, City Nutrition Program Coordinator, ay kinilala bilang 1st Runner-Up sa Search for the 2025 Regional Outstanding City Nutrition Program Coordinator.
- BNS Ms. Estephanie Bengua ay naging contender sa Search for the 2025 Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholarโ€”isang karangalang sumasalamin sa dedikasyon ng ating mga BNS sa serbisyo para sa komunidad.

At bilang patunay ng mahusay na pamamahala sa nutrisyon, ginawaran ang City of Mandaluyong ng Certificate of Quality Nutrition Program Management matapos makamit ang Very Satisfactory rating sa implementasyon at pamamahala ng 2025 Local Nutrition Action Plan, batay sa pagsunod sa mga itinakdang nutrition standards.

Bawat parangal ay bunga ng sama-samang pagkilos.
Mula sa ating Local Chief Executive, City Nutrition Committee, Nutrition Secretariat, mga Barangay sa pangunguna ng ating Barangay Captains, Health Centers, Barangay Nutrition Action Officers, Barangay Nutrition Scholars, at katuwang na ahensya. Patuloy nating pinatutunayan na kapag iisa ang layunin, sama-sama ang gawa, at nutrisyon ang prayoridad, buong lungsod ang umaani ng tagumpay!

Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat!Nakikiisa ang City Government of Mandaluyong sa pagdiriwang ng kaarawa...
16/09/2026

Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat!

Nakikiisa ang City Government of Mandaluyong sa pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr., kasama ang ibaโ€™t ibang Local Government Units sa paghahatid ng mga serbisyong sapat para sa lahat noong ika-14 ng Setyembre sa Mandaluyong College of Science and Technology Gymnasium.

Tampok sa pagdiriwang ang ibaโ€™t ibang FREE SERVICES para sa ating mga Mandaleรฑo, lalo na sa mga senior citizen, kabilang ang health and wellness, social services, legal assistance, at iba pa. Bilang bahagi ng serbisyong pangkalusugan, naghatid din ng LIBRENG NUTRITION COUNSELING ang ating nutrition office.

๐™Ž๐™ฉ๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™š๐™ง ๐™‹๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ฃ๐™š๐™ง๐™จ๐™๐™ž๐™ฅ๐™จ, ๐˜ฝ๐™š๐™ฉ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™‰๐™ช๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ!Noong September 2, 2026, nagtipon sa Mandaluyong City Medical Center Annex ang m...
10/09/2026

๐™Ž๐™ฉ๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™š๐™ง ๐™‹๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ฃ๐™š๐™ง๐™จ๐™๐™ž๐™ฅ๐™จ, ๐˜ฝ๐™š๐™ฉ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™‰๐™ช๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ!

Noong September 2, 2026, nagtipon sa Mandaluyong City Medical Center Annex ang mga kinatawan ng National Nutrition Councilโ€“NCR (NNC-NCR) na sina RNPC Milagros Elisa Federizo, NOIII Fabiola Allysa Bringas, at NOII Jim Andrei Victoria, kasama ang mga miyembro ng Mandaluyong Nutrition Secretariat, at local partner mula sa City Planning and Development Department, na kinatawan ni Assistant Department Head Engr. Young Simbulan. upang pag-usapan ang nalalapit na pagbisita ng ilang local government units sa ating lungsod.

Sinundan ito ng courtesy call kay Mayor Menchie Abalos sa Mayorโ€™s Office para sa pormal na signing ng MOU para sa LHEARN Project โ€“ Learning Hub for Enhanced and Revitalized Nutrition.

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag na partnership, mas innovative na nutrition programs, at mas malusog na komunidad.

Sama-sama, tuloy-tuloy para sa nutrisyon!

07/09/2026

๐—•๐—ก๐—ฆ: ๐—•๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐Ÿ’š

Alam mo ba kung gaano karami ang Barangay Nutrition Scholars (BNSs) na nagsisilbi sa mga barangay sa Metro Manila? ๐Ÿ‘€

Ayon sa Presidential Decree No. 1569, kailangang magkaroon ng BNS sa bawat barangay upang may nakatutok sa nutrisyon sa barangay. Ang pangunahing tungkulin ng isang Barangay Nutrition Scholar (BNS) ay magsilbing tulay ng pamayanan at mga service provider upang maghatid ng mga serbisyong pangnutrisyon.

Sa NCR, may mga BNS na permanent, casual, o contractual employees ng lokal na pamahalaan, habang ang ilang barangay ay nagtatalaga rin ng karagdagang BNS. May mga BNS ding nagsisilbi sa dalawa o higit pang barangay, kaya naaabot pa rin ang mga komunidad na walang sariling BNS.

Patuloy na nakikipagtulungan ang NNC-NCR sa mga LGU at barangay upang palakasin ang BNS Program at nutrition workforce sa rehiyon. Kinikilala rin ang mga pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan na dagdagan ang bilang ng mga BNS at mapalawak ang access ng mga pamilya sa mga programang pangnutrisyon. ๐Ÿ’š

Silipin ang datos at alamin ang bilang ng BNS sa NCR! ๐Ÿ“Š

๐˜‹๐˜ข๐˜ต๐˜ข ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: ๐˜๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ต๐˜ข ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜“๐˜ฐ๐˜ค๐˜ข๐˜ญ ๐˜•๐˜ถ๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜–๐˜ง๐˜ง๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ 17 ๐˜“๐˜Ž๐˜œ๐˜ด ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜•๐˜Š๐˜™, ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ˆ๐˜ถ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต 2026. ๐˜‹๐˜ข๐˜ต๐˜ข ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜Š๐˜ช๐˜ต๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ข๐˜ญ.


07/09/2026

Address

3rd Flr. , Nutrition Office, Executive Building
Mandaluyong
1550

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

532-5001 loc. 524

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mandaluyong City Nutrition Committee posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mandaluyong City Nutrition Committee:

Shortcuts

Share