12/09/2026
TINGNAN | Nakiisa ang Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) College of Communication sa isinagawang kilos-protesta upang patambulin ang panawagan hinggil sa paggamit ng lived names ng mga estudyanteng magtatapos at pagtaas ng graduation fees sa taong panuruan 2026-2027.
Binigyang diin ng mga tagapagsalita sa naganap na pagkilos ang mga panawagan sa administrasyon ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas hinggil sa inklusibong espasyo sa loob ng pamantasan.
Magaganap ang pagkilos matapos magtungo ng PUP Student Regent na si JP Azusano at mga student council leaders sa Office of the Vice President for Student Affairs upang magpasa ng petition letter hinggil sa mga nasabing usapin.
Mga kabataang alagad ng midya, sama-samang manawagan para sa isang ligtas at inklusibong espasyo!
PUP SAY OUR NAMES NOW!