Barangay 644 , Zone 66 , District VI , San Miguel Manila

Barangay 644 , Zone 66 , District VI , San Miguel Manila Please like this page for more questions and Barangay Transactions.

22/08/2026

PAANYAYA SA BANAL NA MISA๐Ÿ™๐Ÿป

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at dumalo sa ating Banal na Misa na gaganapin sa:

๐Ÿ“… Agosto 22, Sabado
๐Ÿ•– 7:00 ng gabi
๐Ÿ“ Malacaรฑang Fire Station

Ang misa ay pagkakataon nating magsama-sama bilang isang komunidad upang manalangin, magpasalamat, at humingi ng gabay at pagpapala sa ating mga pamilya at sa ating buong barangay.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa.Sama-sama nating palakasin ang ating pananampalataya at pagkakaisa bilang isang barangay๐Ÿ™๐Ÿป

Maraming salamat po at hinihintay namin ang inyong pagdalo.

Pagpalain nawa tayong lahat ng Poong Maykapal. ๐Ÿ™

๐”๐๐‹๐ˆ๐…๐“ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐ž:๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†?Marami ang nagtatanong k...
24/07/2026

๐”๐๐‹๐ˆ๐…๐“ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐ž:
๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†?

Marami ang nagtatanong kung bakit may mga pamilyang nakasama sa listahan ng UPLIFT Assistance habang ang iba naman ay hindi.

Dahil dito, may ilang mamamayan ang nagpapahayag ng pagkadismaya at maging ng akusasyon na umano'y nagkaroon ng "palakasan" o paboritismo sa pagpili ng mga benepisyaryo.

Mahalagang maunawaan ng publiko na ang mga opisyal ng barangay ay walang kapangyarihang pumili, magdagdag, magtanggal o magpalit ng pangalan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Assistance.

Ang listahan ay nagmumula sa mga pambansang database at mga ahensya ng pamahalaan, alinsunod sa itinakdang pamantayan ng national government.

๐™‚๐™ง๐™ค๐™ช๐™ฅ 1 โ€“ ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐˜ฝ๐™š๐™ฃ๐™š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ง๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™œ 4๐™‹๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™’๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‚๐™ช๐™ฉ๐™ค๐™ข ๐™‹๐™ง๐™ค๐™œ๐™ง๐™–๐™ข

Ang unang grupo ng mga makatatanggap ng ayuda ay ang mga kasalukuyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Walang Gutom Program.

Sila ay tatanggap ng halagang dalawang libong pisong one-time cash assistance.

Ang kanilang mga pangalan ay nasa opisyal na talaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Dahil dito, ang DSWD ang nagtatakda kung sinu-sino ang kabilang sa grupong ito. Hindi na sila muling pinipili ng barangay sapagkat sila ay rehistrado at kasalukuyang benepisyaryo na ng nasabing mga programa ng pamahalaan.

๐™‚๐™ง๐™ค๐™ช๐™ฅ 2 โ€“ ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™๐™ž๐™๐™ž๐™ง๐™–๐™ฅ ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™ข๐™ž๐™ก๐™ฎ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– 2024 ๐˜พ๐˜ฝ๐™ˆ๐™Ž

Ang ikalawang grupo ay binubuo ng mga mahihirap na kabahayan na natukoy sa pamamagitan ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang CBMS ay isang malawakang pangangalap ng datos o census tungkol sa kalagayan ng bawat pamilya, kabilang ang kanilang kabuhayan, kita, pabahay, edukasyon, at iba pang impormasyon.

Ang datos na ito ay isinumite ng PSA sa iba pang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at naging batayan ng DSWD sa pagtukoy ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Kung ang isang pamilya ay hindi kabilang sa listahan ng mga napiling benepisyaryo batay sa CBMS, hindi ito nangangahulugang may nagtanggal ng kanilang pangalan sa barangay. Ang naging batayan ay ang opisyal na datos na nakalap noong isinagawa ang CBMS.

Ang mga benepisyaryo sa grupong ito ay tatanggap ng โ‚ฑ2,000 bawat buwan mula Hulyo hanggang Disyembre, 2026.

๐™‚๐™ง๐™ค๐™ช๐™ฅ 3 โ€“ ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™‡๐™ค๐™ฌ-๐™„๐™ฃ๐™˜๐™ค๐™ข๐™š ๐™’๐™ค๐™ง๐™ ๐™š๐™ง๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™ˆ๐™ž๐™ฎ๐™š๐™ข๐™—๐™ง๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™Ž๐™Ž

Ang ikatlong grupo ay binubuo ng humigit-kumulang 1.5 milyong manggagawang may mababang kita na nakarehistro sa Social Security System (SSS).

Ang listahang ito ay direktang nagmumula sa rekord ng SSS batay sa mga pamantayang itinakda ng pamahalaan. Ang mga kwalipikadong manggagawa ay tatanggap ng โ‚ฑ2,000 kada buwan mula Hulyo hanggang Disyembre, 2006.

Muli, walang papel ang barangay sa pagpili ng mga benepisyaryong kabilang sa grupong ito.

๐—”๐—ป๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†?

Ang tungkulin ng mga opisyal ng barangay ay nakatuon sa pagtulong sa maayos na implementasyon ng programa.

Kabilang dito ang:
* Pagpapaskil o pagpapalabas ng opisyal na listahan kapag ipinadala ng DSWD o ng kinauukulang ahensya;
* Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa schedule ng payout o distribusyon;
* Pagpapanatili ng kaayusan at pagtulong sa maayos na daloy ng pamamahagi ng ayuda;
* Pagtugon sa mga katanungan ng mga residente at pag-uugnay sa kanila sa tamang tanggapan kung may nais silang ipa-verify.

๐‘ฏ๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’•๐’–๐’๐’ˆ๐’Œ๐’–๐’๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’Š๐’๐’Š ๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’†๐’๐’†๐’‘๐’Š๐’”๐’š๐’‚๐’“๐’š๐’ ๐’ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’…๐’†๐’…๐’†๐’”๐’Š๐’”๐’š๐’๐’ ๐’Œ๐’–๐’๐’ˆ ๐’”๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Š๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚ ๐’ ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’Š๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’๐’Š๐’”๐’•๐’‚๐’‰๐’‚๐’.

๐Ÿ…Ÿ๐Ÿ…๐Ÿ…๐Ÿ…›๐Ÿ…๐Ÿ…›๐Ÿ… ๐Ÿ…ข๐Ÿ… ๐Ÿ…Ÿ๐Ÿ…ค๐Ÿ…‘๐Ÿ…›๐Ÿ…˜๐Ÿ…š๐Ÿ…ž:
Kung may katanungan o nais linawin tungkol sa pagiging kwalipikado sa UPLIFT Assistance, mas makabubuting dumulog sa DSWD, sa City o Municipal Social Welfare and Development Office (C/MSWDO), o sa iba pang kinauukulang ahensya na nangangasiwa sa programa.

Ang pag-unawa sa proseso ay mahalaga upang maiwasan ang maling impormasyon at ang hindi makatarungang pagbibintang sa mga opisyal ng barangay na nagsisilbi lamang bilang katuwang sa implementasyon ng programa at hindi sa pagpili ng mga tatanggap ng ayuda.

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN!Sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, sama-sama nating alalahanin at para...
12/06/2026

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN!

Sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, sama-sama nating alalahanin at parangalan ang katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbigay daan sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang higit nating palakasin ang pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit sa ating komunidad para sa mas maunlad at mapayapang kinabukasan.

Mula sa Barangay 644, Zone 66, District VI, isang maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat!

Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!

March 28, 2026 - BARANGAY ASSEMBLY DAYTema: " Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlara...
25/04/2026

March 28, 2026 - BARANGAY ASSEMBLY DAY

Tema: " Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran.โ€

Maraming Salamat po sa mga Nakilahok sa ating Barangay Assembly Day!
Maraming Salamat din po sa ating mga bisita mula sa DILG Manila at Malacaรฑang Fire Station!

April 18, 2026Weekly Clean Up Drive
18/04/2026

April 18, 2026
Weekly Clean Up Drive


18/04/2026

April 18, 2026
Weekly Clean Up Drive


April 11, 2026Weekly Clean up Drive
11/04/2026

April 11, 2026
Weekly Clean up Drive


05/04/2026

April 5, 2026
Weekly Clean Up Drive


April 5, 2026Weekly Clean-up Drive
05/04/2026

April 5, 2026
Weekly Clean-up Drive


March 28, 2026Weekly Clean Up Drive
28/03/2026

March 28, 2026
Weekly Clean Up Drive


Address

Rodriguez Arias
Manila
1005

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 644 , Zone 66 , District VI , San Miguel Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay 644 , Zone 66 , District VI , San Miguel Manila:

Shortcuts

Share