02/06/2026
ALAGANG BATO, KAYAMANAN NG BAWAT PILIPINO! 👤💧
Magandang gabi, mga ka-Big Brother! 👋🏼✨
Ngayong buwan ng Hunyo, kaisa ang inyong lingkod sa pagdiriwang ng National Kidney Month. Ang ating mga bato o kidneys ay maliit na bahagi lang ng ating katawan, pero napakalaki ng gampanin ng mga ito para panatilihin tayong malakas, masigla, at buhay na buhay!
Kaya naman, narito ang ilang simpleng hakbang at paalala mula kay Konsehal Jeff Lau para sa sa ating kalusugan:
💧 Uminom ng sapat na tubig araw-araw para maiwasan ang dehydration.
🧂 Bawasan ang maaalat at mamantikang pagkain (bawas-bawas muna sa instant noodles at sitsirya!).
🩺 Magpa-check up nang regular, lalo na kung may high blood o diabetes.
Huwag nating hintaying sumakit o magkaproblema bago natin alagaan. Susi ang maagang pag-iingat para sa isang mas mahaba, mas produktibo, at masayang buhay kasama ang ating pamilya.
Tandaan: Ang kalusugan ng bawat isa ang pinakamalaking kayamanan ng ating pamayanan! 🤝🏼 District 3, subaybayan ang ating kalusugan! 💜
Isang malusog at mapagpalang buwan sa ating lahat! Stay healthy, mga ka-Big Brother! 🥰
📸 Poster Design by: Jeissamel Benitez Lucas