Kuya AJ Concepcion

Directions

Kuya AJ Concepcion Punong Bayan ng Mariveles
โ€”

Masaya po tayong nakasama ang ating mga kababayan sa Mental Health Conference.Patuloy nating palalakasin ang mental heal...
07/10/2026

Masaya po tayong nakasama ang ating mga kababayan sa Mental Health Conference.

Patuloy nating palalakasin ang mental health programs ng Mariveles sa pamamagitan ng MHO, Project CONNECT, at KALINGA. Pero tandaan po natin, nagsisimula ang pag-aalaga sa mental health sa loob ng ating pamilya. Maglaan tayo ng oras, makinig, at suportahan ang isa't isa.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nakinig.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡, ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—˜๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ!Pagpapaabot ng aming pa...
07/10/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡, ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—˜๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ!

Pagpapaabot ng aming pagbati sa iyong espesyal na araw. Ang amin din pong taos-pusong pasasalamat sa inyong walang sawang pagbibigay ng serbisyo at ang inyong dedikasyon na mapabuti at mapalawig ang kooperatiba sa ating bayan.

Pagpapala at biyaya ang aming hiling sa araw-araw na iyong buhay. Nawa'y bigyan pa po kayo ng kalakasan at kalusugan ng ating Maykapal sa mga susunod pa na mga taon.

Muli, Maligayang Kaarawan Tito Olan!

Magkita-kita po tayo mamayang 5:00 ng hapon sa Landing in Mariveles Memorial Park para sa masayang   kasama ang ating mg...
07/10/2026

Magkita-kita po tayo mamayang 5:00 ng hapon sa Landing in Mariveles Memorial Park para sa masayang kasama ang ating mga kababayan! Sama-sama tayong gumalaw, mag-enjoy, at alagaan ang ating kalusugan. Open po ito para sa lahat, kaya tara at maki-join!

Wag pong kalimutan na magdala ng sariling tumbler at magsuot ng Wellness t-shirt.

07/10/2026

๐†๐š๐›๐ข ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ๐žรฑ๐จ: ๐†๐š๐ฐ๐š๐ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Ating tunghayan ang ilang mga sandali sa naganap ng Gawad Parangal 2026 noong ika-4 ng Oktubre.

Congratulations at Mabuhay ang Kabataang Mariveleรฑo!

Sa isinagawang Executive Meeting, iniulat ng mga department head ang mahahalagang updates, programa, at mga usaping kina...
06/10/2026

Sa isinagawang Executive Meeting, iniulat ng mga department head ang mahahalagang updates, programa, at mga usaping kinakailangang tutukan ng ating pamahalaang bayan.

Kabilang dito ang inspection sa Barangay Townsite kaugnay ng mga naging pagbaha, ang patuloy na pagpapatupad ng PhilHealth YAKAP na mayroon nang 120,000 registered beneficiaries at tatlong accredited pharmacies, rehabilitasyon ng seawall at tulay sa Santol River, paghahanda sa paparating na El Niรฑo at iba pang mahahalagang programa at concerns ng bawat departamento.

Patuloy ang pagtutulungan at koordinasyon ng bawat departamento upang agarang matugunan ang mga pangangailangan at mapabuti ang serbisyong hatid sa ating mga kababayan.

Nawaโ€™y patuloy na maging matatag ang inyong pagsasama sa pagmamahalan, paggalang, at pananampalataya.Congratulations sa ...
06/10/2026

Nawaโ€™y patuloy na maging matatag ang inyong pagsasama sa pagmamahalan, paggalang, at pananampalataya.

Congratulations sa ating mga bagong kasal! Best wishes sa inyong bagong buhay bilang mag-asawa!

Congratulations sa bawat Kabataang Mariveleรฑo!Ang aming pagpupugay sa bawat kabataan na kinilala ang kanilang pagsisikap...
06/10/2026

Congratulations sa bawat Kabataang Mariveleรฑo!

Ang aming pagpupugay sa bawat kabataan na kinilala ang kanilang pagsisikap na nagpapatunay na ang kabataan ay may kakayahang mangarap, magsikap, at maging inspirasyon sa iba. Ang Gawad Parangal 2026 ay isang pagdiriwang ng sipag, talento, dedikasyon, at tagumpay ng ating kabataang Mariveleรฑo.

Maraming salamat sa Local Youth Development Office na pinangungunahan ni Juan Miguel Perez sa pagpapakita, pagkilala, at pagpapahalaga sa bawat Sangguniang Kabataan at sa mga Youth Organization sa ating bayan. Nawaโ€™y maging patuloy kayong maging inspirasyon sa lahat.

05/10/2026

๐ŸŽ„โœจ๐Ÿ–๐ŸŽ ๐ƒ๐š๐ฒ๐ฌ ๐”๐ง๐ญ๐ข๐ฅ ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฆ๐š๐ฌโœจ๐ŸŽ„

80 days na lang pasko na, Mariveleรฑo!

Isang mainit na pagbati kay Mariel L. Aclao sa kanyang panunumpa bilang bagong Sangguniang Kabataan Treasurer ng Baranga...
05/10/2026

Isang mainit na pagbati kay Mariel L. Aclao sa kanyang panunumpa bilang bagong Sangguniang Kabataan Treasurer ng Barangay Camaya, upang punan ang nabakanteng posisyon.

Nawaโ€™y maging daan ang panibagong tungkuling ito upang maipakita niya ang kanyang dedikasyon sa paglilingkod at patuloy na maging katuwang sa pagsusulong ng kapakanan ng mga kabataan at mamamayan ng Barangay Camaya. Mabuhay po kayo!

Panibagong linggo, panibagong pagkakataon po para maglingkod sa ating mga kababayan.Masaya po nating binabati ang Barang...
05/10/2026

Panibagong linggo, panibagong pagkakataon po para maglingkod sa ating mga kababayan.

Masaya po nating binabati ang Barangay Alion sa pagkamit ng 1st Place sa Best Breastfeeding Station, kasama ang Barangay Biaan sa 2nd Place at Barangay San Isidro sa 3rd Place.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon sa pagsusulong ng kalusugan at nutrisyon ng ating mga ina at sanggol. Congratulations po sa inyong lahat!

Address

Mariveles

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kuya AJ Concepcion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share