06/06/2026
May bayad daw pala ang check up ng aircon? 😁
Tumawag si customer. Hindi daw nagpa-function ang remote kaya hindi magamit ang Aircon nya.
Pagdating namin sa site ay remote kaagad ang tiningnan ko. "Sir, bago na ang battery nyan" wika ni customer. Pinukpok ko ng bahagya ang remote para maalog ang loob pero wala paring response.
Pansamantala ay minanual open ko muna ang Aircon nya at nasa perfect operation pa naman ito. Bumalik ulit ako sa remote at binuksan ko ang cover ng battery. Tama si client, bago nga ang battery. Inikot ko muna ang battery at tiningnan ang display kung nag-open na pero blangko parin. Kaya tinanggal ko na ang battery sa mismong remote. Nagtaka pa ako dahil may spring na kasama ang battery at nahulog ito sa sahig. Kaya naman pala ayaw gumana ang remote, nawalan na pala ng contact dahil naputol ang spring na para sa battery.
Iminungkahe ko nalang kay client na para madaling magawa ay dalhin ang remote nya sa mga electronic shop para pakabitan ng bagong spring.
Itinuro ko na muna ang pag manual operate ng Aircon nya para magamit nya pansamantala.
Gumawa na tayo ng report at pagkatapos ay ibinigay ko na kay customer.
"Ha! may bayad pala ang check up? Para pala kayong Doktor, kahit check up lang ay naniningil. Hindi nyo naman naayos ang remote ko". Gulat na sambit ni customer nung makita ang report na may presyo para sa check up. Napangiti ako ng bahagya dahil naihambing pa tuloy ako sa Doctor.
Marapat nga ba na magbayad si customer ng check up fee? Tara alamin natin.
Puntahan muna natin ang aspetong financial. Bago makarating ang mga technician sa inyo ay maglalabas na agad ng pera yan, pamasahe o pang gas/diesel. Kung company ang tinawagan mo ay may sweldo pa ang mga technician na darating sayo. Hindi lang isa kundi dalawa o higit pa. Ibig sabihin ay gagastos na agad papunta palang sayo. Kaya, paano babalik ang nagastos kung walang masisingil sa check up?
Sa aspetong technical. Malamang ay ilang beses mo ng sinubukan na paandarin ang Aircon mo pero hindi mo parin mapagana. Bakit? Dahil kulang ka sa aspetong technical at dito na pumapasok ang mga technician. Ang mga technician ay hinubog na ng panahon at pagkakataon para alamin o pag-aralan hanga't maari ang lahat ng tungkol sa trabaho nya.
Ang iba pa nga ay dumaan pa sa ilang taong pag-aaral at maraming seminar para makapag bigay la ng maayos na serbisyo sayo.
Hindi lang resulta ng gawa ang dapat bayaran sa mga technician. Maging ang kanilang technical knowledge ay dapat bayaran din. Ang marinig mo ang kanilang opinion o suggestion na kung ano ang dahilan ng pagkasira ng Aircon mo ay nagbibigay na ng kasagutan at kapanatagan sa loob mo. Nababawasan ang stress mo at agam-agam kapag narinig mo na kung ano ang mga dapat mong gawin para maayos ang problema ng Aircon mo.
Note: kung under warranty ang unit ay walang bayad ang check up kung may problema talaga ang Aircon unit.
More Aircon tips? Follow and Share at paakap narin ang Enriquez Mechanical Engineering Services. Salamat
Why Enriquez Mechanical Engineering Services? 🤔
Legit:
👍Authorized Aircon Dealer
👍Authorized Installer
👍Authorized Service Center
👍With Physical Store/Showroom.
👍Complete Government Permits.
👍We know our product since 2003. From Residential, Commercial and Industrial.
👍Trusted Aircon Company
👍 Enriquez Mechanical Engineering Services are built by Trust, Expertise and Genuine care to our customer.
👍Our Technicians are Technically Trained by the top Aircon brand like Daikin, Carrier and Others.
👍Quality products and services with a competitive price.
👍Guaranteed on time completion.
👍Very good customer service and after-sales.
👍We valued our customers trust.
Sub-Dealer and Reseller are very much welcome.
Aircon Units Available:
🥶 Daikin
🥶 Panasonic
🥶 Carrier
🥶 Midea
🥶 AUX
🥶 Gree
🥶 CHiQ
🥶 LG
🥶 OX
Services Offered:
✅ Sales
✅ Installation
✅ Repair
✅ Parts Supply
✅ Dismantling
✅ Relocation
✅ General Cleaning
✅ Preventive Maintenance
Main: Office
Mabilao San Fabian Pangasinan
Branches:
Enriquez Mechanical Engineering Services
Mabini st.Catbangen San Fernando city la union
❄️Inquire Now❄️
📞09273766063
📞09458210374